NASH POV
Malapit na yung Acquiantance Party 2 days na lang ;)) Binili na ako nila Mommy at Daddy ng pwede kong suotin nagustuhan ko naman yung binili nila sa akin kaya ayos na yun.
Pagkatapos ko kumain ng breakfast ay naligo at nagbihis na ako kung nagtataka kayo kung bakit wala lagi mga parents ko nakabili na sila ng bagong Condo unit malapit sa pinagtatrabahuhan nilang company kaya every weekends lang sila umuuwi dito.
Pagkatapos ko magbihis ay kinuha ko yung cellphone ko at tinext yung taong pinakamamahal ko.
To: AlexaMyLoves<3
Hello GoodMorning Babe ! :) Nakakain ka na ba ng breakfast Otw na ko diyan Ingat Labyou :*
Message sent..
Alam kong korny pero ayos lang inlove ako eh haha.. Bakit kaya di siya sumasagot.
Kinuha ko na yung susi ng kotse sa drawer ko tsaka dumeretso na pababa.
Nang malapit na ko kela Alexa sinubukan ko siyang tawagan but cannot be reach siya ano kayang nangyari doon..
After how many minutes nakarating na ko sa kanila nagdoorbell ako hanggang sa lumabas yung katulong nila.
"Magandang Umaga po nandyan po ba si Alexa?" tanong ko
"Opo Sir pasok po kayo kanina pa po di bumababa yung si Mam Alexa kanina pa po namin siya kinakatok baka po masama ang pakiramdam" sabi ng Katulong sa akin ng makapasok na kami sa bahay nila
Dati Rati kasi pag susunduin ko yung babaeng yun nadadatnan ko siyang kumakain o di kaya nakaupo na sa sala pero ngayon ni anino niya di ko makita ano kayang nangyari doon.
"Pwede ko ba siyang puntahan san ba banda yung kwarto niya dito?" tanong ko
"Pwedengpwede po sir eh di naman kayo iba kay Mam diba? Yung pong pangalawang kwarto sa 2nd floor kay Mam Alexa po yun" sabi ni Manang
"Sige salamat po" sabi ko
Umakyat na ko sa 2nd floor hinanap ko yung pangalawang kwarto. Kumatok ako..
Walang sumasagot nilapit ko yung tenga ko sa pinto parang walang tao napakatahimik. Kumatok ulit ako..
This time sinubukan ko ng buksan ang pinto at bumungad nga sa akin yung kwarto ni Alexa nakita ko kasi yung isang malaking picture niya na nakadikit sa pader.
Hinanap ko kung nasaan siya at ayun nakita ko siya sa kama niya na balot na balot sa kumot niya.
Agad ko siyang nilapitan..
"Alexa" tawag ko at tinapik siya ng mahina sa may balikat niya
"Alexa . Alexa . Ui . Alexa." tawag ko sa kanya
"Hmm.. " sagot niya at tinanggal yung kumot na nakabalot sa mukha niya.
Katanggal niya ng kumot sa mukha niya ayun nakita ko yung matamlay niyang mukha bahagya lang nakadilat yung mata niya ramdam ko na masama talaga yung pakiramdam niya kinapa ko yung leeg niya at positive ang init niya.
"Diyan ka lang ah kukuha ako ng malamig na tubig at bimpo para hilamusan ka" sabi ko tsaka umalis
Humingi ako kay Manang ng malamig na tubig at bimpo pagkatapos ay pumunta na ko sa kwarto ni Alexa.
Sinimulan ko ng pigain yung bimpo na binabad sa malamig na tubig.
"Ano bang nangyari sa iyo ha? At nilalagnat ka ng ganyan kaya pala hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko sa iyo masama na pala ang pakiramdam mo" sabi ko at sinimulan ng punasan yung mukha niya hindi naging madali sa akin to dahil medyo awkward at first time kong gawin sa kanya to.
BINABASA MO ANG
Meant To Be (NLex Story)
Teen FictionStorya ng dalawang taong pinaghiwalay ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo muli sila :)))