Chapter 29

4.7K 96 17
                                    

Nash POV

Back to School Days na Monday ngayon kaya kailangan medyo maaga di ko na tinext si Alexa sigurado naman na alam niya na susunduin ko siya daily routine ko na iyon tsaka wala na ata akong load ^_^

Katapos maligo ay nagbihis na ako taas ng konti ng buhok tapos bumaba na ko sa kusina. Nadatnan ko naman yung nilutong breakfast ni Manang after 15 minutes natapos na ko.

Kinuha ko yung susi ng kotse tsaka pumunta na sa garage namin.

Time Check 6:45am medyo maaga pa nga.. Pero siyempre may susunduin pa ako kaya ganoon after 10 minutes narating ko na yung kela Alexa. Ayos ulit ng buhok tapos bumaba na ko ng kotse.

Nagdoorbell ako.. Lumabas yung katulong nila.

"Naku Sir Nash kung si Mam Alexa po ang hanap niyo naku umalis na ho siya"

"Hah? Eh ang aga pa tsaka sino naman kasama niyang umalis?" tanong ko

"Di ko nga po kilala pero yung sasakyan po nila motor kakaalis lang po nila"

Anak ng! Sino naman yung lalakeng susundo kay Alexa sakay ng motor Possible namang si Francis yun eh tumigil na kayang suyuin ni Francis si Alexa simula nung nagbugbugan kami. Ayaw kong pinapasakay ng motor yang si Alexa eh.

"Ah Kasing edad ko lang po ba yung sumundo sa kanya? Gwapo po ba o mas gwapo ako?" tanong ko kay Manang sabay kindat

"Hay nako mas gwapo ka doon sir Nash .. Kasing edad niyo lang kung di ako nagkakamali tawag niya kay Alexa Taba tapos si Alexa tawag niya doon sa lalake Patpatin" sabi ni Manang

Bigla naman akong kinabahan doon sa sinabi ni Manang Taba at Patpatin? Teka.. Diba yun yung tawagan nila ni John Emmanuel?! 

Oo yun nga nung nabasa ko yung message ni Alexa kay John. Walang hiyang John na iyan! Naunahan ako kay Alexa!

Napakagat na lang ako sa labi.

"Nako Manang salamat ah. Alis na po ako baka kasi malate ako" pagpapaalam ko kay Manang di ko na siya hinintay sumagot agad na kong sumakay sa kotse ko

"Epal ka talaga John Emmanuel Bermundo! Humanda ka sa akin"

Nakarating ako agad sa school ng saktong 7am.. 7:30 Pa kasi start ng klase namin.

Kababa ko ng kotse nakatingin sila lahat sa akin sanay na ko.

Nagulat ako sa mga bulungbulungan ng mga nadaanan ko..

'Kawawa naman si Papa Nash alam ba niya na iba yung kasama ni Alexa ngayon yung bagong student si John medyo gwapo din kaso mas gwapo si Nash'

'Oo nga kawawa naman si Nash ang haba naman ng hair ni Alexa ah matapos kay Nash doon naman kay John na yun ang Lande!'

Napatingin ako sa kanila tinignan ko sila.

"Ang aga-aga tsismis ang inaatupag niyo wag niyo nga pakeelam ang buhay ng may buhay" sabi ko

Pagkatapos ay naglakad na ko papuntang Cafeteria doon kasi usapan ng barkada namin.

Nadatnan ko naman sila doon kaso si Alexa nga lang ang wala nasaan kaya yung babaeng yun.

"Himala bro di mo kasama si Alexa?" tanong ni Andre

"Oo nga anong nangyari sa inyo nakita namin siya kanina magkasama sila nung John" sabi ni Jairus

"Lq ba kayo Nash?" tanong ni Yuri

"Hindi ko alam maayos naman kami di ko na siya naabutan sa kanila sinundo daw siya ng maaga nung Epal na John na iyan" sabi ko di na ko nakatiis eh

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon