Kakaluka! Wag niyo ng alamin kong ano ang nangyare , kasi naman eh, well ang totoo talaga sinamahan niya lang naman ako hanggang sa bumalik ang ilaw at tumila ang ulan, nag kwentuhan lang kami ng kong ano anong kadramahan sa buhay , kasi naman , ayuko naman na umalis siya agad kasi malakas ang ulan at isa pa nawalan pa ng kuryente kaya yun mag kasama kami buong magdamag, wag kayong mag alala hindi ko sinuko ang Bataan.
Ganon pa rin back to reality , paikot na naman ang buhay but then again super sweet parin namin sa isat isa , yun lang nararamdaman ko ngayon , masaya dahil lagi syang nandyan kong san ko siya kailangan , masasabi ko na talaga that his the one for me ,at lahat gagawin ko to make him happy.
Wala pa rin akong balita kong nasaan na yung magaling kong kapatid , mag iisang buwan na pero hindi pa rin kami nag kikita at nag kakausap even sila Mom and Dad , wala pa rin silang balita kong nasan si Lovely , kaya nga nagiguilt ako , gusto ko ng syang makita at makipag ayos sa kanya , dahil baka kong mapano pa ang buhay niya .
Kahit ganon yun , naramdaman ko naman kong gaano siya ka concern sa kin lalo na yung time na siya pa si Alice , lagi niya kong pinaaalalahanan kong ano ang dapat kong gawin pero hindi ko siya pinakinggan , at ngayon alam ko na kailangan niya ko kaya nga gusto ko na syang makita pero hindi ko alam kong san ko siya hahanapin kasi wala naman syang friend dito sa Pilipinas kaya hindi ko alam kong san ko siya hahanapin.
Dali dali akong lumabas ng kwarto dahil aalis ako ngayon , gusto ko syang puntahan kong san yung condo niya , mag babasakali lang kong andun pa siya ngayon. Habang bumababa ako ng hagdan unti unti kong nararamdaman na nahihilo ako , bigla na lang sumakit ang ulo ko , hindi ko alam kong bakit , parang umiikot ang buong paligid ko huminto ako at kinalma ko ang sarili ko hanggang sa naramdaman ko na okay na ko, kaya naman inayos ko yung sarili ko at lumabas na ko ng bahay , hindi ko alam kong bakit bigla na lang sumakit ang ulo ko baka masyado lang akong stress.
Nasa sasakyan na ko at nag mamaneho, sana lang makita ko si Ate , sana handa na syang kausapin ako kasi ako handa na ko na mapatawad siya .
Biglang tumunog yung phone ko kaya nilagay ko yung headset sa tenga ko at sinagot ko yung call.
Phone Conversation :
"Yes Dustin ?? " sabi ko
"San ka ?? " Dustin
"I'm on the road right now " sabi ko
"May pupuntahan ka ?? Bat hindi mo sinabi ?? Gusto mo puntahan kita ?? " Dustin
" Naku wag na , okay lang ako kaya ko na to , kaya wag kang mag alala okay ?? " sabi ko
Narinig ko na parang inuubo siya .
"Are you okay ?? " sabi ko
"Yah I'm okay , mawawala din to " Dustin
"Gusto mo daanan kita dyan after kong dito " sabi ko
"Wag na , I know naman pagod ka , wag kang mag papagabi , okay , mag iingat ka " Dustin
Ngumiti ako dahil sa sobrang concern niya sa kin.
"Thank you , kasi concern ka sa kin " sabi ko
"Of course kahit naman siguro sinong boyfriend gagawin din kong ano ang ginagawa ko " Dustin
BINABASA MO ANG
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...