Entry #19

154 10 11
                                    

Dear crush,

Kamusta ka na? Sana ikaw ay laging masaya ngyon

Kasama ng mga kaibigan mo, pakinggan mo ang sasabihin ko..

Ay ano ba yan! Napapakanta tuloy ako.Oh well papel, ang tagal na simula noong huli tayong mag kita simula ng iwan mo ako ay este ng gumraduate ka . Namimiss na kita! Kelan ka babalik? Mag-enrol ka ulit!

Moving on, gusto ko lang ipaalala sayo ang mga kalokohan/ mga nagawa ko para lang mapatunayan ang everlasting love ko para sa'yo kahit walang Forever! Mga moments na hindi ko malilimutan.

Moment to remember #1:

Naalala mo noong first year palang tayo? Na-love at first sight ako sayo. Akalain mo 'yon? Sobrang papansin ako sa'yo kaso wa ka pakels kaya taob ang beauty ko.

Moment to remember #2:

Naalala mo ba noong kinausap ko ang bestfriend mo para lang alamin ang mga info sa'yo? Loner ka kasi at isang tao lang ang kinakausap kaya todo effort ako para lang kausapin ang one and only bestfriend mo para lang makuha ang address mo, cellphone number, hobbies, religion, height at favorite color para may mailagay ako sa slam book ko, LOL

Moment to remember #3:

Naalala mo rin ba noong feeling nasa korean movie ako? May pabibigay bigay pa ako sa'yo ng gift sa may corridor kahit maraming nakatingin na classmates natin. Inabot ko sa'yo 'yong regalo sabay takbo ng mabilis palayo.

Moment to remember #4:

Naalala mo ba noong nalaman ng buong klase na crush kita? Ako tandang tanda ko kasi pinagmamalaki ko ang nararamdaman ko para sa'yo.

Moment to remeber#5:

Naalala mo ba noong naging magkapartner tayo sa sayaw na folkdance? Halos ayaw ko ng bitawan ang kamay mo noon.

Moment to remember #6:

Nalala mo rin ba noong school fest? Hindi ko malilimutan ang linggong iyon. Una dahil pagkatapos kong mag monologue sa isang event bilang barbie ay isinayaw mo ako sa harap ng buong Campus kahit pa scripted iyon .

Pangalawa ay noong may isang booth na pwede tayong mag usap, 20 minutes lang ang pag uusap na iyon at 'yon na ang pinakamatagal na conversation natin ever! Pero para sa akin, panglifetime experience iyon. Ang dami kong nasabi sa'yo na hindi ko kayang sabihin sa ordinaryong araw tuwing klase.

May dala akong gitara at hinarana kita. Wala akong paki kung parang desperada ang galaw ko, hindi ko naman hiniling sayo na maging girlfriend mo ako. Ang gusto ko lang iparamdam ko sa'yo na gan'on kita kamahal.

Kahit pa ako ang humarana at bumanat ng pick up line para sayo...ayos lang. At saka sinabi mo sakin na hindi ka pa handa. Alam kong nabasted ka sa unang beses mong panliligaw pero bakit ayaw mong subukan ulit? Pero dahil mahal kita, inintindi kita. Maghihintay ako sabi ko sa'yo di ba?

Moment to remember #7:

18th birthday ko. Wala akong engrandeng debu party. Isang simpleng salu-salo lang ang hinanda para sakin pero daig ko pa ang nagdebu sa isang sosyalang hotel. Alam mo kung bakit? Kasi dumating ka. Akala ko hindi ka pupunta kasi noong in-invite kita parang wala kang paki alam.

Sobrang saya ko ng tumawag ang bestfriend mo at sinabing pupunta kayo. At dahil doon, nakumpleto ang birthday ko.

Moment to remember #8:

May 20, araw ng birthday mo. Pinakamasayang araw ko noong taon na iyon. Bakit? Kasi finally in-accept mo na ang friend request ko sa facebook after 3 years! Grabe ganoon katagal akong naghintay! Wengya! Magkakalse tayo, minsan nagkakatabi sa upuan pero ang hirap mong abutin!

Moment to remember #9:

Naalala mo ba noong nasa third year na tayo? Bigla kong pinagupit ang long hair ko dahil binago ang pairing sa thesis?

Ready na sana akong pakainin ang buong baranggay namin dahil tayo ang partner sa thesis tapos biglang babawiin? At iyon nga, pinagupit ko lang naman ng hanggang shoulder ang dating long hair ko. Hindi ko na kaya nabawi ang dati kong buhok. Pumangit na! Nagtampo kasi, unang beses kong nagpagupit ng gan'on kaikli.

Moment to remember #10:

Dahil masyado akong vocal sa 'That Little Thing Called Love' ko para sayo, pati instructors at professors natin alam na alam. Kulang na nga lang pati si Dean at ang guidance councilor makaalam eh.

Anyway, back to story, may isa tayong professor na pinagtripan tayo. Bigla niya akong pinatayo at pina-describe ka sa akin in one word. Ang sabi ko ikaw ay "Adorable". Tapos sunod ka namang tinanong. Sinabihan kang i-describe ako in one word ang sabi mo "Sincere" Ang liit ng word pero kinilig ako! Tae!

Moment to remember #11:

Ang huling araw mo sa school. Dahil hindi tayo sabay na gagraduate. Apurado ka kasi, iniwan mo ako! Naglalakad ka noon, tapos nasa likod mo lang ako. Sinusundan kita. Hindi ko inaalis ang paningin ko sayo, hinihiling na sana lumingon ka kasi alam ko na hindi ka na babalik ng school.

Naghintay akong lumingon ka sakin pero nakalabas na tayo ng gate hindi ka pa rin lumilingon hanggang sa makasakay ka na paalis. Ang totoo naiwan ako sa kinatatayuan ko noon. Pinanood kong maka alis ang sinakyan mo. Hindi man lang ako nakapag ba-bye sa'yo. Palagi kaya akong gan'on. hindi ko alam kung napapnsin mo pero palagi akong nakatingin sa'yo pero lagi ka namang nakatalikod.

Ang daming pagkakaton na sinabi at pinaramdam ko na patay na patay ako sa'yo. Ang daming nagsasabi sakin na bakit daw ikaw eh marami namang iba. Naglevel up ang popularity ko sa school pero wala akong nagustuhan kundi ikaw lang. Ik4w L4Rn Sh4p4t n4.

Nakabuo nga ako ng isang buong diary na tungkol lang sayo at sa akin at sa buong college life natin. Ang dami kaya nating memories. Hindi ko alam kung natatandanan mo pa pero ako, kahit na hindi naman naging tayo, college life ko ang pinakamasaya dahil nakilala kita.

Hanggang ngayon hinhintay pa rin kita. Marami pa akong gustong sabihin sa'yo pero hanggang dito na lang kasi loveletter contest lang to ni CBC_2015 at hindi nobela ng pag ibig ko.

Patama Quotes ko: "It hurts to love someone who can't love you back...."

Saklap men!

PS: Kapag nagkita ulit tayo, isinusumpa ko, mamamanhikan na ako sa bahay niyo!

Loving you to forever and always,

Rampadora

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon