Nash POV
Nagising ako sa sinag ng araw ang bilis umaga na pala parang kagabi lang umiiyak ako . Oo tama kayo umiiyak ako kagabi sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa mga nangyari namamaga na nga mata ko eh nakakainis kung bakit ba naman kasi ganito! Pero diba sabi nga Everything happens for a reason.. Napabuntong hininga ako tumayo na ko sa tinutulugan ko hinanda ko na yung damit na susuotin ko tsaka naligo pagkatapos ay nagbihis na ko.
Nagtataka ba kayo kung nasaan ako ngayon? Nasa Townhouse ako nila Mika may bakanteng kwarto pa sila kaya dito ako natulog pinatuloy na niya ko kasi sobrang lakas ng ulan kagabi siya at ang yaya lang naman niya ang nakatira dito kaya okay lang.
Pagkatapos ko magayos ay bumaba na ko nadatnan kong kumakain si Mika..
"Oh Gising ka na pala Nash Goodmorning halika na sabayan mo na ako dito" sabi niya
"GoodMorning din sige" sabi ko at umupo sa tabi niya
"Kamusta naman tulog mo? Nakatulog ka ba?" tanong niya na may pagaalala
"Medyo ayos lang naman" sabi ko
"Nako buti naman wala yun noh magkaibigan naman tayo kaya normal lang yun" sabi niya
"Salamat talaga Mika" sabi ko
Habang nagkwekwentuhan ay kumakain kami
"So ano palang balak mo niyan?" tanong ni Mika
"May pupuntahan muna ko tapos didiretso na ko sa Resta Julia" sabi ko
"Hmm... Hahanapin mo ba si Alexa?" tanong niya
Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kanya.
"Kung mahahanap ko siya" sabi ko
"Okay sana nga mahanap mo siya kasi tignan mo yung mata mo oh namamaga na kakaiyak" sabi ni Mika
"Talaga?!" tanong ko at tinakpan yung mata ko narinig ko namang tumawa si Mika
"Ano ka ba Nash huwag mo na ngang takpan para kang bata diyan hahaha" sambit ni Mika
Inalis ko naman agad yung mga kamay ko...
"Psh.. Kumain na nga tayo! Mabuti pa samahan mo na lang ako sa paghahanap sa kanya okay?" tanong ko
"Okay!" sabi niya
Pagkatapos namin kumain ay tumungo kami sa hotel na tinutuluyan namin dati.
Nagtanong ako kung nakacheckin pa sina Alexa doon pero hindi na daw.. Aalis na sana kami noon ng bigla akong tawagin nung babae may ibibigay daw siya sa akin nagtaka naman ako kung ano yun.
"Sir Nash sa inyo po ba tong cellphone na to? Nakita po kasi namin sa cabinet ng kwarto niyo" sabi nung babae at inabot yung cellphone
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko naiwan ko pala ang cellphone ko sa hotel na tinutuluyan namin ang tanga ko talaga.
"Oo akin nga yan salamat" sabi ko at agad na kinuha
yung cellphone ko
Lumabas na kami sa hotel sinubukan kong tawagan si Alexa pero cannot be reach na ito tinry ko pa rin to ng maraming times pero nabigo ako cannot be reach pa rin siya.
Napaupo ako sa sobrang inis sa sarili ko tska ko nasabunutan ang buhok ko.
"Tama na Nash huwag mo masyadong sisihin ang sarili mo" sabi ni Mika
"Ang tanga ko naman kasi eh diyan ko lang pala naiwan ang cellphone ko nakakainis kung sanang nahanap ko agad ang cellphone ko di sana nagkaayos pa kami ni Alexa" sabi ko
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Fiksi RemajaStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))