Dedicated kay ateng mariafebee... Tawang-tawa ako sa story nya. Kaya na-inspire rin akong gumawa ng sa 'kin. Trying hard nga lang yung sa 'kin na magpatawa. Haha XD
Hi Ateng!
*kawai-kawai*
“Ulan, salo!”
Napasinghap ako nung tumama sa buong mukha ko ang isang pack ng Nips.
“Langya ka, Unos! Kelangan talaga ipamukha na napilitan ka lang na ilibre ako?”
Umakbay naman sya sa ‘kin at kinuha ang ball cap na suot ko. Huli na para mapigilan ko syang matanggal yun sa ulo ko kaya…
“WHOA!” Sabay ang naging reaction ng mga siraulo nang makita ang pula kong buhok.
“Sino’ng may gawa nito? Si B1 o---”
“Si B1.” Putol ko sa tanong ni Unos. Si B1 nga ang may gawa nito. Si B1 na sinalo lahat ng kaartehan sa mundo. Si B1 na MAS maarte pa kesa kay B2. At si B1 na hindi isang naka-pajama’ng saging kundi isang dinosaur, BAKLANG dinosaur. Mahirap man tanggapin pero, OO, ako lang ang… ehem… lalaki sa aming tatlong magkakapatid.
“Kakaiba talaga yang mga kapatid mo, Ulan. Haha.” Sige! Tawa pa Habagat. (-_-!) “Manang-mana sa Ate. HAHAHA.”
Taeng Habagat ‘to. Ikumpara daw ba ‘ko sa maaarteng yun?
“G*go, Habagat. Suntukan na lang. Ano?” Tinaas-taas ko pa yung manggas ng T-Shirt ko. “Ha?!”
“Sige ba! Pag nanalo ‘ko, bigay mo sa ‘kin number ni B2.” At nakangisi pa ang ungas.
Binato ko naman sya ng tatlong Nips. Nasubo pa nga nya yung isang kulay Blue eh. Sayang.
Nagulat naman ako ng biglang may tumalon sa gilid ko at may naaaaapakabigat na kamay na umakbay sa ‘kin.
“Chill lang, Ulan. Tsaka…” Binaba nya yung manggas ng T-shirt ko. “Nakikita bra mo.”
*pak plangak plok!*
Binatukan ko nga. Langya rin ‘tong Ambon na ‘to, eh. Kala ko kakampihan ako. Pinahiya pa ‘ko. Ang lakas-lakas pa ng boses. Leche!
“Ay… Babae pala sya?”
“Kala ko pa naman lalaki. Ang pogi pa naman.”
Karindi rin ‘tong mga babaeng ‘to kung magbulungan ah. Kelangan pinaparinig talaga? Alam ba nila kung pano talaga yung bulong?
Pinagtitignan ko sila ng masama kaya naman nagmadaling umalis.
“Ulan naman eh. Umalis tuloy yung mga chikas. Kawawa naman sila. Baka anung hirap pa’ng pinagdaanan ng mga yun para makita ang kagwapuhan ko.” Umakto pang nalulungkot ‘tong si Habagat.
“Hoy! Kadiri ka!” Tsaka ko inihilamos sa mukha nya yung dalawang kamay ko.
Nga pala, kasalukuyan kaming naglalakad sa… saan na nga ba kami? Ah, malamang, sa daan kami naglalakad. Naglalakad kami habang naghihintay na makahabol sa ‘min si Bagyo. Ang bespren ko. At kanang kamay ko sa SAYNI Gang. Gang naming lima.
S for Sanchez, dahil Alia Rain Sanchez ang buo kong pangalan. Nag-iisang babae sa barkada at ang laging nasusunod. A for Alcantara, si Habagat yan. Jules Alcantara, ang pinakabaliw sa barkada. Y for Yu, si Unos. Timi Yu, half-koreano. Ang pinakatahimik at pinakamayaman. N for Nervano, si Bagyo. Ruther Nervano, ang bespren ko. Pinakasiraulo at hindi nauubusan ng pasa sa katawan. At I for Ibanez, si Ambon. Lexus Ibanez, ang pinakamadalang maging baliw at pinakamatino sa ‘min. Sya rin ang tanging maasahan kapag may mga quiz kami. SAYNI.
YOU ARE READING
Transforming Rain
Teen FictionWhen formality meets first-class abnormality. Attraction? Sana. O baka naman destruction? Aba’y malay ko! That’s for you to find out. Isa na namang kwento ng katangahan, in short, isang kwento ng pag-ibig. Watch how love transformed this first-class...