ANO?!
Maglalakad ako?! Tngna nya, tol. Dalawang kilometro yun, ulol sya.
Ang iksi pa nitong suot ko, ang hapdi sa balat. Ang init! Kaya nga ayaw na ayaw kong nagsusuot ng ganto. Kulang-kulang ng tela. Kung di ka lalamigin, sobrang masusunog ka naman pag mainit. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong-gusto nila ‘to mga ganto. Pangpokpok ‘to eh.
Bumalik ako sa bahay ng nakatungo dahil sa sobrang init.
“Sisterettes! Wala kaming money eh.” Sagot nila ng manghingi ako ng pamasahe.
Nakatungo pa rin akong lumabas.
Peste. Mukang maglalakad talaga ako ne ‘to. Unti-unti akong nagmartsa.
Hindi rin nakatulong ang ball cap na suot ko. Pinagpawisan pa tuloy ang ulo ko. Pag tinanggal ko naman, tuyo ang utak ko.
Ilang metro na ang nalalakad ko ng may humintong sasakyan sa malapit sa ‘kin. Busina ito ng busina.
Bangag ba ‘tong driver ne ‘to??
Tiningnan ko lang ang sasakyan mula sa gilid ng mata ko. Nakakasilaw kasi’ng mag-angat ng ulo.
Sakto namang bumukas ang bintana nito at nakakita ako ng demonyo. Rowel ang pangalan. =_=
Busina pa rin sya ng busina. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Maghanap muna ako ng lilim bago ako ko sya nilingon. Ano ako? Tanga para magpose sa ilalim ng araw?
“Sakay!” Sigaw nya ng hindi man lang lumilingon.
Hooooo! Salamat naman at nahabag. Patakbo akong lumapit sa kotse nya.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga ng makapasok ako sa loob.
Pinatakbo nya ang sasakyan. Akmang bubuksan ko ang window shield ng pigilan nya ‘ko.
“Hindi ka ba naiinitan?!” Singhal ko.
“Kakaligo ko lang.” Nakapagbihis na rin pala sya.
“Pwes, ako, hindi pa naliligo---”
“Oh, so that explains the smell.” Putol nya na nalukot pa ang mukha. Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako nangangamoy.
Sinuntok ko sya sa braso pero mahina lang. Baka mabangga kami. “Ouch!” Reklamo nya.
“Arte.” Binuksan ko yung aircon ng kotse nya. “Haaaaaaaaaaay!” Sa wakas, lumamig na rin.
“Makabukas ng aircon kala mo sa ‘yo ‘tong kotse.”
“Ang arte mo talaga, eh noh? Saka ang damot pa. Kahit ang yaman nyo na.”
“As if I’m the one earning the money for my car maintenance. Wala naman akong karapatang aksayahin ang perang pinaghirapan ng mga magulang ko.” Pinatay nya yung aircon.
Na-guilty naman ako dun. Oo nga naman.
Ma-check nga kung si demonyitong Rowel pa ba ‘tong kasama ko. Baka ibang tao kasi, eh.
“Ba’t di ka kasi naligo? Siksikan pa naman dun sa grocery store tapos nangangamoy ka. Yuck.”
WTF?! Ako? Hindi ako nangangamoy noh!
“Hoy! Hindi ako nangangamoy! At kung mangamoy man ako, kasalanan mo yun dahil kung di mo ‘ko iniwan, edi sana hindi ako nabilad sa araw at pinagpawisan ng ga-balde!”
“Tss. Whatever, freak. I’m sorry. Happy?” Dire-diretso nyang sabi. Hindi man lang ako nilingon. Bastusing bata talaga ‘to. Asan yung sincerity dun?
![](https://img.wattpad.com/cover/5136138-288-k461892.jpg)
YOU ARE READING
Transforming Rain
Teen FictionWhen formality meets first-class abnormality. Attraction? Sana. O baka naman destruction? Aba’y malay ko! That’s for you to find out. Isa na namang kwento ng katangahan, in short, isang kwento ng pag-ibig. Watch how love transformed this first-class...