Masyado ba akong mabilis ?? O masyado syang mabilis ?? Kasi naman eh hindi ko alam kong anong estado naming dalawa basta pag tumitingin siya sa kin napapangiti na lang kami pareho kasi naman eh ganito ba pag inspired ??
Papunta kami ngayon sa bar ni Lora asensado na pala siya pati dito sa resort na to nakapag patayo na siya ng resort.
"Ang ganda ng suot mo Lala ah " Gary
"Halatang pinag handaan " Raffy
"Hoy kayu talaga , wala lang akong masuot kayo talaga " sabi ko
Actually ang suot ko ngayong gabi , naka swimming attire ako basta alam niyo na yun baka pag sinabi ko pa hindi niyo ko paniwalaan.
Mag kasabay kaming nag lalakad papunta sa may bar , ang ingay ingay nitong dalawa , habang nag lalakad kami iniisip ko yung picture naming dalawa ni Dustin , kasi naman hindi pa rin ako maka move on, ang cute kasi naming tingnan, kaya nga napapangiti na lang ako ng hindi nila alam .
"Are you okay ?? Kanina ka pa nakangiti " Dustin
"For sure may iniisip na naman yan si Lala , ayieh " Raffy
Hinampas ko si Raffy sa balikat .
"Kaw talaga , masama na bang ngumiti " sabi ko
Kasi naman eh , napapangiti na lang ako dahil sa picture na yun .
Nasa loob na kami ng bar as usual tinginan na naman sila sa kin , ganon ba talaga sila hanggang dito humahalimuyak ang ganda ko ?? Kakaluka syempre hindi ko sila pinansin alangan naman na mag pa cute ako sa kanila tsss
Umupo na kami sa table namin katabi ko si Dustin , habang yung dalawa sa harap sila ng upuan namin. Ang dami namang tao ngayun hindi ko alam kong anong meron , daming customer ni Lora ah.
"Thanks for coming my devil friend " Lora
Tumingin ako sa kanya at nagulat ako sa suot niya , ayaw nyang mag swimsuit sa lagay na yan .
"Ayaw mo mag pink " sabi ko
"Naman , Hehe anyway ang saya ko dahil pumunta ka " Lora
"Oo naman , did you miss me ?? " biro ko
Tiningnan niya ko ng malalim saka niya ko inirapan , tumingin siya sa mga boys na kasama ko.
"Hindi mo ba ko ipapakilala sa mga kasama mo ?? " binalik niya yung tingin sa kin habang ginagalaw niya yung kilay niya , binalik niya ang tingin sa kanila .
"Hi I'm Lora , Lala's Friend , you are ?? "
"Gary " Gary
"Raffy " Raffy
"And you Mr. Handsome " Lora
"Dustin " Dustin
"Wait. Narinig ko na yang pangalan mo , wait " tumingin si Lora sa kin " Oh my gosh , siya ba yung sinasabi mong crush mo ?? OMG " Lora
Tiningnan ko si Lora yung tingin na tumahimik ka ganon na ganon ang tingin ko sa kanya .
"I'm just kidding kayu naman masyadong seryuso , so let's party " Lora
Tumingin ako kay Dustin , nagulat ako dahil nakatingin pala siya sa kin kaya iniwas ko agad nakakahiya naman kasi baka seryusuhin ni Dustin yung sinabi ko .
Umupo na ko sa tabi ko habang si Lora dun sa dalawa tumabi , tinawag niya yung waiter .
"Wanna dance with me ?? " Gary
"Later " Lora
Pinag mamasdan ko lang sila kasi si Dustin masyadong tahimik kaya hindi na lang ako nag sasalita.
BINABASA MO ANG
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...