Entry #11

171 20 25
                                    

Dear Crush,

(Ang love ko sayo crush parang pabebe, WALANG MAKAKAPIGIL SA AKIN!!)

Hi! Mustasa?

Nagsimula ang lahat nung naging classmate tayo doon ko na yata naranasan ang ma-inlove, di ko alam kung anong pangalan mo kaya nung mag first day of school ay inabangan kong tawagin ang pangalan mo nung mag-a-atendance na at di na man ako nabigo.

Nalaman ko na ang pangalan mo ay Lora Mikaela Palma :).

Pagkatapos ng klase ay diretso na ako ng bahay at nagfacebook. Sinearch ko ang pangalan mo at nakita ko agad.

Simula noon naging stalker mo na ako, lahat na yata ng social media ay gumawa ako ng account Wattpad,Twitter, Intagram etc... hanggang sa activity sa school kung saan ka sumali, sumasali din ako (basta't kaya ni crush, kaya ko rin.)

Hanggang sa naging friend na kita sa wakas!

Lalo akong naging masaya, mabait ka, oo maganda sobra, tama matalino ka. Simula noon humihiram na ako ng mga bagay sayo tapos hindi ko na ibinabalik (Memories, Remembrance never forget remember♥.)

Meron tayong tawagan, labanos sa akin at mustasa naman ang tawag ko sayo hanggang sa nag-graduation na, maghihiwalay na tayo ng school.

Inabot ko sayo ang isang papel ng pag-amin (Torpe ako pagdating sa ♥) pero end of the day ay na-friendzone mo lang ako (Hilig ko kasing umasa agad kaya ayan na friendzoned tuloy ako.) at (Hilig ko talagang ma-fall agad hindi ko nga alam kung may sasalo.)

Until now ganun parin ang turingan natin sa isa't-isa walang pagbabago hanggang friends nalang talaga bawal ng lumevel-up.

Dalawang taon ganong katagal na kitang mahal pero ang way lang talaga para sa atin ay komunikasyon (Di bale ng puyat, kachat naman si crush) Sa huli gusto ko sabihin sayo, eto simple lang.

I LOVE YOU :*

(Kasi naman nung umulan ng katangahan, nasalo ko lahat)

(Once upon a time, i fell in love with the person who can't love me back)

(Kung may mahal ka na masaya na ako para sayo, lalo na siguro kung ako yun)

Ang laging nag papasaya sayo,
Labanos

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon