[TR] 4.

32 1 0
                                    

IV.

“Giseeeeeeeeeng!”

Agad akong napabangon.

Oh di ba sabi ko sa inyo human alarm clock?

“Kelangan talaga sumigaw?” Nag-uumapaw na naman ang energy nila. Jusko po. “Ano’ng oras na?” Tanong ko.

“5 PM na po. We’re done chatting with mama na.” – Glyde.

“ANO?!” Napahiga naman bigla si Gelson dahil sa pagsigaw ko.

“Kidding!” Sabay nilang sabi.

“Quarter to twelve pa lang. Kakain na us.”

Sinimangutan ko sila saka kinusot ang mga mata ko para tuluyan akong magising.

“Una na kami there sa baba, huh.” – Glyde.

“Don’t sleep ulit.” – Gelson.

“Oo na.”

Matapos ang 3-minute extension ng pagtulog ko ay bumaba na rin ako.

“Kumain na ba kayo?” Tanong ko sa dalawang nagpi-picture-ran sa webcam.

“Yup!” Sagot nila.

“You eat na rin, sis.” – Gelson.

Dumeretcho ako sa kusina at kumain. Pagkatapos kong kumain at magligpit, bumalik na ‘ko sa sala at naabutan kong nag-gi-gwiyomi ang dalawa.

“Psst..” Tawag ko sa kanila.

“Ssshh…” Sawat naman ni Gelson at pinagpatuloy ang pagpapa-cute sa camera.

“Ala-una na, uy. Skype na tayo.” Singit ko sa kanila.

“Sige na nga. You’re so KJ.” Naka-pout pa talaga si Gelson, eh.

Matapos ma-i-upload yung version nila ng gwiyomi, nakapag-skype na rin kami sa wakas.

“Hi, mama bear!” – Kambal.

“Ma…” Bati ko.

“Hi Glyde, Gelson, Alia Rain! Gaganda nyo ah.”

“As always, mader, mana sa ‘yo.” At nagwink pa.

Nagkakasundo talaga kaming tatlo pagdating kay mama.

Matapos magkwentuhan, isa-isa na kaming humalik sa web cam at nagpaalam kay mama.

Yes! Excited na ‘ko.

Dalawang buwan na lang, uuwi na si mama.

Pumanhik ako sa kwarto ng may malaking ngiti sa labi. Excited na ‘ko. Uuwi na rin sa wakas si mama ngayong pasukan. Matapos ang tatlong taong Skype lang at international call, uuwi na rin sya.

Humiga ulit ako in attempt na natulog ulit.

Bakit ba? Eh, tinatamad ako, eh.

Pero wala, hindi ako makatulog. Nahiga na lang muna ako sa kama ko hanggang sa makauwi si Tito Delfin at nag-ingay na naman ang dalawang saging.

Bumaba ako para magmano. Humingi na rin ako ng pera pambayad dun sa mga nautang namin kila Aling Bebang. Binigyan naman nya ‘ko agad.

Actually, mabait yang si Tito Delfin. Para ko na rin syang totoong ama. Stepfather ko lang kasi sya, eh. Kung tutuusin nga, sampid lang talaga ako dun sa bahay. Pero hindi nya kailanman pinaramdam sa ‘kin yun. Patas lang ang turing nya sa ‘min. at ipinapasalamat ko yun. Pinapasalamat ko rin sa Kanya sa itaas na kahit iniwan ako ng totoo kong tatay, binigyan nya naman ako ng kapalit. May kasama pang dalawang kapatid. Ang swerte ko sa kanila. At mahal na mahal ko sila, higit pa sa buhay ko.

Transforming RainWhere stories live. Discover now