Entry #21

128 12 8
                                    

Dear Crush,

hello sayo. .

haha. . hindi ko alam kung pano ako mag start eh! pero gusto kong sabihin na magandang araw, kamusta ka? Diba ganyan naman lage ang simula pagmagbibigay ka ng letter,eh ang problema naman saken ngayon nabablangko utak ko madaya ka kasi masyado mo ng nasakop. Kinuha mo na nga yung puso ko pati ba naman itong utak ko hart hahaha tama na nga napapasobra na ang banat ko sayo baka langgamin kana jan

Well heto na nga dinaan ko na lang ulit sa sulat lahat nang sasabihin ko sayo, na kahit minsan umaabuso kana kasi sinulatan din kita ng birthday mo hahaha.

Diba minsan, naitanong mo sa akin kung bakit ikaw pa yung naging crush ko? Hindi ko nga rin alam sa sarili ko ehh bigla na lang bumibilis yung takbo pag nakikita ka, kinakabahan pag kausap ka.

Naiinis nga rin ako minsan kasi naiisip ko na malabo kitang makuha para ka kasing "math problem ,hindi kita makuha kaya hanggang ngayon nakatitig na lang."

Kasalanan mo din kasi ehh, bat ka kasi nagpaparamdam ng mga bagay na sya namang mas lalong ikinahuhulog ko, bat ba ang sweet mo, para kang icecream eh ang cold mo pero ang sweet.

Totoo naman,minsan nga nung lumabas ang magkakaibigan tas nung may nakalimutan ako at kailangan bumalik gusto mo sumama dahil na din sa kabaliwan mo may nagselos tuloy, akala mo siguro hindi ko alam yun noh tapos bigla ka na nga lang nagsungit ng araw ding yun.

Alam mo bang sayo ako umiyak ng walang dahilan, ngumingiti na parang baliw. Siguro nga hindi lang to basta basta crush, love na nga to siguro.

Sabi nga nila ang crush minsan lumalalim kadalasan nawawala at dahil nga madaya ang tadhana kahit pilitin kong mawala mas lalo pa tong lumalim.

Alam mo bang dumating din ako sa point na gusto kong lumayo. . kasi nga takot akong masaktan kasi alam ko yung crush ko hanggang titig na lang.

Kinontrol ko yung nararamdaman ko hanggang sa sinabi mo din saken na nahuhulog kana rin. Hindi nga ako makapaniwala nun ehh. . sabi mo pa natatakot kang baka umiwas ako sayo, ayaw mong maging akward ang sitwasyon naten at ito yung pinaka natandaan ko, mas magandang sundin muna naten ang will ni Lord bago tayo magpadala sa emotion naten.

Tama ka nga sa sinabi mo may mga plano pa talaga si God saten kaya hanggang ngayon nananatili pa rin akong nakakapit sa kanya at sabi mo pa masyado pa tayong bata para sa ganyan. . enjoy-in muna naten yung pagiging youth naten diba.

Im so blessed kasi nagkaro0n ako ng crush. . at yung crush kong yun na bestfriend ko pa hihihi..

Oh dude, shinyuu alam mo na siguro kung bakit kita naging crush, bukod sa gandang lalaking meron ka, may Lord ka pang kilala.

Oh diba nasa yo ng lahat. . hehe. . thank you,thank you kasi may bestfriend ako na crush ko pa. . hehe blessed ko diba. .

Oh sya hanggang dito na lang ang novela ko sayo ngayon nasabi ko na kung bat ikaw pa. . oh ako naman magtatanong sayo bat ako pa?. .

haha God will bless you when ever you go and do.

Ang nagmamahal,

-mj(chingu)

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon