NASH POV
"Ngayon na talaga?"
(Oo Nash magimpake ka na 8am aalis na tayo kitakits kela Yuri yung van nila yung gagamitin natin)
"Osigesige"
Ang aga-aga binulabog ako ni Jean may biglaang Outing kami ngayon sa Batangas daw 3 days kami doon Tuesday ng hapon uwi namin sakto wala kaming pasok ng Monday at Tuesday.
Tinawagan ko si Mika pinapasama rin kasi siya ni Jean.
"Mika"
(Beb?)
"Natext ka na ba nila Jean?"
(Oo I think kaninang madaling araw nakapagimpake na ko how about you Beb?)
"Kakagising ko lang at kakatawag lang sa akin ni Jean sige sunduin kita diyan"
(Okay Beb Ingat I love you)
"Love you too"
Nagimpake na nga ako ng mga gamit pagkatapos ay naligo na ako at nagbihis.
Kumain ako sandali pagkatapos ay inayos ko yung mga gamit ko saktong 7:45 ng makasakay na ko sa kotse ko Otw na ko kela Mika.
Ano ba kasi naisipan ng mga to.. Nakakatamad tuloy pero bahala na.
Nakarating na ko kela Mika bumusina lang ako kalabas niya tsaka ako bumaba para isakay yung mga gamit niya sa kotse ko pinagbuksan ko rin siya ng pinto.
"Libre daw nila Jean at Yuri sabi ni Marz" sabi ni Mika
"Ganoon ba? Ambilis naman nila magdesisyon mabuti na lang nagising ako agad" sabi ko
"Teka! Dapat hindi mo na dinala yung sasakyan mo eh sa van rin tayo nila Yuri sasakay" sabi ni Mika
"Iiwan ko na lang sa kanila madali lang yun" sabi ko
"Okay.. I think magiging masaya yung outing natin lalo na't kasama kita Beb" sabi ni Mika at ngumiti
"Ah.. Oo naman" sabi ko at ngumiti rin
Mayamaya ay nakarating na rin kami kela Yuri pinark ko muna sa garahe nila yung kotse ko tapos kinuha na namin yung mga gamit.
"Hi Guys" sabi ko sa kanila
"Hello.. Buti na lang at nakarating ka oh andiyan na din pala sina John at Alexa" sabi ni Jean
Napalingon naman ako nakita kong bumaba sila ng sasakyan..
Psh! Yung totoo nananadya ba yung mga to.. Bakit kailangan pang isama si John?!...
"Ayan kumpleto na tayo tara na sakay na tayo" sabi ni Yuri
"Bro samahan mo ko ilagay natin yung mga gamit sa likod" sabi ni Jairus
Tumango na lang ako...
Nagsakayan na nga silang lahat except sa amin ni Jairus na busy sinasakay yung mga gamit nila sa likod.
"Pinlano niyo ba talaga to?" tanong ko
"Yung tatlong Maria tapos tinext lang nila kami" sabi ni Jairus
"Bakit kasama pa kasi si John" sabi ko
Napangisi naman si Jairus
"Dahil di mo masosolo si Alexa? Nandiyan rin naman si Mika ah quits kayo ikaw na bahala dumamoves niyan Bro" sabi ni Jairus at tinapik ako sa balikat
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Teen FictionStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))