NORMAL'S POV
Nakukuha na ni Jairus ang tulog niya ng biglang magring yung cellphone niya..
"Pambihira sino na naman ba to!" inis na sabi ni Jairus
Ng mabasa niya sino yung tumatawag..
"Nash.. Ano kayang problema ng lalakeng to" sabi ni Jairus at sinagot na yung tawag
"Hello"
(Si Jairus Aquino ba to?)
Bigla naman nagtaka si Jairus kung bakit iba yung boses na nakausap niya..
"Ako nga teka bakit hawak mo ang cellphone ng kaibigan ko?! Nasaan si Nash?" pagtatakang tanong ni Jairus
(Taga PNP to hawak namin ang cellphone ng kaibigan mo naaksidente si Nash kaninang ala-12 ng madaling araw sa may QC under investigation pa kung ano ang nangyari sa kaibigan mo nasa Ospital na siya ngayon)
Sa sobrang gulat ni Jairus ay nahulog siya sa kama niya..
"Ano naaksidente si Nash?!" sigaw niya
(Oo Iho sige na ikaw kasi yung last na nakaregister sa call ng biktima pakisabi na lang sa mga magulang niya)
Hindi pa rin makapaniwala si Jairus..
"Kasalanan mo to Jairus kung napigilan mo si Nash malamang di naaksidente yun" sabi ni Jairus at napasabunot sa sarili
"Kailangan to malaman nila Tita at nila Alexa" sabi ni Jairus at agad tumayo para kunin yung susi ng kotse niya
Agad bumaba si Jairus kababa niya ay agad na siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar ito.
Tinawagan naman niya si Julia.
"Hello Tita"
(Oh Jairus napatawag ka?)
"Tita wag po kayo mabibigla ah? Si Nash po kasi eh"
(Ano nangyari sa anak ko?!)
"Tita naaksidente daw po si Nash papunta na po ako sa ospital ngayon"
(Sigesige papunta na rin kami diyan ni Quenito)
Sunod naman tinawagan ni Jairus si Alexa.
"Hello Alexa"
(*yawn* Jai napatawag ka alam mo ba anong oras na?!)
"Alexa sorry pero importante yung sasabihin ko sa iyo tungkol kay Nash"
(Ano?! Ano nangyari kay Nash?)
"Naaksidente siya Alexa text mo na lang yung mga kaibigan natin ah otw na ko sa ospital kung saan dinala si Nash"
(Sigesige)
Nagtext din si Jairus sa iba pa nilang kaibigan na naaksidente nga si Nash. Karating naman ni Jairus sa ospital ay agad niyang hinanap kung nasaan si Nash.
"Si Nash Gil po sir? Nasa Emergency Room po siya lahat nga po ng doktor nandoon na kasi sobrang lala po ng nangyari sa kanya" sabi ng nurse
"Ano ba ang nangyari sa kaibigan ko?" tanong ni Jairus
"Sabi ng mga PNP na silang nagdala dito nabangga daw po si Nash sa poste mukhang may iniiwasan ito sa sobrang lakas ng pagkakabangga nauntog daw po yung ulo ng biktima sa manibela duguan nga po yung pasyente tapos may mga sugat pa sa katawan" pahayag ng nurse.

BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Genç KurguStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))