Entry #5

242 12 11
                                    

Dear Crush, 

Nakita kita sa gym kanina. Grabe, napako ako sa kinatatayuan ko. Yung puso ko nagwawala, kung makatibok akala mo nakikipagkarera sa kabayo. Iba ka talaga crush, ni hindi mo pa nga ako kinakausap ganito na. Naupo ako sa bleachers, gusto kasi kita panuoring magpractice para sa basketball game niyo mamaya. Kahit pawis na pawis ka na, ang gwapo mo pa rin. Lihim akong napapangiti tuwing napapatingin ka sa direksyon ko. Ako nga ba ang tinitignan mo? O assuming lang ako? Napapansin mo ba ako?

 Napatingin ako sa orasan ko, dalawang minuto na lang pala magbe-bell na kaya tumayo ako para bumalik na sa classroom. Gusto nga sana kita tawagin eh, kaso nag-aalangan ako. Baka kasi sabihin mo ang FC ko, magkakilala lang naman tayo sa pangalan. Kaso sadyang mapaglaro rin ang tadhana 'no? Sa dami-dami nang pwedeng tamaan ng bola mo, ako pa ang tinamaan. Napaupo tuloy ako, ang lakas nun crush ha. 

Lumapit ka sa akin kaya napatingin ako agad sa'yo, kitang-kita ko yung pag-aalala sa mata mo. Tinanong mo ako kung okay lang ba ako, pero bago pa man ako makasalita humingi ka na ng tawad. Gusto ko sanang magsalita at sabihing, "Okay lang ako crush." pero parang umurong ata ang dila ko. Inilahad mo naman ang kamay mo, at sinabi mong "Halika na, sabay na tayo bumalik sa classroom." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, halos mahulog na nga yata sa dibdib ko. 

Tumunog na ang bell kaya wala sa sariling napahawak ako sa kamay mo. Ang lambot at ang init, parang may kuryente ngang dumaloy na dumiretso agad sa puso ko. Mas nagwawala na siya ngayon crush! Sigurado pulang-pula na ako, kasi magkahawak tayo ng kamay. Idagdag mo pa na hindi mo ako binitawan hangga't makarating tayo sa classroom natin. 

Ngumiti ka muna bago mo ako binitawan, at nauna ka nang pumasok sa loob. Grabe ka talaga crush, kahit hindi kita makuha, makita ko lang yang ngiti mo masaya na ako. Kaya salamat crush, sa pagbibigay mo ng inspirasyon sa akin. 

"Buti na lang hindi mo ako na-hit and run.

Kasi tinamaan na talaga ako sa'yo at ayaw na kitang mawala."

Lovelots, 

Jean Aria


Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon