Alexa's POV
Nagising ako sa nagtext sa cellphone ko anubeyen! >_< Sinetch itech...
Nakapikit pa ko ng abutin yung phone ko tapos nung bubuksan ko na minulat ko na yung mga mata ko.
'From: BFFJean
Girl! Nood tayo ng Basketball game ah? Brent University vs St.Alexander kitakits!'
Oo nga pala ngayon yung laban nila Nash.. Wala kaming pasok ngayon manonood at susuporta lang talaga kami sa laban ng basketball..
Tinext ko si John kung papasok siya..
'To:John
Hon Nood tayo ng laban ah? Pwede ka ba?'
Minsan kasi medyo busy si John lagi siyang sinasama ng father niya.
Mayamaya nagreply siya.
'From:John
Hon gustuhin ko man pero sinasama na naman ako ni Dad papunta kaming Pampanga sorry talaga Hon sama ka na muna sa mga friends mo :) Ily:*
Naintindihan ko naman si John kaya pagkatapos noon ay naligo at nagbihis na ko pwede namang magcasual ngayon kaya naggreen tshirt ako at pants with matching doll shoes.
Kumain na ko ng breakfast ko..
Mayamaya biglang naggtext si Jean..
'To: Daanan kita sa inyo magready kana! :)'
Nagayos na nga ako at mayamaya lang ay narinig ko ang busina ng sasakyan niya.
Sumakay na ko sa red car niya.. Siya mismo nagdadrive kaya bilib ako sa babaeng to.
"So Alam ko naman na busy na naman ang bf mo kaya dinaanan kita and tinext niya rin naman ako" sabi ni Jean
"Ganoon talaga ano bang magagawa ko?" sabi ko naman
"Wag ka na malungkot diyan manonood naman tayo ng basketball andoon si Nash haha Just kidding" pangaasar ni Jean
Tumawa lang naman ako..
"Alam mo sana manalo yung school natin kasi last year lagi silang tambak diba? Eh ngayon andiyan na si Nash malamang malaki na yung chance na manalo tayo" sambit ni Jean
Tama nga siya last year laging tambak yung school namin sa basketball masyado kasing magagaling yung mga kalaban nila tapos nainjured pa si Francis noon.
"Siguro nga" sabi ko at tumingin sa bintana ramdam ko naman na tinignan ako ni Jean
Mayamaya pa ay nakarating na kami sa school andaming mga students na nakakalat may mga dala silang mga balloons͵Tarpaulin at mga cartolina.
Malamang nandito na yung mga taga St.Alexander anong oras na rin kasi..
"Nasaan daw sila Yuri at Marz?" tanong ko
"Nagtext si Marz nasa gym na daw sila kasama sina Andre at Kobi marami na din daw tao" sabi ni Jean
"Oh kung ganoon tara na" sabi ko
Papunta na kami ng Gym ng masalubong namin si Nash sa Cafeteria bago ka kasi makarating sa Gym madadaanan mo muna yung Cafeteria.
Napatingin kami sa isa'tisa nabaling yung atensiyon namin ng magsalita si Jean.
"Oh Nash buti nandito ka pa?" tanong ni Jean
"Ah bumili lang ng Gatorade kakarating niyo lang?" tanong ni Nash
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Roman pour AdolescentsStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))