Entry #8

162 10 4
                                    

Dear Crush,

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Haha. Ang baduy ko dahil may nalalaman pa akong ganito. You always knew me as the shy typed kind of girl who'd secretly look at you from the corner of our room kasi malayo ka but then thank God dahil classmate pa rin kita, oh di'ba? ang saya lang ng buhay ko.

Kailan nga ba ito nagstart? Hmmm? Oh, noon palang nagkaroon tayo ng school camping dahil magsa-star gazing dapat tayo. Hinding hindi ko makakalimutan ang time na halos mapaiyak ako dahil hindi ko na makita ang mga stars dahil nagkataon namang maulap na noon. I remembered when you grabbed my hand at hinatak mo ako palayo sa karamihan ng mga classmates natin. 

I can still remember how you whispered words of assurance na mawawala din ang mga ulap at makakahanap din ako ng star tapos I jokingly said, "Gusto mong makakita ng maraming stars na umiikot sa paligid ng ulo mo? You see this? huh?"

I closed my fist in front of you as if sasapakin na kita but then you just laugh out loud as you gave this compliment between your laughs..."Kahit brutal ka, maganda ka pa rin." You smiled and you opened your bag as you looked into my eyes. You left me breathless that time, kung alam mo lang.

Ang surpresa mo kasi sa akin 'yun mga glow in the dark stars na isang bag talaga at may iba't ibang hugis. Alam na alam mo ang favorite ko. My eyes glistened with joy that time. Oo nga't hindi ko nakita ang totoong stars but then nakita ko naman ang pinaka-favorite kong version ng mga stars through your efforts.

Sa sobrang tuwa ko napayakap pa ako sa'yo. Abnormal ka sabi mo kasi akin na lang lahat iyon at ide-decorate ko sa kwarto ko. Tumalon talon naman ako sa sobrang saya..then you suddenly hugged me and pulled me closer and kissed my forehead. Hindi ko maintindihan, bigla namang kumabog ng husto ang puso ko. Imagine, highschool pa lang tayo noon. Lumalandi kang walang hiya ka.

After that time, I saw myself smiling everytime when we're together kasi nga, hello, best friend po kita...syempre kasama kita palagi. Your killer smile and your friendly gestures made me fall for you every single day. Haay, idagdag mo pa ang talino mo at sweetness sa araw araw dahil may fudgee bar kang rasyon este treat palagi sa akin. 'Yung macapuno flavor...alam mo kasi ang favorite ko.

Everyday then seemed to be endless pero ang pagkakamali ko lang kasi nagugustuhan na kita pero wala akong lakas ng loob na sabihin iyon sa'yo, at saka hindi ko trip, no way noh! Manhid ka rin kasi. Hay, sabagay, ako naman ay parang walang emosyon. I am very good at hiding secrets, you can't even see any signs of whatever emotions on my facial expressions, dahil na rin siguro doon hindi halata na unti-unti na pala kitang minahal ng lubos, hindi bilang isang crush lang. 

Natapos nating dalawa ng sabay ang highschool at ganoon pa rin ang nararamdaman ko until such time na napawalay ka sa akin. Pupunta ka na sa Davao at doon ka magpapatuloy ng pag-aaral mo. We parted ways and yet you brought my heart with you. Naging loyal naman si heart sa iyo kahit paano, ewan ko nga ba. Ganito ang epekto mo sa akin.

Embarassing yet that is what I feel for you. You left a very special mark o=in my heart pero ikaw naman itong nagmamadaling makahanap ng iba, in fairness hipon pa! (joke...bitter eh...hehe). I guess my secret will die with me. My feelings for you. 'Uy thank you nga pala sa fudgee bar na kakadeliver mo lang ngayon dito sa bahay.

Eto patama ko naman sa'yo: Tandaan mo, kahit gaano pa kayo ka-sweet ni bebe loves mo, maghihiwalay din kayo! Grrrh!

P.S: Bleeh hindi mo rin ito mababasa kasi hindi mo alam ang wattpad. Hahaha...

Still loving you,

Jana Mariah

Dear Crush Activity (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon