Sarah's POV
I saw them. Niyakap ni Althea si James at umiiyak ito habang si James naman ay nakapoker face lang..
Teka, may something ba sa kanila? At ba't parang nagbago yung ekspresyon ni James na para bang naaawa siya kay Althea dahil umiyak ito.
May hindi ka talaga sinasabi sa'min James eh. Hmm.. Bakit kaya? Siguro may past silang dalawa.
After a while ay nakita kong umalis na si James at iniwan si Althea na nagpapahid ng luha at nakangiti lamang ng payak habang nakatingin sa likod ng papaalis na si James.
Naglakad narin paalis si Althea kaya naman ay ako rin at bumalik na ako ng classroom at doon nakita ko si James na nakatalukbong na naman.
Umupo lang ako sa upuan ko at tiningnan ko lang siya. Di ko na muna siya kukulitin ngayon dahil baka galit pa yan. Nakakatakot pa naman yan magalit.
At dun ko na itinuon ang atensyon ko sa harap nang magsipasukan na ang iba pa naming mga kaklase.
*fastforward*
James' POV
♪♬May pag-asa pa ba,
Kung susuko ka na?
Larawan mo ba'y
lulukutin ko na?♬♪Nagising ako dahil sa ringtone ng aking phone. Ang aga-aga naman. Sino ba kasi yang tumatawag?
It's Saturday today kaya kailangan kong bumawi ng tulog.
Kinuha ko yung phone ko sa may side table at agad na sinagot without looking kung sino yung tumawag.
"Hello?" inaantok na sabi ko.
|"Oh James!"| sagot niya kaya tinignan ko kung sino yun at si Garry pala.
"Punyemas ka Garry! Inaantok pa ako bwiset!"singhal ko sa kanya.
|"Sorry naman.."| natatawa niyang sabi.
"Wag mo akong tawanan dyan. Ano bang kailangan mo?!" inis na tanong ko.
|"Eh kasi James, gusto kong ligawan si Sarah eh pero nahihiya ako, ano bang dapat gawin?"|
"Bwiset lang Garry? Di ba yan makapaghihintay?!" galit na talaga ako.
|"Hindi eh. May pag-asa ba ako sa kanya?"|
"Gusto mo pala eh di ligawan mo!"
|"Baka mabasted ako eh"|
Medyo nagulat ako. "Shit ang duwag mo naman pala eh! Ligawan mo na nga sasagutin ka nun!" sabi ko nalang sa kanya.
|"Talaga? Sige salamat!"|
"Sige na! Kainis! Distorbo!" pagpapaalam ko at inend call ko na.
Bumalik ako sa pagkakahiha at pumikit para makatulog ulit.
After few minutes ay saka pa nag sink-in sa utak ko yung pinagsasabi ko at ni Garry.. Nyemas!
Kumirot na naman yung kaliwang bahagi ng dibdib ko. Shit! May sakit siguro ako sa puso eh!
"Ang tanga mo James! Paano kung sagutin ni Sarah yun?" Sabi ng aking utak.
"Tama nga iyon at magsisimula na ang paggana ng plano ko!" sagot ko sa pakialamerong utak ko.
"Ang tanong, MASAYA KA BA JAMES? HAH?!" singhal nito pabalik..
Napaisip ako.. Masaya nga ba ako??.. Oo naman syempre! Ngunit kumirot ulit yung dibdib ko.
Sana lang di siya sagutin ni Sarah. Sana lang...
At bumangon na ako at pumasok sa banyo para makaligo..
BINABASA MO ANG
Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilWalang lihim ang hindi nabubunyag. Sana nga naibunyag yung natatangi kong sikreto para hindi ako nasasaktan ng ganito. Isang lihim na sana'y hindi ko na lang inilihim, ang pagmamahal ko sa kaibigan ko..... ng PASIKRETO -James Raffy Fajardo Highest...