ALEXA'S POV
Friday ngayon half day lang daw kasi may seminar mga teachers namin kaya morning class lang.
Walang Nash Gil na pumasok kahit na half day lang kami hindi man lang niya naisip pumasok masama pa rin ba ang loob niya? Hindi ko alam nagaalala pa din ako sa kanya hindi ko maiwasan magalala.
"Hindi na naman pumasok si Nash ano na ba nangyari sa lalakeng iyon?" tanong ni Andre
"Hindi ko rin macontact siguro masama pa rin ang loob alam na diba?" sabi naman ni Kobi
"Nandito lang sa campus yung lalake na iyon hindi lang talaga niya trip na pumasok ngayon" sabi naman ni Jairus
Nakikinig lang ako sa kanila nandito pa rin kami sa room ngayon hintayin daw namin yung ring ng bell means dismiss na.
"Punta kaya tayong mall mamaya ano sa tingin mo Hon?" nakangiting tanong ni John
"Hindi ko alam pwede sa ibang araw na lang?" cold na sagot ko wala pa rin talaga ako sa mood ngayon may hungover pa ko sa nangyari kahapon idagdag mo pa yung di pagpasok ni Nash
"Ah Sorry What if Punta na lang ako sa inyo? Xbox tayo?" pangungulit ulit ni John
Tinignan ko lang siya tsaka umiling
"Ah eto! Magbake na lang tayo sa inyo tapos manood tayo ng movie" sabi ni John
Napaisip naman ako sa sinabi ni John magbake daw kami tsaka manood ng movie? Teka! Yun yung kadalasan na gawin namin ni Nash.. Biglang nagflashback sa utak ko yung time na bumisita ako sa condo ni Nash..
"Ano? Bake tayo tas nood tayo ng Movie?" tanong ni John at bigla naman akong natauhan
Napailing ako sakto naman nagring yung bell
"Sorry John wala ako sa mood ngayon sige una na ko" sabi ko at lumabas na ng room bago pa niya ko maabutan
May usapan kami ni Nash na maguusap ngayon sa rooftop baka nandoon na siya..
Mayamaya nakarating na ko ng rooftop at nakita ko si Nash na nakatayo͵ nakatalikod siya.
"Nash" tawag ko sa kanya
Bigla niyang pinunasan ang mukha niya tsaka humarap sa akin umiyak ba siya.?
Ngumiti siya sa akin alam kong isang pekeng ngiti lang iyon kasi maipipinta mo sa mga mata ni Nash ang kanyang labis na kalungkutan.
"Ah mabuti naman at dumating ka" sabi niya sabay ayos ng buhok niya
"Ah Oo nga pala bakit hindi ka pumasok? Half day lang naman ah" sabi ko
Bigla siyang lumapit sa akin this time magkaharap na kami.
Tinignan niya ko at tinignan ko rin siya
"Wala akong ganang pumasok pasensya na kung pinagalala kita" sabi niya
Bigla naman napakunot yung noo ko sa sinabi niya bakit alam niya na nagaalala ako sa kanya.
"HinDi ko alam ang sinasabi mo" sabi ko
Napangiti naman si Nash
"Huwag ka na magkaila alam ko naman na nagaalala ka" sabi niya
"Pinapunta mo lang ba ako dito para inisin?" tanong ko
"Chill ka lang wag ka masyadong hot.." sabi niya at kumindat
Hay nako Nash di na uubra sa akin yang mga pagpapacute mo kaya nagrolleyes na lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Fiksi RemajaStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))