Chapter Thirty-Seven

872 15 0
                                    

Hindi pa rin ako maka get over sa mga sinabi niya sa kin , lagi ko pa ring naaalala yung mga ginagawa niya , lalo na yung effort niya sa kin , yung mga pinapakita niya sa kin, hindi ko alam pero ang saya ko , ngayon ko lang to naramdaman sa tuwing kasama ko siya , yung bang may taong nakakaintindi sayo at pinapahalagahan ka kong sino at ano ako at yun ang isang bagay na nakikita ko sa kanya .

Masaya lang , yan lang ang nakikita ko ngayon lalo na sa tuwing mag kasama kami, hindi ko naaalintana ang oras at araw sa tuwing mag kasama kami, ang bilis ng oras pag kasama ko siya at pag hindi parang ang bagal bagal , hindi ako mapakali dahil naiisip ko siya , namimiss ganon nga siguro hindi mo nakikita kong ano ang tama at hindi tama .

Ganito ang nararamdaman ko ngayon , akala ko kasi hindi na darating ang araw na walang mag papasaya sa kin and I admit na si Dustin ang sagot sa lahat ng kaligayahan ko, I want to be happy with him , his my life , at gusto ko ng ibigay sa kanya ang hinihintay nyang sagot mula sa kin , dahil yung effort niya sa kin ay sapat na , yung effort na lagi niya kong pinapasaya at hinahatid sundo sa pag uwi , alam ko na seryuso siya sa kin and beside papatagalin ko pa ba eh pareho naman kaming nararamdaman para sa isat isa.

Nakahiga ako ngayon sa bed ko , nag iisip ng kong ano ano , nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ko siya , iniisip ko si Dustin , ewan ko ba kong bakit ganito ako ngayon masyado ba akong mabilis ?? Pero ito ang gusto ko , ang maging masaya kasama siya .

Natatandaan ko pa siya kong gaano siya sa ka sweet the last time na pumunta kami sa may book store .

••••••Flashback ••••••

Nasa mall kami ngayon , hindi ko alam kong bakit lagi na lang niya akong niyayang lumabas pero hindi naman ako makatanggi dahil ito naman talaga ang gusto ko simula ng sinabi ko sa kanya na pwede akong mag paligaw sa kanya .

"San ba tayo pupunta ?? " sabi ko

"Basta " Dustin

"Na naman ??? Kanina pa tayo nag lalakad dito " sabi ko

"Hindi ko kasi matandaan kong sang area yun ng mall " Dustin

"San ba kasi yun ?? " sabi ko

"Just calm akong bahala " Dustin

Tiningnan ko siya ng masama kasi naman ayaw man lang sabihin sa kin kong san kami pupunta kasi kanina pa kami lakad ng lakad tapos ni wala man lang akong idea kong san kami pupunta.

Pero bakit ganon ,nawawala yung inis ko sa tuwing nginingitian niya ko , asar naman oh.

Nag patuloy kami sa pag lalakad , walking trip yata gusto nito eh , asar naman , medyo masakit na ang paa ko dahil sa suot kong heels .

"Tahimik mo ?? " Dustin

"Wala lang " sabi ko

"Hulaan ko kung bakit tahimik ka ?? " Dustin

Tumingin ako sa kanya habang siya tumingin siya sa kin pero agad niya ding iniwas dahil nag lalakad kami , pinag mamasdan ko lang siya at inaantay kong ano ang sasabihin niya .

"Ano ?? " sabi ko

"Iniisip mo ko ?? " Dustin

"Hoy kapal ha , lakas ng loob mo tssse!! " sabi ko

Ngumiti lang siya , kaasar talaga siya .

"Your lying , its okay kasi ako iniisip kita " Dustin

Tumingin ako sa kanya ng nakakaasar , pero gaya ng dati nakangiti na naman siya sa kin .

"Corny mo " sabi ko ng nakangiti

Bigla niya kong inakbayan kaya nagulat ako sa ginawa niya pero deep inside kinilig talaga ako lalo na at nagtama ang mga tingin namin sa isat isa. Bigla nyang tinanggal ang kamay niya mula sa pag kakaakbay sa kin.

His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon