I realize na naging masyado akong naging makasarili at hindi ko nakikita kung anu ang mali na sa tingin ko ay tama , hindi ko lahat nakita dahil akala ko ako ang nasa tama pero hindi pala , madami akong natapakang tao , madami akong nasaktan dahil pinairal ko ang kamalditahan ko, tama nga sila hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko dahil unang una ako lang ang nakakakilala sa sarili ko .
But then again, masaya ako dahil finally okay na ulit kami ng parents ko , kahit na malaki ang kasalanan ko sa kanila , alam ko darating ang araw at magiging okay din ang lagat lalong lalo na sa min ng nakapatid ko kasi to be honest hindi pa kami nag kakaharap at nag kakausap siguro hindi pa sya handa na kausapin ako, alam ko na darating ang araw at magiging okay din ang lahat , at hihintayin ko ang araw na yun .
Ganun nga siguro ang buhay ng isang tao , akala natin kaya natin mabuhay ng mag isa pero hindi pala , hindi pala natin kaya ang mabuhay ng mag isa dahil yung mga taong importante sa tin sila yung mas kailangan natin , gusto ko lang sabihin sa mga member ng fans club ko na wag na wag nyung gagamitin sa masama ang pagiging maldita, sana maintindihan nyu ko.
Back to reality, nag lalakad ako ngayun papunta sa klase ko , kalat na pala kung anung nangyare sa birthday ko kaya ako na naman ang usap usapan nila , hindi ko na lang sila pinansin at hindi na rin ako nag maldita para ngang naninibagu ako eh , hindi ako sanay ng ganito , para akong weird.
Binilisan ko yung pag lalakad ko dahil as usual malilate na ko kasi naman hanggang ngayun hindi pa rin ako nasanay na lagi naman akong ganito , hayss, binilisan ko pa ang pag lalakad ko dahil unang una sa akin na naman nakatingin ang mga inggetera na akala mo nakakatuwa silang tingnan tsss sa sobrang pag mamadali ko kaya naman ..
Booogggsssshhh
May nabunggo ako at nagulat ako dahil malamig yung naramdaman ko sa tyan ko at dahan dahan akong tumingin sa kanila.
"Look what you did !!" Sabi ko
"So - sorry miss , hindi ko sinasadya " sabi nung girl na feeling maganda sa jowa nya
"Sorry ?? Anung sorry?? Hindi mo ba ako kilala , tingnan mo nga tong ginawa mo , tingnan mo , hindi mo ba alam na mas mahal pa to dyan sa iniinum mo " pag tataray ko
Akala nya ba papalampasin ko ang ginawa nya sa kin tsss tiningnan ko sila ng masama mukha silang hipon
"Sorry na nga diba , nakakaintindi ka naman siguro ng sorry " sabi nung girl
"Wow ha , ang lakas naman ng loob mo na pag sabihan ako ng ganyan " kinuha ko yung coffee na hawak hawak nya at binuhos ko sa kanya , tama lang sa kanya yan
"Ayan patas na tayu " sabi ko
"Nag sorry na sya diba pero anung ginawa mo ha " sabi nung boyfriend nyang hipon
"Wow uso na pala ang nag sasalitang hipon ngayun , tinatanung mo kung anung ginawa ko ?? Bulag ka ba ?? Nakita mo naman siguro kung anung ginawa ko " pag tataray ko
"Ang yabang mo ah " yung hipon
Bigla nya akong tinulak kaya napaatras ako dahil sa ginawa nya buti na lang talaga hindi ako natumba.
"Bading ka ba ha !! " sabi ko
"Bagay lang yan sayu , ang yabang mo kasi " yung hipon
Kaya naman lumapit ako sa kanila , hindi ako papayag na basta ganituhin nya lang ako.
"Ah ganun " hinila ko yung buhok ng babae at agad ko ding binitawan , nakatingin ako sa kanila at ang sama ng tingin nila sa kin hanggang sa hahampasin ako ng hipon kaya naman napapikit ako dahil alam ko na malakas ang gagawing sampal nya .
Unti unti akong dumilat at nagulat ako ng makita sya , ng makita ko si Dustin na hawak hawak yung kamay nung hipon.
"Hindi sinasaktan ang babae " Dustin
Lumingon yung hipon kay Dustin at
"Sino ka ba ha ?? Bat ka ba nakikialam ?? Syuta ka ba nya " sabi nung hipon
"Oo bakit , papalag ka ?? " Dustin
Nagulat ako sa sinabi ni Dustin kaya naman hindi ko alam kung anung gagawin ko
"Ang yabang mo ah , ito sayu "
Booogg
Sinuntok nya bigla si Dustin kaya hindi nakailag si Dustin , madaya tong hipon na to eh , nag susuntukan sila, natamaan ni Dustin yung hipon sa mukha at agad namang nakabawi si hipon kaya pareho na silang may tama habang ako hindi ko alam kung anung gagawin ko , kasi naman first time kong maka encounter ng ganitong eksena , hindi ako sanay ng ganito kasi naman ,haysss anu bang gagawin ko .
Binalik ko yung tingin sa kanila , hindi pa rin sila tumitigil sa pag suntukan hayss anu ba to .
"Tama na yan , tama na yan " sabi nung babae
"Dustin , tama na yan , yung face mo " sabi ko
Kakaluka , hindi bagay kay Dustin na maraming galos ang mukha. Maya maya na pansin ko na may umaawat na sa kanila
"Anu ha ! , yabang mo ! " sabi nung hipon
"Eh sira ka pala eh " Dustin
Agad akong lumapit kay Dustin at para akong tanga na hindi mag kandarapa sa kanya , tiningnan ko kaagad kung may galos sya .
"Are you okay ?? " sabi ko
Tiningnan nya lang ako pero agad nya ding iniwas.
Hayss kasalanan ko kung bakit nangyare to sa kanya , kasi naman eh. Hindi ko naman sinabi na sagipin nya ko ng bonggang bongga pero natutuwa ako dahil ito ang unang beses na may nag ligtas sa kin , hindi ko naman kasi pinangarap na maging isang Cinderella at may isang price charming na sasagip sa kin , kasi alam nyu naman na kaya kong protektahan ang sarili ko. Pero yung nakita ko sya kanina, yung expression ng mukha nya na pinagtatanggol ako hindi ko alam pero ang bilis ng tibok ng puso ko , yung bang hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag basta naramdaman ko na lang yung bagay na yun.
Nasa loob kami ng sasakyan hayss paano ko ba sa inyu ipapaliwanag ang lahat kasi naman eh hindi ako sanay ng ganito .
Gulp
Gulp
Napapalunok na lang ako dahil pinupunasan ko yung sugat nya sa gilid ng labi nya kasalanan ko to , mukha tuloy akong nurse nya .
"Sorry ha pati ikaw nadamay , dapat hindi mo na lang ako tinulungan " sabi ko
"Bat ba galit na galit sayu yung hipon " Dustin
"Kasi naman, tingnan mo naman kung anung nangyare sa damit ko " sabi ko
Tiningnan nya yung damit ko saka iniwas nya yung tingin sa kin.
Sa tuwing lumalapat yung kamay ko sa mukha nya hindi ko mapigilang kabahan paano ba naman kasi ang lambot ng mukha nya at ito ang unang beses na nakahawak ako ng mukha ng isang lalake , buti na lang talaga hindi nya alam kung anung nasa isip ko.
"Ouch " Dustin
"Sorry " sabi ko
Mukhang napalakas yung pag diin ko kasi naman kung anu anu yung pumapasok sa isip ko .
"Okay na " sabi ko
Tapos ko ng gamutin yung mga sugat nya , kawawa naman ang mukha nya , masisira pa ng dahil sa hipon na yun, tumingin kami ng deretsu , tahimik lang kami parang ang awkward nga eh tssss
"Yung sinabi ko kanina, wag mong seryusuhin " Dustin
"Yung alin ?? Yung sinabi mong syuta mo ko ?? " sabi ko
Sabay kami napatingin sa isat isa at bigla na naman tumibok ang puso ko kaya agad kong iniwas yung tingin sa kanya.
"Oo naman , asa ka pa " sabi ko
Bumuntong hininga na lang ako , ayukong ipahalata sa kanya na gusto ko sya , na masaya ako pag kasama ko sya , na sya lang ang dahilan kung bakit ako unti unting nag babagu para sa kanya , dahil sya lang ang nag papalakas ng loob ko .
BINABASA MO ANG
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Storie d'amore"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...