Nash POV
Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang papunta pa lang kami sa Palawan tapos ngayon magtatapos na yung April tapos kami pa ni Alexa my Loves haha
Kakatapos ko lang magbihis inaayos ko yung buhok ko ngayon syempre dapat gwapo diba may lakad pa naman kami ni Alexa. My outfit for today is Yellow polo shirt and pants with my new vans shoes..
Wala na si mommy maaga umalis plano kong dalin si Alexa ngayon sa restaurant namin doon kami magbreakfast nagtext naman ako sa kanya kanina kagising ko.
Yan ayos na nakataas na buhok ko time check 7:15am Saktong sakto ang oras yay! Labas na ko yan punta sa front door nila Alexa press the doorbell button
*Ting! Dong!*
Bumukas ang pinto isang maladiyosang anghel ang bumungad sa isang gwapong tulad ko napatulala lang naman ako doon ko lang narealize ng magsnap siya sa harap ko
"Tulala Nash umagang umaga oh" sabi ni Alexa
Napakamot ako sa ulo eh paano kasi ang ganda niya eh nakashort siya at pink na blouse kahit simple lang ganda niya pa rin
"Hoy!Nash" sabi ni Alexa at pinisil yung right cheek ko
"Oh ano yun?" sabi ko
"Hah ang labo mo naman kanina ka pa tulala diyan natulala ka naman sa kagandahan ko" sabi ni Alexa
"Oo eh ikaw naman kasi" sabi ko at umakbay sa kanya
"Gwapo mo din ngayon ah" sabi niya
"Lagi naman" sabi ko at nagsmirk
Napatawa naman siya
"Nagbreakfast ka na ba Baby?" tanong ko
This time magkahawak kamay na kami
"Di pa eh aga mo kasi" sabi niya
"Sus sorry naman tara magbreakfast na tayo" sabi ko
"Sige sabi mo" sabi niya
Nagsimula na nga kaming maglakad HHWW ang peg namin ang sweet lang diba haha...
Hanggang sa makalabas na kami ng hotel sumakay kami sa kotse pero hindi ako yung nagdadrive may driver kami si Manong Juan.
Nang makasakay na kami sa kotse nasa likod kaming dalawa ni Alexa
"Nash yan ba ang girlfriend mo?" tanong ni Manong Juan
"Ay Opo manong Juan meet my irog Alexa Padilla͵ Alexa meet Manong Juan our family driver" sabi ko
Napatawa silang dalawa
"Bakit anong nakakatawa?" tanong ko
"Eh Nash mukhang inlove ka talaga noh Irog ba naman ang itawag sa girlfriend" sabi ni Manong Juan
"Bakit panget po ba?" tanong ko
"Di naman unique nga eh" sabi ni Manong Juan
"Bagay ba kami Manong?" sabi ko at umakbay kay Alexa
"Bagay na bagay Nash" sabi ni Manong Juan
"Salamat Manong Juan nga po pala sa Resta Julia(HULIA) po tayo" sabi ni Nash
"Sige" sabi ni Manong Juan
"Okay ka lang?" tanong ko kay Alexa
"Yup nakakatuwa nga kayo ni Manong Juan eh" sabi ni Alexa
"Haha bata pa ko driver na namin si Manong Juan parang tatay ko na din yan eh" sabi ko
"Ah ganoon ba? Nasaan ba yung father mo?" tanong ni Alexa
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Teen FictionStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))