Here's another chapter! Stay tuned and enjoy reading! ^_^
---------------------------------------James' POV
When I got home, nagbihis na ako ng damit pambahay tsaka sumampak ng higa sa aking kama.
Hmm. I need to confirm this first. Pero, do I need to? Eh halatang-halata na talaga sa mga ikinikilos niya eh.
Then after thinking many things, sa wakas ay nakapagdecide narin ako. Okay, playtime's over. Showdown's about to start.
Okay, it's not bad naman siguro. I'll help him. If it's the only way to prevent it from happening, I will not hesitate.
Then after that, I already fell asleep.
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw kung kaya't bumangon na ako at naligo na.
As usual, doing my morning routine then *ZOOOOOM!* I'm already off to school.
*Lakad* *Lakad* *Lakad*
As I continue walking, I suddenly felt someone tapped my shoulder.
"Hey James!" sigaw ng kaklase kong bubuntot-buntot sa'kin simula kahapon!
"Hey Garry!" Bati ko sa kanya pabalik.Yes! It's Garry Bustamante.
"So ano, are you gonna help me? or reject my request?" tanong niya agad. Atat much?!
"Sabi ko naman sa'yo diba? Sa susunod na araw pa! Pero sige, I'll answer n-" sabi ko na pinutol niya.
Lumukot yung mukha niya saka siya nagsalita para putulin yung sasabihin ko sana.
"Okay lang naman kung ayaw mo talaga eh. Nagtry lang naman ako kasi wala akong ibang maisip na gawin atsaka wala akong ibang malapitan kaya ayun." mahaba at malungkot niyang litanya.
"Tapos ka na bang magbigay ng iyong SONA?" sarkastiko kong tanong.
Kumunot naman yung noo niya tsaka ako nagpatuloy.
Dahil sa pagkukunot niya ng kanyang noo ay pinitik ko iyon at nagsalita. " Wag kang emo brad! Di bagay sa'yo!" panimula kong sabi sa kanya. "Una, patapusin mo muna ako. Okay, napag-isipan ko na yan. And I decided to help you" mahabang sabi ko sa kanya at siya namag ikinaliwanag ng mukha niya.
"Ayos! Hahaa! Salamat naman at tutulungan mo ako James!" masiglang sabi niya kaya pinutol ko't baka umasa lang sakin.
"PERO! May kundisyon hah?!" pagputol ko sa pagsasaya niya.
"Okay! Ano ba yan?!" siglang-siglang sabi niya."You need to think and make your own moves. I'm just going to assist you" I continued.
Medyo tumamlay na yung ekspresyon ng mukha niya.. "Ok sure! Salamat James!" sabi niya.
"Don't thank me 'coz I'm not doing this to help you but because I have a plan" sabi ko naman sa kanya at naglakad na.
I went to the classroom after he made sure to know what my decision is.
When I reched the classroom, there I saw Sarah with an annoyed face while her bestfriend is talking nonsense to her.
I didn't disturb their moment and just continue walking towards my seat.
Pero parang malakas talaga ang pandinig at pakiramdam nila at di ako nakaligtas kung kaya't pinuntahan naa ko si Sarah samantalang deathly glare ang aking natanggap mula sa lalaking kanina pa bumabakod sa kanya.
I gave him my evil grin at ibinaling ang atensyon kay Sarah.
"Oh James! Wala pa kasi sina Honey at Kris, papasok ba sila ngayon?" bungad agad sa'kin ni Sarah."Di ko alam. Yaan mo na, magpaparamdam rin yun" sabi ko nalang sa kanya kasi di ko alam.
At nagpatuloy kami sa pag-uusap ng maisipan kong isingit ang topic na iyon.
"Sarah.." tawag ko sa sa kanya. "Hmm? Bakit?" tanong naman niya.
"Someone approached me. Gusto niyang makipagclose sa'yo but he's shy. He wants to have your number" sabi ko sa kanya. Ayoko namang ireto lang siya. Gusto kong maging close sila dahil sa kanya mismo.
Ngunit napanganga ako sa tinanong niya sa'kin.
"Gwapo ba?!" sabi niya. Lintek na babaeng to!
"Ano ka ba Sarah! Kahit kailan talaga eh no!?" singhal ko sa kanya at tumawa lang naman siya. "Ano ka ba! Joke nga lang eh! :3 " sabi niya at nag pout na naman.
Natigilan ako sandali. Anong nangyayari? May sakit ba ako? Shet! Ang bilis ng heartbeat ko.
Teka, ba't parang naranasan ko na to dati?! Shit! Hindi! wala lang to. Hingang malalim. *Inhale* *Exhale* at nagsalita na naman siya.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sa'kin and that made a snap. "A-ah.. oo! okay lang ako!" sagot ko sa kanya at umiwas muna ako ng tingin.
Nang matapos na ang klase ay umuwi na ako agad at nagpaalam kay Sarah na mauuna muna ako. Bibigyan ko nalang muna ng chance yung bespren niya.
At naglakad na ako ngunit may isang lalaking bumungad naman sa'kin kay kinausap ko muna.
"What's your first move?" direktang tanong ko. "I-I don't really know. I'm not sure but maybe...... Can I have her number?" BINGO! Hahaa! Alam ko na yang style na yan! So common but, I'll just let him. Bahala na siya kung anong gagawin niya basta mag-aasist lang ako.
At binigay ko na sa kanya ang phone number ni Sarah.
"Thanks James!" sabi naman niya. " I repeat, don't thank me dahil hindi ko ginagawa to para sa'yo. Basta't siguraduhin mo lang na magtatagumpay ka!" sabi ko naman sa kanya.
Matapos niyon ay umalis na ako at naglakad na ulit pauwi.

BINABASA MO ANG
Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)
Teen FictionWalang lihim ang hindi nabubunyag. Sana nga naibunyag yung natatangi kong sikreto para hindi ako nasasaktan ng ganito. Isang lihim na sana'y hindi ko na lang inilihim, ang pagmamahal ko sa kaibigan ko..... ng PASIKRETO -James Raffy Fajardo Highest...