Alexa's POV
Kasalukuyan akong kumakain ng almusal ng biglang dumating si John asahan ko na na lagi namang maaga tong lalakeng to.
"GoodMorning Taba" sabi niya sabay upo sa tabi ko
"Kumain ka na ba?" tanong ko
"Yep dami ko nga nakain eh antagal mo naman kumain" sabi niya
Nagroll eyes lang ako bigla naman nagvibrate phone ko may message kaya binasa ko
From:NashMyLoves<3
GoodMorning Alx ! :) Sunduin kita ngayon wait mo ko parating na si Spiderman :)
Napangiti naman ako sa text niya.. Pero pano niyan andito na si John baka mamaya magaway pa tong dalawa hay bahala na nga.
"Tapos ka na?" Tanong ni John ng mapansing nagaayos na ko
"Oo tara na" sabi ko
Lumabas na kami.. Bakit wala pa si Nash antagal naman niya tapos sasabihin niya di ko siya hinihintay.
"Sakay na Taba" sabi ni John
Tumango lang ako
Nakasakay na kami sa motor inistart na ni John yung motor niya kaso di siya nagiistart sira ata..
"Ano ba yan wrong timing naman to!" sabi ni John sabay kamot sa ulo
Kaya naisipan ko munang bumaba habang si John inaayos niya yung motor niya sakto naman na may bumusina sa amin..
Alam ko si Nash to kaya nung bumaba siya tama nga hinala ko ngitingiti pa siya.
"Ayan pasundosundo kasi hindi naman chinecheck kung maayos ba o hindi" sabi ni Nash sabay akbay sa akin
Tinignan ko naman siya di ko siya magets kakarating lang niya tapos siya pa nasa mood mangasar ngayon.
"GoodMorning Alexa My Loves" sabi ni Nash sabay kindat sa akin
Naramdaman ko naman na parang namula yung mukha ko sa pagpapacute niya.
"Hindi ko naman asahan na masisira tong motor ko" sabi ni John at lumapit na sa amin kanina kasi andoon siya sa may motor niya kaya ngayon kaharap na namin siya
Bigla naman napatingin si John sa amin ni Nash napatingin naman ako sa kamay ni Nash na nakaakbay sa akin tapos tinignan ko siya nilakihan lang niya ko ng mata.
"Kamay mo" sabi ko
"Tsk" sabi niya sabay tanggal nito
"Paano ba iyan ako na maghahatid kay Alexa eh wala naman palang silbi yang motor mo" sabi ni Nash
Mukha naman nainis si John sa inasta ni Nash pero mas pinili na lang niyang manahimik.
"Sabay ka na lang sa amin John pakuha mo na lang yung motor mo" sabi ko
Alam kong nagulat si Nash sa sinabi ko.
"Okay lang ba sa iyo Tol?" tanong ni John
Di sumasagot si Nash kaya siniko ko.
"Sige okay lang" sabi niya at akmang sasakay na sa kotse niya
Pagbubuksan na sana ako ng pinto ni John sa may passenger seat ng biglang umangal si Nash..
"Sinong nagsabing diyan sasakay si Alexa? Huwag niyo kong gawing driver" sabi nito sabay bukas ng pinto sa may shot gun seat
OMG! Wala na naman sa mood ang Lolo niyo..
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Teen FictionStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))