NASH POV
Ang sakit sakit akala ko pa naman ako pa rin ang mahal niya hindi pala si John na mahirap pero kailangan tanggapin pinunasan ko na yung mga luha sa mata ko at nagsimula ng pumunta sa Gym bigla ko namang nasalubong si Yuri tinignan lang namin ang isa'tisa pero agad din akong umiwas.
Karating ko sa Gym nakita kong nakaupo si Mika sa bleachers nakapamulsa akong naglalakad papunta sa kanya.
"Mika" tawag ko at lumingon siya isang ngiti ang sinagot niya sa akin
Tumayo na siya at this time magkaharap na kami.
"Oh anong nangyari? Namamaga mata mo umiyak ka ba?" tanong ni Mika
Tinignan ko si Mika tsaka ako tumango.
"Anong sabi ? Ano bang nangyari?" tanong ni Mika
"Nakapagusap kami ng maayos kaso nalaman ko na hindi na pala ako yung mahal niya" sabi ko at ngumiti ng kaunti
Napakunot noo naman si Mika
"Si John na yung mahal niya hindi na ako ang sakit nga akala ko ako pa rin ang mahal niya yun pala iba na" sabi ko di ko na naman napigilan ang sarili ko muling tumulo ang luha sa mga mata ko
"Tama na Nash" sabi ni Mika at niyakap ako buti na lang andito sa tabi ko si Mika sa mga panahon ngayon kaya niyakap ko din siya
"Ang sakitsakit lang kasi nakakainis bakit kasi nagpahuli ako ayan tuloy naunahan na ako ng iba" sabi ko
"Walang may gusto sa nangyari alam mo siguro it's time to give up na Nash hindi na ikaw ang mahal ni Alexa mas mainam na magmoveon na kaysa dumagdag pa yung sakit na nararamdaman mo ngayon huwag ka magalala Nash I'll help you to move on to forget Alexa" sabi ni Mika naiintindihan ko kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig bilang isang kaibigan handa niya kong tulungan na makalimutan lahatlahat at magsimula ulit ng panibago.
"Salamat Mika. Buti ka pa lagi kang nandiyan sa tabi ko wag ka magalala babawi ako sa iyo" sabi ko at kumawala na sa yakap namin
Ngumiti lang siya
"Basta kung may kailangan ka Call my name and I'll be there" sabi ni Mika at pinunasan yung mga luha ko sa mukha
Napangiti naman ako
"Pasensya ka na kung masyado akong emosyonal ngayon kalalaki kong tao umiiyak ako" sabi ko
"Ano ka ba? Porket lalake wala ng karapatan umiyak alam mo bilib nga ako sa mga lalakeng marunong umiyak kapag nasasaktan kasi talagang doon napapatunayan mo na ganoon katapat ang isang lalake." sabi ni Mika
"Talaga?" tanong ko
"Oo nabasa ko lang yun" sabi ni Mika
"Salamat talaga" sabi ko
"Nash?" tawag niya
Tinaas ko lang yung dalawa kong kilay
"What if hindi mahal ni Alexa si John?" tanong ni Mika
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Ah wala nevermind nga pala anong plano mo niyan?" pagbabago ng usapan ni Mika
"Para saan?" tanong ko
"Sa inyo ni Alexa diba barkada kayo? Diba ang awkward nun magkasama kayo tapos di nagpapansinan" sabi ni Mika
![](https://img.wattpad.com/cover/4637867-288-k897753.jpg)
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Ficção AdolescenteStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))