"Kuya, alam mo ba kung anong kahihinatnan ng gagawin mo?"
"Oo, alam ko! Alam ko! Matagal ko 'tong pinag-isipan!"
Ba't ba hindi nila 'ko mapagbigyan? Wala na ba 'kong karapatang sumaya?
Lumakad ako at umupo sa waiting area ng ospital.
"Pero kuya----"
Tumayo ako at hinablot sya sa magkabilang balikat.
"BAKIT BA DI NYO 'KO HAYAANG MAGING MASAYA?! ITO LANG! ITO LANG ANG HINIHINGI KO!" Napangiwi sya, marahil sa sakit ng pagkakahawak ko. "Intindihin nyo naman ako." Saka ko sya binitawan.
Ano ba kasi'ng mali sa 'kin?
Pagpapakatanga ba talaga 'to?
Pagpapakatanga ba na tanggapin ko sya sa kabila ng mga pinanggalingan nya?
Mahal na mahal ko sya. Pinangarap ko sya noon, at ngayon na abot ko na sya, saka pa ba 'ko tatanggi? Di ba yun yung totoong pagpapakatanga?
Pero bakit ako lang ang nakakakita nun?
Ganyan ba kakitid ng mga utak nila?
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at lumabas ang isa sa mga doktor na nagpaanak sa misis ko.
"Dok..." Sabi ng kapatid ko.
Lumapit naman sya sa 'kin.
"Ikaw ba ang mister?" Tanong nya.
Oo, ako ang mister pero hindi ako ang ama. Yan ang gusto kong isagot. Pero di ko ginawa.
"Opo, dok." Sagot ko na lang.
"Congratulations, babae po ang anak nyo."
Gusto kong suntukin sa mukha ang doktor na 'to sa pagsasabing anak ko yun.
Tumango lang ako saka umalis ang doktor.
Kung may ibang taong makakakita sa 'kin ngayon, marahil magtataka sya. Sa lahat yata ng sasabihan ng ganun, ako lang ang galit.
Pinasya ko munang magpahangin sandali. Nagbabakasakali’ng lumamig ng konti ang ulo ko.
“She can’t die! Ikamamatay ng asawa ko pag namatay ang baby girl namin! Naiintindihan mo ba ‘ko? OUR BABY CAN’T DIE!” Sigaw ng lalaking nadaanan ko. Nakita kong kinukwelyuhan nya ang doctor na nakasandal sa pader.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas.
Kasabay ng pagsalubong ng hangin sa balat ko ay ang pagbuo ng ideya sa utak ko.
Mabilis ang aking paglakad pabalik dun sa pwesto ng lalaki kanina. Naabutan ko syang nakatungo, halatang umiiyak.
Buo na ang desisyon ko.
“Kelangan mo ng anak?” Tanong ko.
Tumingala sya para tingnan ako. “Sino ka?”
“Sabihin na lang nating gusto kong makatulong sa inyong mag-asawa.”
“What do you mean?” Nagtatakang tanong nya.
“Namatayan ka ng baby girl, tama ba?” Lumatay ang lungkot, sakit, at galit sa mukha nya. “Pwede mong palitan ang namatay mong anak.”
Hindi sya sumagot.
“Ibigay mo sa ‘kin ang address nyo. Ihahatid ko sa inyo.”
Binigay nya naman.
“Bukas. Alas-otso ng umaga. Sa tapat ng bahay nyo.”
Saka sya tumango.
*
Hindi ito ang oras para magsisi ako. Kahit na umiiyak sya ngayon sa pagkawala ng anak nya.
YOU ARE READING
Transforming Rain
Teen FictionWhen formality meets first-class abnormality. Attraction? Sana. O baka naman destruction? Aba’y malay ko! That’s for you to find out. Isa na namang kwento ng katangahan, in short, isang kwento ng pag-ibig. Watch how love transformed this first-class...