Hindi ko alam kung bakit lagi ko syang iniisip , alam mo yun,yung bang matutulog na lang ako maiisip ko pa sya , ewan ko ba kung bakit naguguluhan ako ngayun , hindi naman ako ganito dati pero anung nangyare sa kin ngayun , at lagi ko syang naiisip , ganun na ba ako ka desperate kay Dustin ??
Anu bang nangyayare sa kin ?? Diba isa akong maldita pero anu tong nararamdaman ko ngayun bakit parang hindi ko nagagampanan ang pagiging maldita ko ?? Hindi naman ako ganito dati , pero bakit ganito ako wala akong bukang bibig kung hindi sya lang hayss may sakit ba ako ??
Nag lalakad ako ngayun papunta kung san naka paskil ang result ng exam , as usual tinginan na naman sila sa kin , hindi ko alam pero parang kinakabahan ako ngayun , hayss hindi naman ako nanunuod ng mga dramatic movie pero bakit ganito ako .
Nakarating ako kung san naka paskil yung result ng exam , sya agad ang hinanap ng mata ko , sino pa ba syempre sya , haysss tumingin sya sa kin at ngumiti sya sa kin , habang ako ngumiti na lang ako kasi naman ikaw ba naman tingnan ng isang gwapong nilalang kung hindi laglag ang panty , leecheee anu ba tong iniisip ko , inayus ko yung sarili ko at nag lakad ako palapit kung san nakalagay ang ang result ng exam .
"Excuse me " sabi ko sa mga mukhang palaka agad naman silang umiwas at inirapan ko lang sila .
Hindi naman nakapag tataka ako lang naman ang nakakuha ng mataas na marka at sya lang naman ang sumunod sa kin .
"Ang galing mo naman lala " sabi nung mukhang ewan
Tiningnan ko sya at ngumiti ako ng nakakaluka , tssss sabi ko naman da inyu walang pwedeng pumalit sa pwesto ko , tumingin ako sa deriksyun ni Dustin pero hindi ko sya nakita dahil umalis na pala sya kaya naman hinabol ko sya , ewan ko ba kung bakit ganito ang naramdaman ko , pakiramdam ko hindi ako masaya sa naging resulta ng exam .
Habang nakasunod ako sa kanya pinag mamasdan ko lang sya , hayss bat ko ba to ginagawa ??
"Congratulations " mahina kong sabi pero hindi sya sumagot sa kin , nakasunod pa rin ako sa kanya " Bat parang disappointed ka ?? " sabi ko
Bumuntong hininga sya at tumingin ng deretsu .
"You did it " Dustin
"Yah I did it " confident kong sabi
"Are you happy ?? " Dustin
"What did you say ?? " sabi ko
Tsss anu ba tong pinag sasabi nya , tumigil sya sa pag lalakad at tumingin sa kin kaya naman napaatras ako .
"I said are you happy now ?? If I'm not mistaken, hindi ka masaya , kasi popularity lang naman ang habol mo , at yun ang isang bagay na gusto mo , in other words mayabang ka " Dustin
"Anu bang pinag sasabi mo ?? " sabi ko
"Kung talagang matalino ka , hindi mo kailangan ipagyabang na matalino ka , mas maganda pa rin yung simple lang " Dustin
Iniwas nya yung tingin nya sa kin pero ako nakatingin lang sa kanya .
"Bakit ka ba ganyan sa kin ?? " sabi ko
"Dahil ayuko sa lahat , yung mga taong mayabang at hindi alam ang salitang contentment " Dustin
Nag katinginan kami kaya hindi ko alam kung anung gagawin ko , hindi ako makagalaw ng maayus .
"Ganun ba ang tingin mo sa kin ?? " sabi ko
Tiningnan nya ko ng malalim habang ako nakatingin lang sa kanya
"Oo " Dustin
"So anung gusto mong gawin ko ?? " sabi ko
"Hindi mo dapat ako tinatanung ng ganyan, try to be yourself , hindi mo kailangan magtago sa ibang katauhan " Dustin
Hindi ako makagalaw , tiningnan ko lang sya habang papalayo sa kin , bakit ba ako ganito ngayun ?? Bakit ba ako affected sa tuwing sinasabihan nya ko ? Bakit ganun na lang ang gusto ko na mapalapit sa kanya ?? Hayss naguguluhan na ko .
Habang nasa sasakyan ako hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi nya , hindi ko alam pero lahat ng mga sinabi nya unti unting nag flashback sa kin , masyado naman akong affected hindi naman ako ganito pero bakit parang tama sya sa lahat ng sinasabi nya hindi kaya hindi ko na kaya na mag maldita ??
Pinark ko yung sasakyan sa labas ng gate dahil parang may familiar na sasakyan ang nasa loob ng bahay , ang lakas ng kaba ko habang nag lalakad papasok ng gate , napapaisip ako kung anung ginagawa nila dito , habang nag lalakad ako palapit sa kanila. Unti unti ko na namang naaalala yung mga ginawa nila sa kin , yung iniwan nila ako mag isa sa bahay na to ..
"Mommy ?? Dad ?? " sabi ko
Lumingon sila sa kin habang ako hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko
" Hindi mo man lang ba kami yayakapin ?? " Dad
Lumapit ako sa kanila at niyakap ko sila , ngayun ko lang ulit sila nayakap ng ganito
"Anu pong ginagawa nyu dito ?? " sabi ko
"Ayaw mo ba na makita kami ng dad mo ?? " Mommy
"Oo nga naman Lala " Lumingon ako sa nag salita at nakita ko na naman ang magaling kong kapatid.
"Hindi lang kasi ako makapaniwala na andito kayu , anu bang meron ?? " sabi ko
Nakatingin lang ako sa kanila habang pinag mamasdan ko lang sila.
"Ang totoo nyan anak , gusto lang namin na makasama ka sa birthday mo , ito kasing ate mo may surprise sa min kaya napauwi kami ng mom mo " Dad
Tumingin ako kay Lovely
"Surprise ?? " sabi ko
"Yes my dear sister , wag kang mag alala magugustuhan to nila Daddy at Mommy at pati na rin ikaw. Oopss hindi ka ba masaya na nandito sila ?? Diba ito naman ang gusto mo " Lovely
Hindi ko alam kung anung surprise ang sinasabi nya , hindi ako sanay ng ganito and beside nagulat ako ng makita sila Mom and Dad , sa sobrang dami ng iniisip ko ngayun pati birthday ko nakalimutan ko na ..
Pumasok na kami sa loob at tinawag ko si Alice
"Alice ?? " tawag ko
"Wala na si Alice " Lovely
"Anung wala na ?? " sabi ko
"Pinaalis ko na sya , at bumalik na lang sya sa birthday mo , don't worry may mga bagung maid ako para sayo " Lovely
Gusto ko sanang sagutin sya pero wala akong lakas ng loob lalo na ngayun nandito sila Mama hindi ako pwedeng mag maldita dahil alam ko ako na naman ang mali , paano ba naman si Lovely ang paborito nila at anu ang laban ko .
Hindi ko alam kung paano ako gagalaw lalo na ngayun ang daming nakatingin sa kin dagdag pa yung mga bagu kong maid. Bakit ba kasi hindi man lang nag paalam sa kin si Alice akala ko ba hindi na nya uulitin kung anung ginawa nya sa kin noon , hayss naiinis ako pakiramdam ko wala na naman akong kakampi ngayun , pare pareho lang sila .
Habang nakahiga ako ang daming gumugulo sa kin , mga tanung na hindi ko alam kung anung sagot basta naiinis ako sa sarili ko , ang hirap intindihin. Ganito na ba ako kasama dahil lahat sila iniiwan ako ?? Tingnan nyu wala man lang akong tutuong kaibigan , hindi nila ko naiintindihan tsss nakakainis .
BINABASA MO ANG
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romantik"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...