Chapter Two

4K 48 5
                                    

Tss! Kung may award lang sana ang pagiging maldita ko siguro ako ang nasa rank 1 sa buong Pilipinas. Siguro ang dami ko ng fans ngayon. Hehe.

Aside from being a maldita. Isa rin akong topnotcher sa school. Syempre hindi puro kamalditahan girl ang pinapairal dapat balance lang. Studies pa rin kasi ang demand ngayon.

Aanhin mo naman ang pagiging maldita mo kung bobita ka. Useless din.

Dahan-dahan kung idinilat ang aking magagandang mga mata. Hindi ko man nakikita ang aking mukha pero alam kong sobrang ganda ko.

Woke-up like this! No filter! No make-up! Just me! Only me.

Napangiti na lang ako out of nowhere pero naging evil naman agad ako dahil sa pagtaas ng aking kilay. Napairap pa nga ako sa hangin sabay bangon ko at kinuha ang robe na nasa gilid ng bed ko.

Tuloy-tuloy akong bumaba ng hagdan upang mag-exercise. Daily routine ko na kasi ang mag yoga pag umaga. Gusto kong marelax kahit paano. Gusto kong gumaan ang pakiramdam ko bago ako maging demonyita sa paningin nila. Dere-deretso akong bumaba at naglakad patungo sa likod ng bahay kung saan makikita ang malaking pool. Ang paboritong lugar ko sa parte ng bahay.

Nakakapag-isip kasi ako ng maayos at nagiging kalmado gaya ng tubig sa pool. Kahit paano naiibsan ang lungkot at pangungulila ko sa kanila. Lalo na kay Mommy.

Hays. Hindi ito oras para magdrama ako!

Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ng makasalubong ko si Alice.

Si Alice yung isa sa mga maid ng mansyon. Ewan ko ba sa babaeng 'to at ang sarap sampolan lagi.

Sino ba naman kasi ang hindi maiirita sa get up niya. Kulot ang buhok na may malaking salamin sa mukha niya. Yung ngipin niyang nakakairitang tingnan. And the heck! Yung fashion taste niyang hindi ko maintindihan. Idagdag pa ang pagiging slow niya. Sobrang ang sarap niyang tiklupin at itapon sa Mars. Tutal pwede ng tirahan ng tao dun.

In short nakakainis siya!

Ewan ko ba naman sa parents kong bakit si Alice pa ang iniwan sa akin. Isama ko daw si Alice sa mga lakad ko. Hello! Kadiri kaya.

"Good morning Ms. Lala. " nakabungisngis na sabi niya sa akin. Like Duh! Inirapan ko siya ng tingin na kulang na lang kainin ko siya ng buhay.

"Witch! Bigyan mo ko ng isang dahilan kung bakit good ang morning?! " pagtataray ko.

Bigla naman siyang nagulat na parang timang sabay kamot niya sa ulo niya. Tss! Mannerism na nga siguro niya ang pagkamot sa ulo niya tuwing kinakausap ko.

Nagulat sya sa sinabi ko , ayan na naman sya sa kamot factor na yan , hilig nya na kasi ang mag kamot pag kausap ako

"Kayo po Ms. Lala. Hehe. "

"Sige na umalis ka na sa harapan ko. Naaalibadbaran ako sa mukha mo. Baka masira pa ang mood ko ng dahil sayo. " pagtataboy ko sa kanya.

"Aalis po ako?? " parang tanga niyang sabi na parang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

"Siguro naman hindi ka bingi!? "  pinanlakihan ko siya ng mata na kulang na lang kainin ko siya ng buhay.

"Sige po. "

Inirapan ko muna siya bago ako humakbang palayo sa kanya pero nakakailang hakbang pa lang ako ng tawagin ko uli siya.

"Alice, dalhan mo naman ako ng breakfast sa may pool area. " utos ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako na parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon