Chapter 27

274 15 0
                                    

Sarah's POV

Nakauwi na ako.. Di ko talaga alam at di ko maintindihan..

Gusto ko si Garry pero di ko siya hinayaang ligawan ako. Di rin naman ako nagsisisi.. Di ko na talaga kilala ang sarili ko.

Kailangan ko pang alamin kung ano ba talagang namamagitan kina Althea at James. Nacucurious na talaga ako eh.

*kinabukasan*

While I'm walking papuntang classroom ay nakasabayan ko si Althea.

Nilingon ko siya at nakatingin pala siya sa'kin na nakangiti kaya naman ay ngumiti nalang ako.

Tapos nun ay di ko na siya tinignan pa at dumeretso lang ako ng lakad.

When I reached the classroom na kasabay ko parin pala si Althea.

Dumeretso siya ng upo sa tabi ni James na nakahilig na naman ang ulo niya sa arm ng kanyang upuan.

Pinagmamasdan ko lang si James habang natutulog at inangat ang tingin ko kay Althea na para bang gusto niyang hawakan si Althea.

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila at inilibot ito baka makita ko sina Honey at Kris ngunit iba ang nakita ko.

Ang napakalungot ng mga matang pagmamay-ari ng bespren ko. Naaawa ako sa kanya. May problema ba siya?

Ngumiti lang siya sa'kin na saka pumunta sa upuan niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Siguro nga aaminin ko na. Yes, gusto ko ang bespren ko. Noon paman din.

Pero may iba rin akong nararamdamn para kay James hindi talaga ordinaryo eh.

Kasi, pakiramdam ko, may gusto siya sa'kin. Di naman sa nag-aasume ako pero yun talaga yung nararamdaman ko eh.

Umupo na ako sa pwesto ko at nasa likod ko lang sina James at Althea.

James' POV

Nakahilig lang ako sa arm ng upuan ko at malakas ang pakiramdam ko na may nakatingin sa'kin kaya di muna ako aayos hangga't wala pa yung teacher namin..

Minutes passed ay naramdaman kong may humaplos sa buhok ko.

"Rap, patawarin mo ako kung di kita napigilang umalis ah. Di ko pa kasi naiintindihan yung nararamdaman ko nun eh" sabi nito na kilalang-kilala ko ang boses at wala namang ibang tumatawag sa'kin ng Raprap eh kundi si Althea. "Di ko alam ang gagawin ko nung umalis ka. Saka ko na narealize na mahal din pala kita pero sabi mo nga, huli na. Huling-huli na talaga. Araw-araw kitang iniisip. Sana pala pinigilan kita siguro ay magkasama parin tayo at siguro mahal mo parin ako. Pero hanggang sana at siguro lang naman ang lahat ng iyon kasi galit ka sa'kin eh. Patawarin mo ako Raprap ah" sabi niya at hininto na ang paghihimas sa buhok ko.

Parang biniyak yung puso ko. Naramdaman ko nalang na may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.

Bakit theang? Bakit ngayon mo lang sinasabi to?

Nag isip-isip muna ako hanggang sa naramdaman kong dumating na yung teacher namin dahil nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

Tumayo rin ako at bumulong.

"Theang,.." mahinang tawag ko at nagulat naman siya pero sumagot rin

"Bakit Rap?" tanong niya. "Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" tanong ko.. Ngumiti naman siya ng matamis. "Oo naman. Sabihin mo lang kung saan at anong oras." sabi niya.

"Since cleaners kami ngayon, mauna ka sa garden mamaya pag-uwi at susunod nalang ako" Sabi ko kay Theangtheang at tumango naman siya.

Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon