Entry #25

84 10 4
                                    

Dear (past) Crush,

Nagkakilala tayo dahil sa nakita kong pareho pala tayo ng hilig sa pagsusulat ng mga kwento at kung anu-ano pa. Dun tayo nagsimulang maging close diba? Palitan ng votes and palitan ng stories. Sinusubaybayan ko books mo at sinusubaybayan mo yung akin.

Nagsimula na akong magkagusto sayo nun. Noong sinabi mo sa akin kung sino ang nilalaman ng puso mo'y medyo nasaktan ako. Pero tinago ko. Para sa kasiyahan mo.

Napagkaibigan ko kayong dalawa. At noong una'y medyo hindi kayo nag uusap dahil doon. Kasi best friend ko siya at best friend mo din ako.

Pero sa kalagitnaan ng mga oras na iyon ay tinago ko ang paghanga at pagkagusto ko sa iyo sa isang diary na hanggang draft lang ang inabot. At dahil nga nagbabasa ka sa cellphone ko at ako naman sa iyo, nakita mo ito ng hindi sinasadya.

Tatak sa aking isipan ang mga salitang,"Maghihintay ako para sayo. Pero kung may pag-asa lang ako.".

Hindi ka tumulad sa mga noong sinaktan ako at lumayo. Inintindi mo at naging mabait ka sa akin. Naaalala ko noong mga oras na sa mga groupings ay tinatanong mo kung ikaw lang ang nakakaalam.

At, oo, ikaw lang nga noon.

Ang saya ko sa mga beses na bigla ka nalang susulpot sa likod ng upuan ko na parang kabote habang nag-uupdate ako sa recess.

Ikaw ang rason kung bakit ko nakompleto ang libro ko. Dahil kada update ko, alam kong may rason para mag-usap tayo.

Nang maging kayo na ng best friend ko, tanggap ko na na hanggang kaibigan lang tayo. Ok lang ako dun. Madaling mag move on pag sanay ka nang masaktan diba?

Dahil sa isang chismis ay napaiyak ako noong Science time. Tsismis kung saan masisira ang reputasyon mo. Tsismis na nagsasabing inaagaw kita sa kaniya. Imbis na ipahamak kita para sa sayang nararanasan ko pag nag-uusap tayo, iiwas nalang ako. Para sa reputasiyon ninyong dalawa.

Kahit na ganoon, ako parin ay nagpatuloy sa pagiging kupido. Mga pictures (stolen) at iba pa. Bawat picture na kinukuha ko, nginingitian ko ang screen ng phone.

Pero sa likod ng ngiting iyon, may sakit.

At dahil nga nag-iwasan tayo, hindi na tayo masyadong nag-uusap pero nagha-hi sa isa't isa kahit sa loob lamang ng classroom. Awkward, alam ko. Pero ano namang magagawa ko?

Bawat groupings na kagrupo kita, masaya na ako kahit makatabi lang kita. Kahit papaano ay bumabalik ang kasiyahan ko. At naaalala ko noong MAPEH groupings tinanong mo ako kung bakit ang hyper ko, dahil sayo yun.

Hindi mo na maalala noh? Yah, kasi wala ka namang pakielam. Sa dinami-dami ng kaibigan mo, ano naman ako sa kanila?

Naaalala mo yung picture na mo sa dating school mo na nakuha ko? Long story short, may kaibigan kang binabasa ang diary ko at binabasa ko ang diary niya so naging magkaibigan kami at nalaman ko ang past mo and ung name niya.

Oo, tama ang pagkabasa mo, past mo. Natakot ako para sa best friend ko siyempre. Pero nagtiwala parin ako sayo. Sobrang tiwala na maipapakita mo sa akin na may forever.

Na kaya mong ipakita sa kupidong walang puso na may forever sa inyo.

Pagdating ng summer, unti unti nang nababawasan ang komunikasyon niyo.

Hanggang sa hindi magkaintindihan.

Hanggang sa wala na.

Tapos na.

Walang forever.

Nasira ang tiwala ko. Yan ang rason kung bakit ako nasaktan. Wala akong karapatan noh? Pero oo, nasaktan ako. Akala ko aalagaan mo siya. Akala ko hindi mo siya papaiyakin.

At ngayong magkakaroon ka na naman ng bago (for sure, heartthrob ka eh! ) natatakot ako para sa girl kung sino man yun.

Gusto kong maiwasan na mangyari yung dati mo nang inulit ng 4 na beses. Mabilis ka magsawa, at kung alam mo un sa sarili mo, pipilitin mo pa bang manakit ng ibang tao?

Gusto kong matapos na ang pananakit. I'm sorry kung nagiging prangka ako pero kung alam mong talagang kaya mo nang i-handle ang forever, sige basta paninindigan mo.

Pero sige, wag na, wala nalang akong ipipilit sayo. Ikaw na bahala sa buhay mo. Basta ang alam ko lang, bawat pagsakit mo sa iba, ako rin nasasaktan.

Kasi yung sinabi kong, "Maghihintay ako." nagiging, "Maghihintay akong maging tapat ka kasi naging best friend kita at kahit hindi tayo nag-uusap may tiwala ako sayo." Binibigyan kita ng chance pero hindi naman kailangan to eh!

Pwede mong kalimutan na lang.

At patawad din kung sobrang kulit ko. Alam kong sa mga chat mo hindi mo naman talaga ako napapatawad ng buo.

At ganun din ang nararamdaman kong sakit, hindi naman siya agad mawawala. Tulungan nalang natin ang isa't isa.

Sa tingin ko, hindi ka naman papayag eh! ako pa, na pagkakaguluhan mo, na ang babaeng desperadang makilalam sa buhay mo.

Hindi na kita gusto habang sinusulat ko to, obviously. I just miss a best friend.

Nvm nalang kasi gugulo lang ang buhay natin noh? Wag kang mag-alala. Hindi ko na din uulitin yung pag hahanap ko ng boy best friend.

Wala na akong magugulo diba?

Sincerely?

Author

Mahirap magtiwala

Sabi nila

Pero dahil lang yun sa

Nangyari sa past nila

May mga taong mapupunta sa buhay mo

At mawawala nalang bigla

Pero iyan ang plano ng Diyos sayo

Dahil di siya dapat sa buhay mo at hindi ka rin dapat sa kanila

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon