Entry #29

80 9 5
                                    

Dear Crush,

Naiinis ako sa'yo. Bakit? Lagi kasi kitang nami-miss, kamote ka. Ayoko ng endearments kasi ang baduy pero kilig na kilig ako 'pag tinatawag mo 'kong 'baby'. Relo mo lang ang crush ko nung una, nagulat na lang ako kasi pati yung may-ari crush ko na rin.

Naalala ko tuloy nung nagtalo kayo ng maiingay kong friends tapos nagalit ka. Hindi ako nakatulog no'n kahit na sinabi mong matulog na ako. Alam ko kasing badtrip ka nung naggoodnight ka sa'kin.

Alas kwatro na nang umaga kinabukasan after ng gyera ninyo ng mga kaibigan ko at antok na antok na ako pero tinext pa rin kita para manghingi ng sorry dahil alam kong yun ang oras ng gising mo.

Nagalit ka na naman sa'kin kasi sinabi kong hindi pa nga ako natutulog. Alam ko namang bawal akong mapuyat kaya pinagalitan mo 'ko. Sa sobrang puyat ko at galit mo, napa-I love you tuloy ako sa'yo, letse. Nahampas ko pa yung ulo ko that time kasi bakit ko sinabi iyon pero hindi ko nasagad yung lakas kasi nag-I love you, ka pa with matching 'baby, please, sleep. Hindi ko alam ang gagawin ko oras na may nangyaring masama sa'yo' lalo lang tuloy akong hindi nakatulog, nakakainis.

Hindi ko talaga alam kung saan tayo papunta ngayon, pero kapag sinasabi mo mga plano mo sa buhay, natutuwa ako kasi hindi ako nawawala doon. Crush, yung totoo.... Crush mo rin ako 'noh?

Crush, marunong din akong matulog, kaya sana 'wag kang tatawag nang dis-oras ng gabi habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ko para lang sabihing matulog na ako at nakauwi ka na galing sa work. Istorbo lang kasi, hehehe. At higit sa lahat, wag mo 'kong hihiritan ng 'baby, wag kang abnormal ha, mag-breakfast ka' or 'baby, siraulo kang tunay talaga. Panay ang paalala ko sa'yo na mag-breakfast ka 'di ba?'

Crush... Crsuh pa lang kita, hidni pa kita boyfriend or asawa. Wag kang feeling ha?

Alam kong may Wattpad account ka at binabasa mo ang mga kalokohan ko, na paulit-ulit mong dine-deny kahit na nakita ko na ang account mo. Mabuti na lang at hindi mo ito mababasa oras na matanggap, hehehe...

P.S.

"Gustung-gusto kong mag-propose sa'yo ngayon kaso ayaw ko talaga sa phone. 'Pag ginawa ko yun, gusto kong Makita facial expression mo, kamote ka kasi eh!"

Pasensya na, nakita ko 'yan sa Drafts ng phone mo na ako ang recipient. Hehehe, ako na si pakialamera.

Patama Qoutes:

"Gusto ko nang magpalit ng apelyido."

--Pwede mong gamitin yung sa'kin.

"Hindi ako writer ng romance, hindi ko kasi feel..."

-Gusto mong ma-feel?

"Ang swerte ng mapapangasawa mo..."

--Oo nga, sana swertehin ka.

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon