Entry #14

152 15 18
                                    

Dearest Crush,

Sa lahat ng nararamdaman, ikaw yung mahirap pigilan. Kase diba, sa salitang 'crush' nagsisimula ang lahat. Buti nga hindi ako sa sahig nagka -'crush' , bagkus ay sa'yo ako nadulas.

Oo. Unang kita ko palang sa'yo, hinding-hindi ko na mabubura sa ala-ala ko ang kulay ube mong damit at ang ngisi mong nakaka-iling. Naiiling ako kase hindi ko alam kung napangisi ka ba dahil iniisip mo na 'saang planeta ba 'to nanggaling' o napangisi ka dahil iniisip mo na ' mukhang uto-uto 'to, masampulan nga' pero alam mo, after that moment na tumalikod ka sa'ken hindi ko ini-expect na magbabago na ng bongga ang love story ko. Ahaha.

Mula sa pagkakaroon ko ng crush nang sampung taon (na hindi man lang ako nakaranas kahit isang sulyap). Natagpuan nalang kitang bigla sa buhay ko.

Ikaw yung tipong hindi ko aasahan na masasandalan ko sa loob ng mga panahong nangangapa ako dahil bago lang ako sa working place nyo, never mo 'kong iniwanan. Never akong na-pressure lalo na kapag ikaw yung kasama ko.

Sa simpleng pag-aalok mo ng softdrinks lalo akong nahulog sa'yo. Alam mo ba, may mgabpagkakataon nun na dahil sa baba ng sweldo ko gusto ko ng mag-resign pero sa tuwing makikita kita, ewan ko ba sira na siguro talaga ang ulo ko dahil sa mga pasimpleng panlalandi mo.

Sinasabi ko tuloy sa sarili ko na "konti pa, kapag naging kayo na... saka ka nalang umalis." O diba, kung hindi ba naman ako baliw. Okay lang na walang maipadala sa nanay ko 'wag lang akong mawalay sa ngiti at tawa mo.

At alam mo pa kung anu pa yung mas nakakaloka nun na ikinawiwindang ng buong nervous system ko? Yung kahit hindi mo na duty, kapag nakikita mo na hindi ako tinutulungan nung kapalitan mo. You'll stay and help me kahit hindi ka na makatulog sa mga oras na dapat natutulog ka na. You never judge me. You always bring the best in me. You're the only one who makes me feel like a baby at ikaw din ang salarin kung bakit ako lomobo ng ganito! from 43 kilos to 54! Arghh!!!

Pero honestly, wala akong pinagsisihan. Nagpapasalamat ako na worth it yung pitong buwan na pinagpapantasyahan kita haha!

Salamat ha, salamat kase kapag magkaaway kame ni madir, ikaw yung nagpapa-unawa sa akin. Ikaw yung nag-e-explain sa akin. You taught me other views in life. Salamat kase, you make me feel that I am also capable having those emotions and feelings. Akala ko sa panonood lang ng anime ako kikiligin eh!

Ngayon sa tuwing babalikan ko yung mga ala-alang yun wala akong masabi kundi "Thank you Lord, for giving me this wonderful man" alam mo yun? hindi ko inaasahan na yung pitong buwan na pagnanasa ko sa'yo eh, mauuwi sa araw-araw na pagmulat ng mga mata ko --- na ikaw ang makikita ko.

To my dearest crush, salamat sa mga effort mo nun. Naalala mo pa ba? yung time na hinihiram nung may crush sayo yung mp3 mo at naki-epal ako? Humiram din ako at mas pinahiram mo ako
kilig much ako that time.

Hindi ko rin makakalimutan noon na sa tuwing bibili ka ng C2 ako yung unang-una mong bibigyan at sa tuwing may handaan sa tindahan, pagkain mo na lang, ibibigay mo pa sa akin kaya tinutukso ka nila eh, na baka nagkakagusto ka na sa'ken haha!

Sa totoo lang, hindi ko maimagine kung panu mo nagustuhan yung babaeng patpatin, na maitim at mukhang ulikbang ewan.

Dear Crush, wag ka magbago ha.

Kahit mag-asawa na tayo ngayon, crush na crush ko parin yang kamay mo haha! Oo yan ang unang-una kong gusto sa'yo kasi ang ganda ng shape, tas ang puti, tas ang ganda pa sumulat. Iniisip ko nun "Ang sarap-sarap sigurong ka-holding hands neto" pero ngayon di na ko kinikilig ang sakit mo kayang manakal. Sa laki ng kamay mo isang kamay nalang tuloy ang leeg ko hahaha! Joke! :">

I love you Honey

Eto ang patama quotes ko para sa iyo, "One day, someone will walk into your life and make you see why it never worked out with anyone else.

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon