“Hiiiiiiiiiii~~!” Napaayos ako ng upo nang nakitang lumabas ng kotse ni demonyito si Rina.
Kumaway-kaway sya sa ‘kin mula sa gate. Andito ako sa porch tumatambay. Nakataas ang paa sa railings at nilalaro ang mga daliri. Kanina yun. Ngayon, maayos na ‘kong nakaupo at nakatingin sa dalawa dun sa gate.
Ano’ng ginagawa ni Rina dito?
“Yieeeeeeeee~~! Kuya Rowel’s here na naman.” Kinikilig na sabi ni Glyde. Andito pala sya sa tabi ko? Di ko napansin ah.
“And who’s that chick na kasama nya? Ang hyper ah!” Kuuu! Kung makapagsabi naman ng hyper ‘tong Gelson na ‘to, kala mo naman behave sya.
“Kapatid nya yan. Papasukin nyo nga.” Utos ko sa dalawa.
Nagsitakbuhan naman silang dalawa papuntang gate.
Hyper di ba? Di na ba mauubos ang mga taong hyper dito sa Wattpad? =_=
“Kuya Roweeeeeeeeel!” Kahit dito, rinig ko ang matinis na boses ni Gelson.
“Da who yang kasama mo, Kuya?” Tanong ni Glyde.
“She’s my---”
“I’m his lil sister! Hi sa inyo!” Oh, hyper di ba? Putol yung sasabihin sana ni demonyito.
“Whatschur name?” – Gelson.
“Lian Rina Basilio!”
“Hello! Name’s Glyde Avelino.” Sabay abot ng kamay. Shake hands silang dalwa.
“Gelson a.k.a Gellie Avelino, fourteen years old, Philippines! Mabuhay!” Natawa sila sa intro ni Gelson. Pati si demonyito. Nga pala, double showtime nya ngayon kasi andito mga kapatid namin.
“Hoy! Pasok kayo.” Tawag ko sa kanila.
Trip nilang tumambay dun? Ang init kaya. Hindi sa concerned ako pero oo, concerned nga talaga ako. Dun sa tatlo. Asa namang concerned ako dun kay demonyito.
Nakita ko namang naghahabulan ang tatlong hyper papasok. Oh, close agad?
“Yaaaaaaaaaah!” Sigaw pa nitong si Glyde.
“Napano ka?” Tanong ko ng umabot sya sa porch.
“Hang Hineeeeeet!” Hingal na hingal pa sya. Nakahawak sa tuhod at pawisan.
Ilang metro lang tinakbo, pinawisan agad.
“Slow doooooooown, sisteeeeeeeer!” Sigaw ni Rina. Kinakaladkad kasi sya ni bakla. Haha.
Pano kaya kung magka-inlaban ‘tong dalwang ‘to nuh? Haha. Sayang pa naman ‘tong si Gelson. Pogi kaya lang gustong gumanda.
“Hahahaha!” Tawa ng tawa ‘tong si bakla nang makarating sa pwesto ko. Si Rina naman, grabe yung nguso, nakakatusok sa sobrang tulis. Haha. Pout pa! Haha.
Nakita ko namang andito na rin sa porch si demonyito. Ba’t nga pala sila nandito?
Dun sya umupo sa railings na kinatutuntungan ng paa ko kanina. “Ba’t kayo andito?” Bulong ko.
Ang pangit naman kasi pakinggan ng tanong ko. Baka ano isipin ni Rina pag narinig nya yun.
“We’re gonna shop.” Tipid nyang sagot. Nakakunot ang noo at nasisilaw sa araw. Eh ba’t
naman kasi sya umupo dun? Alam naman nyang kaharap nun ng araw. Tanga.
“Kuya’s right Ate Rain!---”
“I always am.” Putol ni demonyito kay Rina. Bastusing bata.
Inismiran lang sya ni Rina. “We’re going shopping!”
YOU ARE READING
Transforming Rain
Novela JuvenilWhen formality meets first-class abnormality. Attraction? Sana. O baka naman destruction? Aba’y malay ko! That’s for you to find out. Isa na namang kwento ng katangahan, in short, isang kwento ng pag-ibig. Watch how love transformed this first-class...