Nash POV
Monthsary na pala namin ni Alexa next week ano na ba ngayon? Hmm.. May 4 na pala may 4 days pa ako nagiisip na nga ako kung ano yung plano ko eh. Grabe parang kailan lang talaga ang bilis ng panahon hay!
Eto kakauwi ko lang galing sa date namin ni Alexa my loves haha Grabe di ko talaga makalimutan yung kanina First kiss namin yun ni Alexa hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at nagawa ko sa kanya yun eh sa tingin ko nagustuhan rin naman niya eh.
Shizz.. Kapagod din pero sulit naman wala pa si mommy naligo muna ko at nagbihis gusto kong hintayin si mommy eh.
Nanuod muna akong tv sa may sala ng biglang may magdoorbell si mommy na siguro to. Pagkabukas ko ng pinto...
O_o
Isang mistisong lalake ang nakangiti sa akin mga kaage siguro to ni mommy.
"Ano pong kailangan niyo Sino po kayo?" Tanong ko
Eh. Baka kasi ano to magnanakaw eh pero di naman siya mukhang magnanakaw ang desente niya nga kasi nakapolo shirt siya at pants yung parang office atire ganoon.
Ngumiti siya
"Ah nandiyan ba si Julia Montes? Or should I say Gil?" tanong niya
Kilala niya si mommy?! Hmm. Sino kaya to
"Ah Bakit po sino po ba kayo?" tanong ko
"Ah ako si Quen kaibigan ako ni Julia ikaw sino ka?" tanong niya
"Ah ako po si Nash ͵ Nash Gil hali po kayo tuloy po kayo wala pa po si mommy" sabi ko at binuka yung pinto para papasukin tong si Quen
Napataas yung kilay niya at parang malalim yung iniisip ng sabihin ko ang pangalan ko ano ba problema nito tapos nagkibit balikat siya at pumasok na din.
Pinaupo ko siya sa sala tapos kumuha ako ng juice at tinapay para iserve sa kanya pagkatapos ay umupo na rin ako sa sala.
"Anak ka ba ni Julia?" tanong niya
"Opo ano po bang kailangan niyo kay mommy?" tanong ko
"Ahm Business matters ikaw pala yung anak niya ang laki mo na ah" sabi niya
"Ah siguro po padating na si mommy may meeting po kasi siya" sabi ko
Nakakainis naman kasi kanina pa tingin ng tingin sa akin tong Quen na to nakakailang ano ba balak nito?! Mommy dumating ka na please !!
"Gusto mo ba makita daddy mo?" tanong niya
Napalunok naman ako doon sa sinabi niya bakit parang andami niyang alam.
"Wala na po akong pakeelam sa tatay ko wag na po natin iyang pagusapan" sabi ko
"Oh. Sorry" sabi niya
Shiz -_- Ano kaya balak nito tinext ko si mommy sabi ko may bisita siya otw na daw siya.
Mayamaya may nagdoorbell baka si mommy na yun.
"Ah buksan ko lang po yung pinto baka po si mommy na yun" sabi ko kay Quen
"Sige Nash" sabi niya
Kabukas ko ng pinto si mommy nga kiniss niya ko sa cheeks.
"GoodEvening anak sorry to keep you waiting nasan na ba yung bisita ko?" tanong ni mommy kapasok niya
"Ayun po" sabi ko
Sakto naman tumayo si Quen at humarap kay mommy nakatalikod kasi siya kanina.
"Enrique?!!" gulat na sabi ni mommy
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Teen FictionStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))