Chapter 42

3.6K 96 46
                                    

Alexa's POV

T.G.I.F ~~

3 Days na ang nakalipas simula ng mangyari yung aksidente okay na yung paa ko at nakakalakad na rin ako ng maayos.Maraming salamat kay Nash dahil hindi niya ko pinabayaan siya yung naghahatid sundo sa akin.Si John?! Nagpepresinta din maghatidsundo sa akin pero nagmatigas si Nash kasi daw mas delikado kung sa motor pa niya ko sasakay. Hindi ko nga maintindihan bakit parang mas gusto ko pa na pinagsisilbihan ako ni Nash taksil talaga tong puso ko feeling ko tuloy ang samasama kong tao tsk! Pero ano pa bang magagawa ko si Nash mismo ang nagpresinta na alagaan ako sa loob ng 3 araw na iyon ang saya diba? Kasi ang sweetsweet ni Nash sa akin kitangkita ng buong BU yun. Nagiguilty rin ako kasi paano si Mika hindi na siya nahahatidsundo ni Nash tapos tuwing makikita ko siya na magkasama kami ni Nash ramdam ko na nagseselos siya.. Haist -_- It's so Complicated...

Tsaka ko na proproblemahin ang mga bagay na iyan Friday ngayon which means ngayon yung laban ng mga Archers sa Eagles.

Pagkatapos ko maligo at magbihis bigla naman tumawag si John.

"GoodMorning Hon" masigla niyang sabi

Napangiti naman ako "Goodmorning din" sabi ko

(Okay na ba yung paa mo? Pwede na bang ako na yung magsundo at naghatid sa iyo ngayon?)

"Magaling na yung paa ko kaya pwede mo na kong ihatid at sunduin"

(Ayos! Buti na lang wala kaming lakad ngayon at makakapanood na ako ng basketball sunduin kita diyan ah mga after 10 minutes see you Hon Love you)

"Sige Ingat sa pagdadrive"

Babawi muna ako kay John this time baka magtampo na yun mahirap na.

Nakapants at Green tshirt lang ako remember dapat nakagreen! Kumain muna ko ng breakfast tapos mayamaya narinig ko na yung busina ng motor ni John kaya nagpaalam at lumabas na ako.

Kalabas ko ng bahay nagulat ako kasi may bigla na lang yumakap sa akin.

"Namiss kita Hon" sabi ni John

"I miss you too" sabi ko

Kumawala na kami sa yakap..

"Okay na ba talaga yung paa mo? Pwede na ba talaga kitang iangkas sa motor ko?" tanong ni John

"Okay na ko John kita mo nakakalakad na ko ng maayos tara na baka mahuli pa tayo" sabi ko

"Sige tara na" sabi ni John at sumakay na sa motor niya pagkatapos ay ako naman ang umangkas sa likod niya

Namiss ko din sumakay sa motor ng lalakeng to kumapit na ko sa likod ni John at nagsimula na siyang magmaneho.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa school marami ng tao tanaw na tanaw namin yung 2 bus ng UC sa may parking lot.

"Mukhang mainit na labanan na naman to" sabi ko

"Balita ko mayayabang daw mga Eagles eh sana naman magkasundo pa rin sila ng mga Archers" sabi ni John

Papunta na kami sa Gym ngayon magkaholding hands kami bigla na lang niyang kinuha yung kamay ko kaya pinaubaya ko na lang.

Kapasok namin ng Gym ay bumungad sa amin ang madaming tao kagaya ng dati nakahati ulit ang dalawang team. Archers ang nasa kanan at Eagles naman ang nasa kaliwa. Punongpuno ng Blue at Green na naman ang buong Gymnasium..

Hinanap na namin ang mga kaibigan namin..

"Alexa dito!" sigaw ni Yuri

Gaya ng dati nasa 2nd row ulit kami ng bleachers..

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon