[TR] 2.

48 2 0
  • Dedicated to Rowel Basilio
                                    

Dedicated sa aking ultimate crush! Kahit na apat na taon ko ng nakikita yang pagmumukha mo, hindi pa rin ako nagsasawa. Kahit na kasing itim ni Nevermore yang budhi mo, sige, gwapo ka pa rin! :P

---------------------------------------------------------------------

“Tulong, Habagat! ‘lika sa mid!” Tawag ko sa pasaway na Habagat. Kasalukuyan kaming nagdo-dota nina Ambon, Unos at ang baliw na si Habagat sa isang computer shop dito sa ‘min.

“Hoy, Habagat! Tulungan mo si Ulan!” Sigaw naman ni Ambon.

“Teka lang kasi.” – Habagat

“Tae, Habagat! Wag ka nga jan sa mga neutral. ‘lang kwenta naman oh.”

“Ano, boss? Surrender na?” Tatawa-tawang tanong ni Unos.

“Surrender your face.” Bulong ko. Sinipa ko ng malakas yung paa ni Habagat na nasa ilalim ng stand. Kaharap ko sya kaya naman hindi ko masuntok. “Tulungan mo ‘ko!” Sigaw ko sa kanya.

“Aray! Oo na. Oo na.” Nakita ko naman sa map na papunta na yung hero nya sa mid. “Hala! Pa’no ba ‘to, Ambon?”

Naramdaman ko namang sinipa rin sya ni Ambon. “Amp*ta naman, Habagat. Ba’t ka nag-Invoker, eh, hindi ka naman pala marunong?!”

“Wag ngang manipa, pwede? Sabi kasi ni utol malakas daw ‘tong Invoker, eh.”

**

Ah leche. Napatay na naman nung hero ni Unos yung kay Ambon.

“Peste, Unos. Hinay-hinay lang!” – Ambon

“Tss. Weak.” – Unos

Ako na ngayon ang tinitira ni Unos. “HABAGAAAATT!!” Sigaw ko habang sinisipa yung paa nya. Peste! Kelangan ko ‘tong ipanalo. Nakasalalay dito yung buhay ko.

“Di ko nga kasi alam kung pa’no!!” Habagat.

“Pindutin mo lahat ng letra sa keyboard, nyeta!” Ako.

Nakita ko naman na tumira siya. Pero syet! Di man lang nabawasan yung life ng Viper ni Unos.

Lumapit ako sa hero ni Unos at tumira.

Emit lang ng emit. Pinindot ko yung E para itira yung Berserker’s Call at nagimbal ako ng ibang letra pala yung napindot ko! Ibang skill ang nagamit at nakaka-bwisit yun dahil nabawasan ang aking pinaka-tipid-tipid na mana. Yung ulti ko na lang ang inaasahan ko. Tinitira na rin ako ni Unos. Naghahanap lang talaga ako ng tamang tyempo para tumira.

Eto na…

Konti pa…

NOW!

Pinindot ko yung letter C para sa Culling Blade. Pero peste! Peste talaga! Kulang pala yung mana ko. Leche!

At nung point na yun ako natalo.

Tang-inis lang talaga!

Tatlo na nga kami at isa lang si Unos, di pa rin kami nanalo.

At dahil talo kami, at ako ang leader ng team, sa ‘kin lahat ng punishment.

Wag kang magtaka, unfair talaga kami sa isa’t-isa.

Andito na kami sa labas ng shop at nakaupo sa mga nakapondong gulong ng junk shop katabi ng computer shop.

“Anong pipiliin mo? Dota o ako? Anong mas gusto mooo~~”

*POK!* (A/N: Caps lock / Bold letters para intense xD)

Ayan! Nabatukan tuloy si Habagat. Ayos rin kasi, eh, kitang badtrip kaming dalawa  ni Ambon, akalain mo nga namang magkakanta pa ng full volume. Basag tenga namin, basag rin bungo nya sa mga sapok namin.

Transforming RainWhere stories live. Discover now