Matapos ang insidenteng iyon ay balik na agad kami sa dati and since mas nagkakasundo kami ni Sarah ay kami na uli ang palaging magkasama.
While we're laughing ay may naramdaman akong may nakatitig sa'kin kaya lumingon ako at as usual, ngiting nakakaloko ang ipinukol ko.
Yeah! It's her bestfriend. Naalala ko tuloy yung plano ko about dun na paglapitin si Garry at Sarah.
Nadistorbo ang aking pag-iisip nang nagsalita ang babaeng katabi ko.
"James, may sasabihin ako! Iiiihhhh!!" sabi niya na kilig na kilig talaga.
"Kinilig ka na nyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya na may pang-iinis na rin.
"Iiihhh.. Ang KJ mo talaga!" at nagpout pa. Di maglaon baka hiwain ko yang cute mong labi eh. haha joke nga lang..
"Pabebe ka talaga kahit kailan.. Ano ba kasi yun?" natatawang tanong ko.
"Kasi, nagtetext sa'kin si Garry tsaka nakipagclose pa siya. Crush ko kasi siya eh! Ihhh!! hihihi" saad niya na kilig na kilig pa.
Natahimik ako. Ba't ba parang gusto kong magalit? Diba dapat masaya ako kasi umaayon ito sa mga plano ko? Pero bakit parang masakit?
Hinayaan ko na lang siyang mag daydream diyan habang kilig ng kilig.
Nang makamove on na siguro siya sa kakadaydream niya ay kinalabit niya ako.
"Huy!" tawag niya at walang gana ko nalang siyang sinagot.
"Oh! Ba't ang tahimik mo na naman dyan?" nagtatakang tanong niya.
"Wala" malamig kong sambit. "Ayan ka na naman eh!" mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Hay naku! Ba't ba ang daya-daya mo Sarah?! Napaisip ako. Hay naku! Ba't ba ang lakas niya sa'kin? Ang dali ko na yatang mauto! Hayaan na nga!
"Wag ka ngang pabebe! tsk! tsk! tsk!" naiiling kong sabi at ngumiti
Ang sa
"James may tanong ako" aniya na parang may gusto siyang malaman kung magagalit ba ako o hindi.
"Ano yun?" sabi ko sa kanya.
"Pwede ba kitang tawaging Raprap?" and it's the signal. Something hit me. Lumipat ako para makalimot, hindi para ipaalala ulit yun.
"Huy! Raprap!" sabi niya nang nakangiti kaya nainis ako.
"Stop calling me names" malamig kong sabi at tumayo na ako para umalis.
Sarah's POV
I really don't know what's happening to him. Ba't ba siya nagkakaganyan? May mali ba sa tinanong ko?
I feel guilty dahil dun. Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganun. Did I offend him?
Classes end at di ko na nakitang bumalik pa si James mula kanina. Mali bang tawagin siyang Raprap?
Hay naku. Ba't ba kasi di ko alam yun eh? What should I do now?
Naglakad-lakad ako nang makasalubong ko sina Kris at Honey. Parang may something sa kanila ah. Hmm.. Pero di ko na muna pinansin yuna at tinanong ko sila.
"Nakita niyo ba si James? Di ko na kasi siya nakita kanina mula nung nag-usap kami eh" malungkot na sabi ko.
"Hindi eh. Bakit ano bang pinag-usapan niyo kanina?" nagtatakang tanong ni Kris.
"Oo nga. Di naman OA si James para mag walk-out eh. Baka may nasabi ka?!" Si Honey naman yan. Kinokonsensya ba nila ako? Hmm!
"Wala naman akong matandaan na may sinabi akong nakakaoffend eh!" sabi ko at nagpout. Di ako nagpapacute ah! Habit ko lang talaga yan!
"Ows? Ano bang sinabi mo sa kanya kanina bago siya nag walk-out?" curious na tanong ni Kris. Hay naku! Kahit kailan talaga! Ang dakilang usisero!
"Sinabi ko na nagtetext at nakikipagclose sa'kin si Garry na crush ko at saka tinanong ko kung pwede ko ba siyang tawaging Raprap. Yun lang naman yung tinanong ko tapos biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya tsaka nag walk-out" mahaba kong litanya.
"Aaaahhh!! I see! hahaha baka nagselos?" nanunuksong saad ni Kris.
"Di naman siguro.. Ba't naman siya magseselos?" nagtatakang tanong ko.
"Aba malay ko" natatawang sagot ni Kris.
"Oh baka naman may kinalaman yun sa pagtawag mo sa kanya ng Raprap?" suhestyon ni Honey.
Teka.. Baka nga! I should have known! Wala naman kasi siyang sinasabi about dun eh!
"Baka nga siguro. Pero wala naman siyang sinasabi about dun eh! Sa inyo na?" tanong ko sa kanila at umiling lang naman ang dalawa.
"Hay naku. Sige aalamin ko yan. Mauna na ako sa inyo Kris, Honey! ingat!" pagpapaalam ko at naglakad na pauwi.
Hay naku James, may hindi ka sinasabi sa'kin eh.
BINABASA MO ANG
Secretly Loving My Bestfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilWalang lihim ang hindi nabubunyag. Sana nga naibunyag yung natatangi kong sikreto para hindi ako nasasaktan ng ganito. Isang lihim na sana'y hindi ko na lang inilihim, ang pagmamahal ko sa kaibigan ko..... ng PASIKRETO -James Raffy Fajardo Highest...