Chapter 49

3.3K 123 74
                                    

ALEXA'S POV

Lumipas ang Ilang Segundo...

Lumipas ang Ilang Minuto...

Lumipas ang Ilang Oras....

Lumipas ang Ilang Araw...

Lumipas ang Ilang Linggo....

Lumipas ang Ilang Buwan....

Hindi pa rin nagkakamalay si Nash Comatose pa rin siya hanggang ngayon..

Araw-Araw dinadalaw ko siya dinadalhan ko siya ng iba'tibang regalo halos mapuno na nga yung table dahil sa mga regalo..

Araw-Araw Kinakausap ko siya na lumaban siya na sana di pa huli ang lahat na huwag siyang susuko sinasabi ko lagi sa kanya na mahal na mahal ko siya..

Araw-Araw ko din siyang ipinagdarasal na sana magkamalay at gumising na siya..

Araw-Araw ko din siyang kinukwentuhan at kinakantahan..

Araw-Araw din akong umiiyak habang pinagmamasdan siya

Ilang Buwan na ang lumipas magaling na ang mga sugat ni Nash sa katawan nawala na yung mga sugat at pasa niya pati yung semento sa kamay niya pero wala pa rin siyang malay hanggang ngayon unstable pa rin ang kondisyon niya..

Pagkatapos ng klase ay dumederetso ako dito binabantayan si Nash para palitan naman sina Tita Julia at Tito Quen.

Malapit na ngang manganak si Tita Julia isang buwan na lang..

Madalas din bumisita ang barkada kay Nash mga twice a week or trice pero ako talaga yung mas madalas.. Pumayat na nga daw ako sabi nila paano di na ko kumakain sa tamang oras madalas akong nalilipasan tapos bumaba din mga grades ko kasi wala akong oras sa pagrereview nakafocus lang talaga ako kay Nash.

Nagaalala na nga sila sa akin minsan pinagsasabihan na rin ako nila Mommy at Daddy pero wala talaga nakafocus talaga ako kay Nash pag nandito ako sa ospital nakakalimutan ko lahat tanging si Nash lang ang nasa isip ko.

Katulad ngayon kakatapos lang ng Exams namin hindi ako masyadong nakapagreview dahil lagi akong nandito sa ospital bahala na kung ano sabihin nila Daddy at Mommy bale wala nga lahat ng mga sinasabi nila sa akin.

Pinagmasdan ko si Nash ganoon pa rin wala pa ring malay parang maamong anghel.

Hinawakan ko yung kamay niya..

"Nash Ilang buwan na yung lumipas 8 buwan na simula nung maaksidente ka miss na miss na kita miss na miss ka na nila sana magkamalay ka na Nash sana gumising ka na miss ko na kakulitan mo I love you Nash I love you so much" sabi ko at hinalikan yung kamay niya bigla namang tumulo yung luha ko

Bigla naman nagring yung cellphone ko kaya agad kong pinunasan yung luha ko at kinuha yung phone ko.

Si Jean pala...

"Hello"

(Girl nasaan ka? Bakit agad kang umalis naghalf day ka lang sinabi na yung mga ranking natin)

Oo nga pala naghalf day ako di kasi maganda ang pakiramdam ko..

"Masama pakiramdam ko Girl oh kamusta?"

(Girl bagsak yung 3 mong subjects gusto kang makausap ng adviser natin pati mga parents mo)

Bigla naman akong nakaramdam ng kaba..

"Ganoon ba? Okay"

(Girl bumawi ka sa next quarter graduating na tayo bawiin mo yung mga bagsak mo I'm sure kakausapin ka nila Tito Daniel at Tita Kath niyan)

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon