Entry #31

85 8 6
                                    

Dear crush,

Ayaw ko talaga ng mga ganitong kaetchusan eh, ayaw na ayaw ko kasi nagiging mahalay ako. Whahahaha...buset lang. Hmmm, dahil kasi sa isang dearest friend kung kaya't napagpasyahan kong isalaysay ang buong kahibangan ko sa'yo. (Oh, sana huwag mong mabasa kundi mayayari ako ng bonggang bongga!)

Well, nagsimula din ito sa wattpad...naalala ko pa 'nung nagmemessage ka sa akin na hi ang ganda po ninyo...sabi ko naman, well, thank you! (kasi nga alam mo, gustong gusto ko ang pinupuri ako...whahaha) tapos ayun, marami tayong napapag-usapang mga walang kwentang bagay hanggang sa unti-unti kong napapansin na iba na pala ang tibok ng puso ko pagdating sa'yo.

'Yung feeling na ibang-iba ka kung maka care sa akin akala mo payat na payat ako. Pinupuri mo ako palaging maganda, sexy, matalino tapos 'yung mga jokes mo na tawang-tawa naman ako sa hindi malamang dahilan? Baliw na siguro ako...haay!

You're a great friend through ups and downs. Even the smallest favors kayang kaya mong gawin. Kinaiinisan man kita minsan, you never fail to explain your side, para maipanalo mo at ang iyong sarili sa kaso este sa pagtatampo ko. Alam mo ba, simula 'nung hindi ka na nag-oonline, hinahanap hanap ka ng puso ko.

Ewan ko nga ba...haay...mahal na siguro kita. Tapos hindi ko rin makakalimutan 'nung gumawa ka ng one-shot tapos ibinalandra mo pa talaga ang pangalan ko, in furnes naman ang puso ko nagtambling, cartwheel, nagbackdive sabay split dahil feeling ko ang ganda ganda ng pangalan ko doon kasi nga ginamit mo iyon.

Alam mo ba, sobrang na touch ako sa ginawa mong iyon, lalong lalo na't sa huli, aba matindi sinabi mo pang "I love you..."

Huhuhuu...mamamatay ako sa kilig harruu juice colored!!! promise talaga ng bongga parang bumalik ako sa pagiging teenager ko at mas tinapatan mo pa talaga ang aking crush noon, kaya lang badtrip ka rin eh...ginagawa mo akong lola o di kaya'y matandang uugod-ugod kasi panay 'yung ate mo...sige ate pa more ha? ate pa, 80 years old na ako, kulubot na 'yung mukha ko! geh!

Haay, my patama quote for you is this:

Love is blind when I met you,

even that "age doesn't matter" hinamak ko,

noong sinabi mong bukod kay God, tayo ang may forever,

I promise you, mamahalin kita, it's now or never!!!

Kaya lang ano ka eh...

abnormal, manhid, walang pakiramdam kasi alien ka.

Mateo Do..acheche pa!

Ate ka pa ng ate, oh di'ba?

Alam mo bang ako, ampeg ko nlng, nganga!!!

I hate that I love you so...

Dear crush, I'll wait for you...just like Steffi Cheon at nilalaman ng My 101 thoughts ko at sa ending ng MLFTS (My Love From the Stars), I'll wait for you because you're worth waiting for...feeling ko the feeling is mutual eh, or feel ko lang?

Ang feeler na nagmamahal sa'yo,

Ang Dyosang ako (whahahaha)

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon