*krooo krooo*
Andito kami ngayon sa tambayan. Yung pinagdalhan namin kay demonyito… ayokong banggitin ang pangalan nya. Umiinit ang ulo ko.
Nagtotong-its sina Ambon at Unos. Kanina pa silang dalawa jan. Ilang beses na silang naglalaro dahil hindi matanggap-tanggap ni Ambon na talo sya kay Unos. Ayon sa kanya, hindi raw yun maari sa kadahilanang mas matalino raw sya kay Unos. Nakapagtataka nga dahil sa DotA lang naman magaling ‘tong si Unos at kadalasan si Ambon ang palaging nanalo pag nagbabaraha sila.
Gumagawa si Bagyo ng assignment at mukhang hirap na hirap sya kasi nakakunot ng wagas ang noo nya. Hanep. Ngayon ko lang ata nakita ‘tong bespren ko na seryoso sa assignment. Nakapagtataka rin.
At eto pa. Si Habagat, nananahimik lang sa isang tabi at mukhang nagsesenti. May nakasalpak na earphones sa magkabilang tenga nya pero naka-loudspeak pa rin yung cellphone nya. Hindi yata nakakabit yung earphones eh. Pamporma lang kumbaga yung earphones. Iling sya ng iling at panay ang “tsk”. Saka mukhang maiiyak na ‘to anumang oras. Nakakapanibago.
Ako naman, inaaliw ang sarili sa panunuod sa mga kabarkada ko. Nah… hindi naman kaaliw-aliw ‘tong ginagawa ko. Basta. Nililipat ko lang ang atensyon ko sa kanila kasi bumabalik yung mga sinabi ni demonyito sa ‘kin kahapon pag tumunganga lang ako.
Tiningnan ko sila isa-isa. Si Bagyo, basagulero. Pero sya ang nagturo sa ‘king lumaban. Habambuhay kong tatanawing utang na loob ang pagligtas nya sa ‘kin mula sa mga bully apat na taon na ang nakakaraan. Pilit akong nilalagay sa loob ng sako nun ng mga classmates ko. Pinagsasapak nya sila kahit hindi naman kami close. At dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kaibigan. Hindi lang isa pero apat. Ewan ko rin pero bigla na lang nagsulputan sina Unos, Ambon at Habagat sa buhay ko.
Kaya gagawin ko talaga lahat para sa kanila. Pamilya ko na rin sila. Hindi man kami nakakatagal ng isang araw na walang sapakang nagaganap, alam namin kung gano kami ka-importante sa isa’t-isa.
Wala akong nakikitang dahilan para kumalma nung sabihin sa ‘kin ng demonyitong yun ang sinabi nya tungkol sa SAYNI kahapon. Nun mga oras na yun, ang bigat ng naramdaman ko. Gustung-gusto ko syang pagsusuntukin dun mismo. Hindi ko nagawa. Nanghina ako. Lumitaw na naman ang kahinaan ko. Ang emosyon ko. Yung tipong hindi na ‘ko nakagalaw. Sa dinami-rami ng naramdaman ko, hindi ko alam kung ano na yung naramdaman ko. Sa mga oras na yun, gusto kong manapak sa galit, umiyak, tumakbo, magsisisigaw at depensahan ang mga kaibigan ko. Pero ni isa, wala akong nagawa.
Napatingin ako sa kamay ko. Nanginginig na pala ako. Marahil para pigilan ang mga luha ko sa pagtulo.
“YEEESSSS!” Nagulat ako ng biglang sumigaw si Ambon. “O, tama na. Ayoko na. Nanalo na rin ako sa wakas. Sabi sa ‘yo, mas matalino pa rin ako sa ‘yo eh.”
“Tsk.” Naka-straight face pa rin si Unos. Lagi naman. “Matalino ba yun? ‘Sang beses lang nanalo.” Humiga si Unos sa semento at pumikit.
“YAK! Pinagbibigyan lang kit---”
“Ano ba?! Ang ingay nyo ah. / Tumahimik nga kayo!” Sabay na sita nina Bagyo at Habagat kay Ambon. Natameme kaming lahat dun. Pati si Unos, napabukas ng mata at tiningnan kung si Habagat ba talaga yun.
(>_>) (>_>) (>_>) (=_=”) (<_<)
Natural lang kay Bagyo ang ganun. Pero kay Habagat? Napa-iling ako. Sabay tsk-tsk-tsk.
*POK*
Binato ni Bagyo si Habagat.
“Ano ba?!” Angil na naman ni Habagat.
Sa mga normal na araw, magngangangawa lang yang si Habagat pag binato mo sa ulo. May kakaiba ngayong araw na ‘to.
“May problema ka?” Tanong ni Bagyo. Oo, sya ang kuya namin apat. Sya yung palaging nakakaamoy ng problema. Siguro dahil na rin sa palagi syang sinusundan ng problema kaya nalalaman nya kung may kanya-kanya kaming mga problema.
“Sobrang hindi ikaw yan, Habagat.” Kumento ni Ambon.
“Nag-iinarte lang yan.” Ang insensitive ng sinabi ni Unos ah.
Nanahimik lang ako. Wala akong maisip na sabihin eh.
“Ano man yan, pwede kang magsabi sa ‘min.” – Bagyo.
Napatingin naman isa-isa sa ‘min si Habagat. Bago yumuko at umiling-iling. “Ayaw kasi akong kausapin ni Glyde eh.”
“ANO?!” K! Grabe yung reaction ko. Pero… may kinalaman ang kapatid ko eh. Kaya ganun. “Bakit daw?” Tanong ko.
“Ewan ko.” Sabi nyang nakayuko. Ang ikli ng sagot na yun para sa isang Habagat.
“Nalintikan na. Natamaan nareng batang ire.” – Ambon.
Bumalik naman sa pagtulog si Unos. Walang kwenta eh.
“Ulan… Tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa ni Habagat sa ‘kin. Konti na lang talaga oh. Papatak na. Papatak na talaga luha nya. Iyakin.
“Titingnan ko.” Sagot ko.
“Wag kang makialam sa kanila, Ulan.” Sabi ni Bagyo. “Problema nilang dalawa yan.” Bumaling naman sya kay Habagat. “Kaya nyo na yan. Gusto mo sya, di ba? Ayusin mo yan. Hindi sya magagalit sa ‘yo ng walang dahilan. Ang kelangan mo lang gawin, alamin kung ano yun. Saka ka gumawa ng paraan para magkaayos kayo. Maliwanag? Magiging maayos kayo.”
“Pwede ring hindi na. Baka may gusto na yung iba.” Sabi ni Unos na mukhang bored na bored. Binatukan naman sya ni Ambon.
Ang ganda nung sinabi nya ha.
Napahikbi naman si Habagat sa sinabing yun ni Unos.
“Wag ka nga’ng umiyak. Ang bakla mo. Iyakin.” Pigil ko naman sa kanya. Parang ang galing ko ring magpigil ng luha noh?
Yumuko ulit si Habagat at hinilamos ang kamay sa mukha. “Pano kung tama si Unos?”
“Edi mag-inuman tayo. Drink til we drop. YEAH!” Sigaw ni Ambon. Mukhang sa kanya panandaliang napunta ang kabaliwan ni Habagat.
“Tumahimik nga kayo.” Awat ni Bagyo. Lumapit sya kay Habagat at ginulo ang buhok nito. “Ayan. L-um-ablayp ka pa. Tapos iiyak-iyak.” Bumaling naman sya sa ‘ming tatlo. “Kaya kayo, naku! Wag na kayong mag-abalang umibig, masasaktan lang kayo.”
“Bitter…” – Unos.
“Group hug nga!” Suggest ni Ambon. Tumayo rin si Unos at kakamot-kamot na lumapit sa ‘min. Nag-group hug naman kami. Ang babakla namin eh.
Naiintindihan nyo naman na siguro kung bakit mahal na mahal ko ‘tong mga ugok na ‘to, di ba?
Kaya letche talaga yung demonyitong yun.
Tss… Naisip ko na naman yung kahapon.
“Bitaw na.” Sabi ni Habagat na sumisinghot-singhot pa.
“YAK! Umiiyak ka pala. Yak.” Diring-diri naman si Ambon. Sya kasi yung nakayakap talaga kay Habagat. Medyo nabasa ang damit nya dahil umiyak si Habagat. Or uhog ba yun? Ewan.
“Rain!” Sabay kaming napalingon sa tumawag sa ‘kin.
Shete. Anung ginagawa nyang demonyitong yan dito?!
__________________________________________
K! DUH?! Ang ikli. Tss.
Ktnx! I Lab SAYNI!
- AteElri :*
YOU ARE READING
Transforming Rain
Teen FictionWhen formality meets first-class abnormality. Attraction? Sana. O baka naman destruction? Aba’y malay ko! That’s for you to find out. Isa na namang kwento ng katangahan, in short, isang kwento ng pag-ibig. Watch how love transformed this first-class...