[TR] 10.

28 0 0
                                    

Rides. Mga bata. Tindahan ng kendi at kung anu-ano pa.

Alam nyo na kung san ako dinala nitong demonyito sa tabi ko ngayon? Na kung makangiti, kala mo naman niligtas nya ang Earth.

Binalik ko ang tingin ko sa amusement park. Pakiramdam ko namutla ako ng makita ko yung nagtataasang mga rides. Hindi pa man ay nasusuka na ‘ko. Nakakahilo sila tingnan.

“Oh, what happened to you?” Untag ni Dems.

“Uwi na ‘ko.” Walang ganang sabi ko. Tinakasan na ‘ko ng dugo sa mukha. Tumalikod ako’t nagsimula nang maglakad pabalik sa motor.

“Ha? Bakit?” Sumunod sya.

“Basta. Uuwi na ‘ko!” Singhal ko. Nakakayamot. Di ba sya nakakaintindi? Bwisit. Ayoko sa lugar na ‘to! May naaalala ako.

“I brought you para bumawi tapos uuwi ka? Have some consideration!” Singhal nya rin.

Nakipagtitigan ako sa kanya. Tinitimbang ang mga bagay.

Hindi ba nya napapansing namumutla ako? Ganun sya katanga?

Umiling-iling ako pagkaraan.

Ayoko talaga. Ayoko!

Mabilis akong tumalikod at tumakbo.

Kahit saan. Basta ayoko sa amusement park!

Hinahabol naman nya ‘ko.

“HOY! San ka pupunta?!” Sigaw nyang habol pa rin ako.

Inangat ko ng konti yung shorts ko para mas mabilis akong makatakbo.

Lumingon ako sa likod habang tumatakbo pa rin.

Wala na sya? Lingon ulit sa ibang direksyon. Wala.

*BOOOOOGSH!*

Nalukot ang mukha ko ng may nabangga ako.

“Tingin-tingin rin pag may time, freak.” Sabi nung demonyitong nabangga ko bago ko paman malingon yung mala-demonyo nyang mukha.

*PAK!*

Automatic yung kamay kong sumapok sa kanya nang kargahin na naman nya ‘ko.

“ANO BA?! IBABA MO ‘KO! AYOKO DITO! AYOKO!” Pagpupumiglas ko.

“Ano ba… Ibaba mo ‘ko… Ayoko dito…” Panggagaya nya sa sinabi ko.

Lalo ko naman syang pinagsusuntok sa likod.

Ang lalaki ng hakbang nya kaya nakarating kami agad sa ferris Anchors Away.

Nakakuha na pala sya ng ticket. Dumeretso kami sa loob.

AAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRGGGH!

Pesteng lalaki ‘to. AYOKO DITO!

Nagpumiglas ako.

“AYOKO DITO! ANO BA?!”

Kaurat. Nasasalo nya bawat suntok ko.

“Stop that! I’m trying to buckle you in. Kung ayaw mong malaglag mamaya, quit giggling around!”

Napilitan akong kumalma.

Naramdaman kong nagsimula ng umandar ang ride.

Agad akong pinangilabutan. Pakiramdam ko nanginig ang kalamnan ko.

Inikot ko ang mga mata ko para maghanap ng makakapitan. Wala akong tiwala sa buckle-buckle nilang to. Bwisit.

Unti-unting naging malakas ang pagsway ng ride.

Transforming RainWhere stories live. Discover now