Entry #32

71 9 16
                                    

Dear Crush,

Hi MAU! Hindi yan ang real name mo pero yan ang tawag namin sayo ng mga kaibigan ko, initials mo kasi yan eh.

Feeling ko, hindi lang crush itong nararamdaman ko para sayo kasi sabi nga ng iba, tumatagal lang ang pagka-crush mo sa isang tao hanggang apat na buwan LANG. As in apat na buwan LANG talaga! Pero yung pagka-crush ko kasi sayo libong taon na. Joke! Hahaha. Pero seriously, mula first year pa kita gusto, yung time na bagong gupit ka at naka-superman kang T-shirt. Gravity! Ang pogi mo nun. Well, hanggang ngayon rin naman pogi ka pa rin. Walang kupas kaso tumataba ka na. Hahaha. Iwas iwas din kasi sa pagkain pag may time. xD

Naalala mo ba yung unang encounter natin? Yung pinakilala ka ng barkada mo sa akin, June 26, 2013, 4pm at gymnasium. My gosh! Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Nanlalamig ang kamay ko at pinagpapawisan ako ng todo-todo. Ni hindi ako nakapagsalita nung kaharap na kita, pati ikaw rin walang imik (nabighani ka ba sa kagandahan ko? Hahaha). Mabilis lang din ang pangyayaring iyon pero hindi ko yun makakalimutan kahit kailan. Kinilig kasi ako. Sobra! As in. Emeghaddd!

Ngayong fourth year na ako, madami na akong kahihiyang ginawa sa harap mo. Hindi ko na nga mabilang ang mga yun (ang dami na kaya). Apat na taon na akong UMAASA sayo. Pero wala eh, hindi mo pa rin ako mapansin. Ang saklap ng buhay ko noh? Kung yung iba, happy ending, yung sa akin walang mararating. Haaay! Bigti na. Lol. Joke lang! (Huwag na huwag gagawin).

Hoy MAU, bakit ganyan ka? Manhid ka ba o sadyang hindi lang ako kapansin-pansin? Naku! Baka yang ginagawa mong pag-snob sa akin ay ako rin lang ang hahabulin mo isang araw. Hahaha. Feeler eh. Kasi naman eh! Nasa harap na nga ang prinsesa, tumitingin pa sa iba. Mamaya niyan eh, ang mahanap mo ay yung babaeng mukhang gorilla. Wahaha! (Bitter! XD)

In-add rin kita sa facebook, ang tagal bago mo in-accept. Pero sobrang saya ko nung lumabas ang pangalan mo sa notification ko at sinabing ***** accepted your friend request. Ohmygeee! Muntik na akong magpaparty sa barangay namin. Haha.

Dahil dun, na-stalk na kita sa facebook, nakita ko lahat ng mga pictures mo. Grabeee! Ang gwapo mo talaga. Artistahin!! Kaso sa facebook ko din nabasa lahat ng ka-sweetan mo sa gf mo. MAU, naaalala mo ba yung time na pinamukha mo sa amin, lalo na sa AKIN yung paghawak mo ng kamay ng girlfriend mo sa harap namin?! Grabe yun! Ang sakit! Sagad sa buto ang sakit. Nanunuot. Hindi naman kita boyfriend pero kung masaktan ako ay sobrang sakit talaga to the deepest ocean in the world. Hahaha. Pabebe! XD. Nakakainis ka talaga! E yung mukha naman nung gf mo eh (excuse me, hindi sa nanglalait. Hohoho) mukhang espasol sa puti ng mukha dahil sa kapal ng foundation. Ewan ko sayo. Bulag ka ata. Hahaha.

Pero kahit ganun pa man, love na love pa rin kita. Ikaw ang Yakonja ko (sa mga hindi po nakakaalam, Yakonja means fiance in Korean). Kaya ngayong graduate ka na, dapat antayin mo ko ha? Ako lang dapat ang magiging Bride mo. Wala ng iba? Gets mo ba? Hahaha.

Ito ang pinakamalupit Yakonja, may date na akong napili para sa kasal natin. Hahaha. January 9&10, 2021. Two days yan kasi uso sa probinsya na dalawang araw ang selebrasyon ng kasal. Saturday at Sunday pa talaga yan. Oh diba? Alam kong special sayo ang January 10 kasi yan ang birthday mo at ako naman ay January 9. Kitams? Magkasunod lang ang birthday nating dalawa. Kaya ramdam ko talaga na para tayo sa isa't isa. We're destined for each other. Kyaaaah! Kinikilig na naman ako. Hahaha. (Libre ang mangarap. Diba? Diba?)

Pagkatapos ng saya, may lungkot ka pa ring mararamdaman, hindi puro tuwa at saya na lang. Kasi nung time na nalaman ko na ang dami mong sisiw este chiks pala. Haha. Nasaktan ako nun pero hinayaan ko lang, mabilis ko ding nakalimutan. Pero nung mga close friends at pinsan ko na yung mga pinopormahan mo. My gosh! Bakiiit? Bakit sila pa? Bakit hindi na lang ako? Ang sakit sakit Yakonja. Umasa ako e. Umasa ako na darating ang panahon na mapapansin mo rin ako. Pero mukhang wala ng pag-asa. Mahirap umasa sa mga bagay na wala kasiguraduhan. Kaya awat na!

Bago matapos ito, sana lahat ng mga pangarap ko na kasama kita ay SANA mangyari. Hahaha. Basta! Umaasa pa rin ako na ikaw ang magiging future hubby ko. (Tigas na ulo ko. Sorry naman! XD) Kung ngayon ikaw ang Yakonja ko, sa January 10, 2021 ikaw dapat ang makikita kong naghihintay sa akin sa harap ng altar na may makislap na ngiti sa iyong labi. (Kyaaah! Imagination na naman. Wahaha. Wala kayong pake! Kung gusto niyo, mangarap din kayo. Hahaha.)

MAU, you know what, my feelings for you is not just a mere crush nor an infatuation but a TRUE UNDYING LOVE that can never defined. Yung feeling na hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sayo. Kumbaga sa math, undefined. I still love you even you hurt me a lot. But for the mean time, I will try to forget what I've really feel for you. (Yun ay kung kaya ko? Kaya ko nga ba? Haha. Bahala na!) I LOVE YOU MR. UBANDO! (wish ko walang may kilala sakanya dito. Harhar! Another kahihiyan. xD)

Sincerely loving you,

NAM

★Remember: If you're meant to be together, God will make His move. His undefined move.★

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon