Entry #27

104 12 4
                                    

Dear crush/stalker,

Dalawang taon, dalawang taon ko ring sinarado ang puso ko, kinalimutan kong magmahal at mas pinili kong maging manhid.

Sa loob ng dalawang taon, masaya naman ako eh. Kontento ako sa kung anong mayroon ako. Hindi ko kailangan ng taong mamahalin at magmamahal sa akin. Mabuti na yun diba? Ang maging manhid, atleast hindi masasaktan yung puso ko. Pero nang dumating ka lahat nagbago.

Sabi mo sa'kin wala na kayo nang gf mo, lahat kasi tutol sa relasyon nyo, masyado daw kasing perfect si girl para sa isang gagong katulad mo. Pero ako naniniwala akong mabait ka kaya ako yung nag-comfort sayo.

Kahit ang cold ng treatment mo sa'kin, okay lang. Ang suicidal mo kasi eh, kaya kahit gusto na kitang iwan, hindi ko magawa. Lagi mong sinasabi sa'kin na sana mamatay ka na lang at lagi naman kitang pinipigilan. Natatakot ako na baka bigla ka na lang magpakamatay. Kahit napupuyat ako dahil sayo, okay lang, tinitiis ko yung antok ko masamahan ka lang.

Naalala mo pa ba yung sinabi ko sayo na kung hindi na kayo pwede, mag move on ka na lang, marami pa namang ibang babae dyan eh, gwapo ka at marami namang nagkakagusto sayo. Natawa ka pa nga nun eh kasi sabi mo di ka naman gwapo tyaka lahat ng nagkakagusto sayo, di mo naman gusto at kung sino pa yung gusto mo, yun pa yung ayaw sayo. Pa-humble ka pa eh gwapo ka naman talaga. Buti na lang talaga napapatawa kita kasi simula nun unti-unti ka nang hindi nagiging cold sa'kin.

Isang gabi tumawag ka sa'kin, hiyang hiya ako kasi ang laki ng boses ko kaya tawa ka nang tawa. Nagtampo pa nga ako sayo nun eh kaya binabaan kita ng phone. Sorry ka ng sorry, puro missed calls at messages sa phone ko nun at kahit sa facebook nagso-sorry ka.

First time kong naka-encounter ng lalaki na ganon kung mag-sorry, dinaig mo pa yung mga ex ko eh. Hanggang sa umamin kang matagal mo na akong crush, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

Matutuwa dahil may nagkakagusto pa pala sa beauty ko at malulungkot naman kasi alam naman nating parehong hindi pwedeng maging tayo. Na kahit crush lang yun, hindi pwede kasi doon nagsisimula yung "love" eh. I don't want a forbidden love.

Gusto kitang itulak palayo sa'kin kaso ayokong masaktan ka. Ayokong dumagdag sa mga babaeng ni-reject ka kasi baka hindi na kayanin ng puso mo. Kaya mas pinili kong mag-stay sa tabi mo, kahit nararamdaman kong nagiging panakip butas lang ako, isang rebound, okay lang.

Pinili kong samahan ka hanggang sa dumating yung time na may mamahalin ka nang iba, yung babaeng pwedeng-pwede na maging kayo. Hindi ko alam na darating yung araw na kinatatakutan ko, yung araw na hindi na ako manhid. Nang narinig ko yung boses mo, tumibok ng mabilis yung puso ko. Ang sabi mo pa nga nun "Goodnight, kiss sa kamao". Kiss sa kamao, pauso ko yun eh, lagi ka kasing nagsesend ng kiss emoticon tapos rereplyan kita ng "sa kamao ko, pwede." kaya pag nag goodnight ka lagi nang may kiss sa kamao. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa mabait at maaalahanin na katulad mo? Na ultimo suot ko gusto mo maayos pati pagkain ko dapat madami.

Pinaramdam mo sa'kin na mahalaga ako. After 2 years, ngayon ko lang ulit naramdaman na may nag-aalala at nagmamahal sa'kin. Sabi mo, kahit gustuhin mong magmahal, bawal. Iyan din yung gusto kong sabihin eh, pero hindi ko masabi kasi alam kong magiging magulo lang ang lahat. Ayoko nang mahirapan ka kaya balak ko na talagang sabihing gusto na rin kita.

Wala na kong pake kahit bawal, kahit na may age gap tayo. Handa na kong sumugal eh kaya lang, bigla mong in-open yung sa ex mo. Na sinabi ng ex mo sayo na ikaw pa rin yung gusto niya, kaya yung puso mo naguluhan habang yung puso ko naman unti-unting nasaktan.

Bakit ba kasi may isang ikaw na hindi pwedeng maging akin? Ayoko nang maging komplikado pa ang lahat kaya ako na lang yung umiwas. Mabuti na rin sigurong hindi ko sinabi sayo yung nararamdaman ko kasi wala din namang mangyayari kasi bawal maging tayo, kaya hindi rin ako yung pipiliin mo.

Aaminin ko, nasasaktan ako, namimiss na kita pero wala na kong magagawa. If only I could turn back time, promise I won't say goodbye. I want to go back to the way we used to be. Pero simula't simula pa lang naman dapat i-comfort lang kita hanggang sa maging okay ka na at hindi naman kasama sa pag-comfort sayo, ang mahalin ka.

Siguro sa lahat ng nasaktan, ako yung nasaktan na nga, masaya pa rin. Masaya ako kasi after 2 years hindi na ko manhid.

Thank you sayo, sa pagpaparamdam sa'kin na may halaga ako, na may magmamahal pa pala sa akin, na marunong pa pala ako magmahal at higit sa lahat sa pagpapatawa sa akin.

Sana lang dumating yung araw na maging magkaibigan ulit tayo at kausapin mo ulit ako na parang wala tayong nakaraan.

Remember, sabi ko sayo, I'm just one click away. Mag-message ka lang sa'kin kapag kailangan mo ulit ako kasi I'm always 100% willing to comfort you again and listen to your stories.

I miss you, big time. We will meet again, just in God's time.

Promise, pag tama na yung oras sasabihin ko na yung gusto mong marinig, lahat ng gusto mo pwede na at kung sakaling mabasa mo 'to, imagine mo na lang yung boses ko na nagsasabing "Mahal kita."

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon