James' POV
Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngayong araw dahil pumasok na si Althea.
Nagtaka lang ako kung bakit wala siya nung nakaraang linggo. Hindi niya kasi sinabi eh.
"Theang.. Ba't ka nga pala lumiban last week?" Pagtanong ko sa kanya..
"May inasikaso lang ako Rap. Bakit, namiss mo ba ako?" Nakangiti niyang sabi ngunit di ko makita sa mga mata niya ang ngiting iyon.
Namimiss ko ba siya? Aba! Syempre naman no!
"Syempre naman no! Di mo kaya sinabi sa'kin kung bakit" sagot ko at sumimangot.
Kinurot niya yung pisngi ko at nagsalita. "Sorry na po.. Sasabihin ko na sa susunod.. Wag ka nang sumimangot.." natatawa niyang sabi.
"Aray naman eh!" Sabi ko na medyo napalakas.. Ang sakit kaya! Parang nanggigigil eh!
"Ay.. Hehehe sorry na.." Sabi naman niya.
"Apology not accepted. Dapat ikiss mo para mawala yung sakit!" Nakangisi kong sambit.. Haha biglang nag-iba yung ekspresyon niya.
"Wag mo nga akong pinaglololoko! Naku! Ikaw talaga!" Inis niyang sabi.
"Di kaya kita pinaglololoko no! I'm serious.. Sige ka magtatampo ako!" Sabi ko na naman..
"Aish! Lika nga! *tsup* oh ayan na! Napakamatampuhin mo talaga eh no! Para kang bata!" Sabi niya.
Oh diba? Haha walang nagawa! Talo na naman siya! Niyakap ko nalang siya.
"Good Morning class! Announcement lang.. Alam kong alam niyo na malapit na ang Junior-Senior's Night diba?" Tanong ng adviser namin. We just all nodded. "At iaanounce ko na kung sino yung makakapartner niyo.." Sabi naman niya..
Hay naku.. Ang iba excited na excited samantalang ako hindi.. Ewan ko parang wala akong gana..
"The pairs are; Mr. Bustamante and Ms. Villareal, Mr. Cruz and Ms. Gamboa, Mr. de Vera and Ms. Delgado, Mr. Amante and Ms. Garcia, Mr. Fajardo and Ms. de Guzman and etc."
I don't what I'm feeling.. Parang galit dahil di ako at si Jay ang kapartner ni Sarah.
Bakit ba ako nasasaktan? Hindi naman dapat eh! Bwiset naman to oh!
"Ok that's all for this morning.. May meeting kami kaya maaga akong lalabas.. Don't make noise and wait for your next subject understand?" Sabi naman ng adviser namin..
"Yes mam!" We all said in chorus.
"Oh wait! Magsisimula na ang praktis niyo bukas ata! Sige, bye!" Sabi niya uli saka umalis..
Parang nawala na yung sigla ko kanina.. Bwiset!
BINABASA MO ANG
Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilWalang lihim ang hindi nabubunyag. Sana nga naibunyag yung natatangi kong sikreto para hindi ako nasasaktan ng ganito. Isang lihim na sana'y hindi ko na lang inilihim, ang pagmamahal ko sa kaibigan ko..... ng PASIKRETO -James Raffy Fajardo Highest...