Entry #7

156 12 3
                                    

Dear crush,

Alam mo sobra akong nagpapasalamat sayo, bakit? Kasi dahil sayo... kaya ako naging masaya sa dalawang buwan nating pagsasama sa klasrum.

Alam mo yung feeling na... lihim kang susulyap kay crush tapos bigla din siyang tumitig sayo xD Salamat kasi nagsilbi kang inspirasyon sakin simula nung 1st day of class ko.

May times pa nga na kapag walang ginagawa tinititigan lang kita eh! tapos nalaman ko pa na crush mo daw ako syempre ako nagharlem shake ng todo pero ang masaklap nagpanggap ka lang.

Nagpanggap ka lang na nararamdaman mo din ang nararamdaman ko para sayo, alam mo yung masakit, yung feeling ko. Ako yung kontrabida sa love story niyo akala ko ako yung leading lady. Hindi pala.

Nasaktan ako at worst iniyakan kita at tumaba pa ang eyebags ko at magang maga ang mga mata ko. Ang kapal ng mukha mo noh? Masyado kang paasa !! Tapos manhid ka pang lalaki ka.

Kinukuwento mo pa sakin yung about sa crush mong grade 8, kunyari pa akong kinikilig pero deep inside gusto ko nang sugurin yung babaeng tinutukoy mo. Ang sakit kaya ng dahil dun namanhid na ako.

Pansamantalang nawala ang pagkagusto ko sayo dahil in-entertain ko yung manliligaw ko baka kasi sakali na makalimutan kita pero di ko inaasahan ang sulat na binigay mo sakin.

"Hi ! :) uhmm. Pede bang manligaw? Uhm. Sorry kung nasaktan kita.. Uhm. Nagmahal lang ako ng iba. Promise di na kita sasaktan."Hindi ko muna sinagot yung sulat na binigay mo, nalilito pa kasi ako parang ang dating sakin ay option lang ako saklap dude kaya di ko muna sinagot ang tanong mo.

Then days come, nagtruth or dare kami at sumali ka, ano pa bang magagawa ko nag-agree na sila. Gusto nga kitang iwasan eh!

Tapos sayo pa natapat ang bote, yun yung pinakamasakit na sagot na nanggaling sayo nang tinanong ka...

Classmate:oh game. _ _ _ truth or dare?

Ikaw: TRUTH

Classmate: Sino ang naging crush mo nung first week of class??

dug..dug..dug..dug..

kaw: uhm! Si Yennie..

ARRAAYYY!

Classmates: huh. ? Kala ko ba si (myname)

Ikaw: huh? Hindi ko naman naging crush yun ah..

Masakit. Sobrang sakit. Feeling ko gusto kong umiyak. Nawalan ako ng gana at nanghina kaya di na ako sumali sa truth or dare na yun, sobrang sakit kaya ngayon, wala na akong maramdaman pero di ko alam kung bakit nasasaktan pa din ako.


"Yung lalaking niloko ka na nga,may gana pang sabihing mahal ka pa.."

"Paano ka mabubuhay ng wala siya? Simple lang. Huminga ka. Wag kang tanga!"

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon