[TR] 6.

34 2 1
                                    

VI.

RAIN’S POV

Pakinshet.

Sabado ngayon at hindi dumating yung binabayaran namin para maglaba. Ang siste, ako ngayon ang maglalaba.

Kasalukuyan kong hinihiwalay ang mga puti sa mga de-color ng may humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Magandang kotse. Hindi nagmana sa ugali ng may-ari. Hindi nagmana sa demonyitong Rowel na yun.

Ano na naman bang ginagawa ng pakshet na yan dito?

Namumuro na sya, peste sya ah.

Nagsitilian na naman ang dalawang saging pagkakitang andito yung boy friend ko. Pakshet men.

“Andun sya there sa back ng house. Naglalaba, kuya.” Kahit hindi ko nakikita, alam ko, nag-s-star yung mata ni bakla habang nagsasalita.

“Can I see her?”

“Yes. You have eyes, di ba? Dejoke. Haha. Sige-sige. Go-ching!”

“Thanks.”

Ang galing nyang magpanggap, pramis! Kala mo kung sinong mabait, demonyito.

Nagsisimula na ‘kong magkusot ng biglang naglanding na naman sa batok ko ang isang damit. Nilingon ko ng may nanlilisik na mata ang salarin. At pramis! Sigurado ako tumubo ng wagas ang sungay ko pagkakita kung sino’ng nagbato sa ‘kin ng damit. Alam nyo na kung sino.

“Don’t give me that look, freak.”

“Peste ka, alam mo yun?” Angil ko.

“Whoa. Calm down, freak.” Natatawa-tawa nyang sagot. “That’s one hella way of greeting your boy friend, isn’t it?”

“Alas dyes pa lang ng umaga, binubwisit mo na ‘kong siraulo ka. Gusto mo mamatay? Bwisit.” Dere-deretcho kong sabi saka binato pabalik yung damit nya. Na nasalo naman nya. Bwisit.

“No need, babe. Ngayon pa lang, patay na patay na ‘ko sa ‘yo. Yuck.”

“Ano ba?! Di mo ba ‘ko titigilan?!”

“Not until you wash my shirt, freak.” Binato nya ulit sa ‘kin. Sapul sa mukha ko.

“Ba’t ko naman yan lalabhan? Gagu. Lumayas ka nga. Titooooooo!” Tawag k okay Tito Delfin.

Buti nama’t di pa nakakaalis si Tito. “Bakit, Rain?? Napano ka?”

“Morning, tito.” Bati ni Rowel.

“Good morning din, Rowel.”

Nagkakilala na pala sila.

“Titooooo, paalisin nyo nga po yang demonyong yan. Pakiusap.” Ungot ko sa kanya.

“Rain, ba’t ganyan ka nobyo mo?”

“Yuck, tito.”

Nagpipigil naman ng tawa ang demonyito sa isang tabi.

Lumapit sa akin si Tito Delfin at bumulong sa kanya.

“Umayos ka, Rain. Nakakahiya kay Rowel.”

“ANO?!” Singhal ko. Nawawalan ako ng galang dahil sa presensya ng demonyong Rowel na ‘to, eh.

“Last warning, umayos ka.” Banta nya. Saka sya pumunta kay Rowel. “Rowel, hijo, aalis muna ako ha. Pasensya ka na sa kagaspangan ng ugali ne ‘tong Rain na ‘to.”

“Okay lang po. Sanay na ‘ko. Tsaka mahal ko naman yan kahit ganyan yan, eh.”

Tinapik naman sya ni Tito Delfin sa balikat saka umalis na.

Transforming RainWhere stories live. Discover now