[TR] 3

42 1 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng dalawang human alarm clock. Sina B1 at B2 na nagtatalo sa baba.

 “NO! It’s more bagay sa ‘kin.”

“Zip! Correction, ako ang may Dove-white skin. Mas bagay itetch to me.”

Blah blah blah…

Pumunta ako sa banyo para makapag-ayos. Saka ako bumaba. Kumakalam na rin kasi’ng sikmura ko. Pasado alas nueve na. Malamang nasa trabaho na si Tito Delfin.

“Geed murneng!” Maarteng bati ng dalawang saging nang mapansing nakababa na ‘ko.

Di ko sila pinansin at dumeretcho sa kusina. Sanay sa sila sa ‘kin. Hindi ko talaga trip pansinin ang kaartehan nila pag umaga.

“Sister R…” Ayan, nakaimbento na naman sila ng bagong itatawag sa ‘kin. “Ang early-early, naka-ball cap ka na… Ewness.” – Glyde.

Tiningnan ko lang sya at ibinalik ang atensyon ko sa paghahalughog ng pagkain.

Alangan namang di ako magballcap, magmumukha akong Lips Lollipop na cherry flavor. Kagagawan nila 'to. Ba't kasi buhok ko pa napagdiskitahan nilang kulayan ng pula.

Nang wala na ‘kong matagpuang kahit ni isang butyl ng kanin, saka ko lang sila nilingon. “Hoy!” Tinuro ko sila isa-isa. “Kayong dalawa ba, eh, nag-almusal na?”

Walang nangahas na magsalita. Pero pagkaraan ng ilang minutong katahimikan, narinig kong tumunog ang tiyan ng isa sa kanila.

“Siya yun, ‘te!” Sabay nilang tanggi habang nagtuturuan at umiiling-iling. Tarantang-taranta ang mga mukha.

“ ‘Langya ‘to, oo. Alam nyo bang ako na naman ang malalagot ne’to sa tatay nyo?” – Ako.

“Eh… Kasi, ate… We’re on a diet.” – Gelson.

“Diet?!?! Sa payat nyong yan, may nalalaman pa kayong diet-diet?!” – Ako.

“Kasi… Sabi ni Jules, I’m getting mataba na raw.” Depensa ni Glyde na naka-pout.

Eto na nga bang sinasabi ko eh. Langyang Habagat ‘to oh. Tinalo pa kasi’ng kapatid ko. Leche.

Nga pala. Si Habagat, siya si Jules Alcantara.

“Nagpa-uto ka naman?” Naglakad ako papuntang pintuan. “Sinasabi ko sa inyo, Glyde at Gelson, bata pa kayo masyado. Pag kayo talaga, umiyak dahil sa lab-lab at kras-kras nay an, naku! Bubunutin ko talaga isa-isa yang mga pilikmata nyo. Tandaan nyo yan.”

Saka ako bumira ng talikod at lumabas ng bahay. Narinig ko pang nagsisi-sisihan yung dalawa bago ako makalabas.

Mangungutang na nga lang muna ako kina Aling Bebang. Pambihira naman. Di ko naman pwedeng hayaan na lang yung mga kapatid ko’t baka magka-ulcer. O baka lalong maging baliw.

Sinipa-sipa ko yung lata’ng nadaanan ko hanggang sa dumating ako kina Aling Bebang.

Isang latang corned beef na lang yung inutang ko.

Pabalik na sana ako sa bahay ng biglang dumating si Habagat sa tindahan.

“Uy, pinunowng Uwlahn. Namizz kiytah ah.” Sabay akbay sa ‘kin.

“Ba’t ganyan ka magsalita? May singaw ka ba? O nabubuang lang?”

“Eh, kaziy, napanuowd kow zi Vhong Navarrow sa zinemotow kahapown. Ang cool. Chill lang tayow, mah meeeeen.” Slow motion pa yung pagsasalita nya ah.

“Dun bang sa ‘Di na Incredibol’ yan, Jules?” Singit ni Aling Bebang.

“Tama, mah ledii!”

Transforming RainWhere stories live. Discover now