Chapter 39

3.6K 92 21
                                    

JEAN'S POV

"Mukhang successful yung plano natin kahapon Girls" sabi ni Marz

"Successful talaga kitangkita naman natin sa mga mata nila na may spark pa talaga means may nararamdaman pa sila sa isa'tisa" dagdag ni Yuri

"Mission 1 accomplish! Yung 2nd mission natin dapat magawa mamaya okay?" sabi ko

"Paano pag nahalata nila na pinagkakaisahan natin sila?" tanong ni Marz

"Edi mahalata nila haha.. Tsaka etong mission na to parang test na din natin sa kanila kung talagang mahal pa rin talaga nila ang isa'tisa kahit na may John at Mika na sila" sabi ko

"Ang talino mo talaga Jean! Tsaka di niyo ba napansin kahapon nagpapalitan lang sila ng tingin pag si Nash busy kay Mika nakatingin naman si Alexa tapos pag si Alexa naman Busy kay John si Nash naman ang nakatingin" sabi ni Yuri

"Pansin ko din iyon pero wag muna nating sabihin kay Alexa kung ano man yung alam at mga balak natin basta sa mission na to malalaman natin kung may feelings pa din sila sa isa'tisa" sabi ko

"Ayos ! Apir tayo diyan" sabi ni Yuri at nagapir naman kaming tatlo

Andito kami sa may Coffee Shop ngayon pumunta talaga kami ng maaga dito para makapagusap tungkol sa Mission namin. Tama kayo pinagplanuhan naming 3 yung Dare Kiss kagabi sinuggest namin kay Kobi yun bago kami magstart kitangkita naman namin sa dalawa na may hard feelings pa rin sila.

1st Mission Accomplish Abangan niyo mamaya yung 2nd Mission..

Wala namang masama sa ginagawa namin We want to make things clear gusto namin malaman at malaman nila Nash at Alexa kung ano ba talaga sila sa isa'tisa kung may nararamdaman pa ba sila o wala na talaga sa nakita namin kagabi I think meron pa.

Pasensya na muna kela John at Mika makaNLEX talaga kami kahit na todo support kami kay John nung mga panahon na nanliligaw siya mas nakikita pa rin talaga naming masaya si Alexa kapag si Nash ang kasama kaibigan namin siya kaya normal lang sa amin na tulungan siya.

"So Goodluck sa atin mamaya?" sabi ko

"Goodluck" sabi nila Marz at Yuri

It's Showtime.. Mission #2 :))


ALEXA'S POV

Medyo puyat ako ngayon tapos gumising pa ako ng maaga para magreview sa Physics may Chapter Test kasi kami doon.

Di kasi ako pinatulog nung kiss ni Nash eh! Ay! oo na nadulas na rin ako bakit naman kasi kahit dare lang yun ay parang napakaimportante niya sa akin ay ewan hindi ko alam!

Pagkatapos ko magreview ay naligo at nagbihis na ko pagkatapos ay kumain na ko..

Nagpahatid lang ako sa Driver namin kasi di rin ako masusundo ni John kasi nga yung dare diba.

After how many minutes nakarating na kami sa school..

Inaantok pa rin talaga ako 12am na ata ako nakatulog kagabi tapos 4am gumising ako... >_<

Dumeretso na kami sa room magrereview pa kasi tong kasama ko...

"Ui Girl!" tawag sa akin ni Yuri

"Oh? Bakit?" tanong ko

"Samahan mo naman ako" sabi nito

"Ikaw na lang inaantok pa ko" sabi ko at humikab

Meant To Be (NLex Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon