Ang daming gumugulo sa kin , hindi ko alam kung anung nangyayare sa kin , una hindi na ko nakakapag maldita , pangalawa , hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil kasama ko yung parents ko o hindi at huli hindi ko maintindihan kong anu ba tong nararamdaman ko kay Dustin. Nahihirapan na ko dahil sa tuwing nakikita ko sya parang umiiba yung pakiramdam ko , hindi ko magawang mag sungit at mag maldita sa tuwing nakikita ko sya ..
At isa pa wala pa rin akong maisip kung anu ang hinahanda sa king surpresa ng magaling kong kapatid , hayss bat ba to dumarating lahat ng problema sa isang maldita na gaya ko , kakaluka kaya hindi ako makapag concentrate kung anung uunahin ko , bahala na nga si batman.
Bumaba na ko dahil ayukong mag stay sa bahay kasama sila lalo na ang magaling kung kapatid , nasanay lang talaga ako ng mag isa at hindi sila kasama kaya medyu naninibagu ako kung paano ihandle yung situation .
Nakapahinto ako sa pag lalakad ng makasalubong ko ang devil sister ko
"Aalis ka ?? " Lovely
"Papasok ako Ate " sabi ko
"Let me guess , papasok ka kasi ayaw mo kaming makasama ?? Right ?? " Lovely
Inayus ko yung sarili ko
"You know what hindi ko alam kung anung nangyayare sayu, unang una pinaalis mo si Alice , pangalawa susulpot ka na lang dito kasama pa sila daddy , hindi ko alam kong anung tumatakbo dyan sa utak mo " sabi ko
Hindi ko na kasi mapigilan kaya nasabi ko yung mga ganyan.
"Gusto mong malaman ?? Surprise nga diba ?? " pagtataray nya
"Surprise ?? Kailangan ka pa natuto na gumawa ng surprise ?? Well let's see. I have to go " iniwan ko na sya at hindi ko sya nilingun tuloy tuloy akong lumabas bahay.
Habang nasa sasakyan ako hindi ko mapigilang malungkot , ewan ko ba kung bakit nangyayare sa kin ang mga bagay na to , bakit hindi ko magawang ngumiti o ipakita na masaya ako ?? Haysss anu bang nangyayare sa kin .
Ilang araw na lang birthday ko na , sa sobrang busy ko hindi ko naalala na mag bibirthday pala ako , ayuko kasi na nag cecelebrate ng birthday kasi wala namang reason pero ngayun nagulat ako dahil umuwi yung parents ko para sa birthday ko , wala akong idea kung anung plano ni Lovely sa birthday ko .
Nasa coffee shop ako kasama ko si Otep , namiss ko din tong nerd na to.
"Oh bat ganyan ang itsura mo ?? " Otep
"Bakit panget ba ako ngayun ?? Mukha ba akong haggard ?? " sabi ko
Kinamot nya yung ulo nya .
"Hindi yan ang ibig kong sabihin , I mean bat parang ang lungkot mo " Otep
Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga ako .
"Ang totoo kasi umuwi na yung parents ko " sabi ko
"Oh bat parang hindi ka masaya ?? Bat parang pang Halloween yang face mo " Otep
"Hindi kasi ako sanay na kasama sila , ewan ko ba kung bat ang layu ng loob ko sa kanila , lagi na lang kasi yung sister ko yung naapreciate nila samantalang ako " iniwas ko yung tingin sa kanya " hindi " sabi ko
"Diba sabi ko sayu , kausapin mo sila kung bakit ganun yung treat nila sayu " Otep
Hays oo nga pala, sinabihan nya ko noon na kausapin ko yung parents ko , sorry naman sa dami kong ginagawa ngayun maiisip ko pa ba yan tssss
Kinuha ko yung invitation na ginawa sa kin ng magaling kong kapatid ..
"Anu to ?? " Otep
"Anu bang tingin mo dyan Burger ?? Kakaluka , basahin mo na lang " pag tataray ko
Binuksan nya yung invitation na binigay ko
"Seriously ?? Nag bibirthday ka pa pala ?? " Otep
"Hoy anung tingin mo sa kin alikabok , hindi nag bibirthday ?? Tsss " sabi ko
"Iniinvite mo talaga ako ?? " Otep
"Bakit ayaw mo ?? " sabi ko
"Hindi kasi ako sanay umatend ng mga ganyan eh , wag na lang ako iba na lang " Otep
"Hayss ang arte naman talaga " sabi ko
Hindi ako makapaniwala na ang nerd na to is masyadong maarte tsss pinapatawa talaga ako ng kupal na to .
"Sige Ms. Lala pag iisipan ko , mauna na ko sayo may Quiz pa ko " Otep
Kinuha nya yung invitation saka sya tumayo sabay umalis na sya habang ako nakangiti habang papalayu sya.
Ewan ko ba kung bakit ganun ka gaan ang loob ko kay Otep at para naman akong tanga sa tuwing nakakaharap ko si Dustin Gohil ..
Nasa mall ako ngayun since maaga pa kaya tumuloy na muna ako sa mall ayuko lang kasi umuwi na maaga at makikita ko na naman ang magaling kong kapatid tssss pumasok ako sa isang dress shop wala lang gusto ko lang bumili ng dress na gusto kong suutin sa birthday ko ..
Tumitingin tingin ako sa mga dress kung anung bagay sa kin , parang mas maganda tong royal blue , since gusto ko syang I fit kaya naman tinawag ko yung clerk .
"Excuse me ?? " pag mamaganda ko
Mukhang hindi nya ata ako narinig kaya tinawag ko ulit sya .
"Miss excuse me " sabi ko
Tumingin sya sa kin at nag lakad palapit sa kin .
"Mam tawag nyu po ako ?? " Clerk
Dahil naiinis ako sa kakatawag sa kanya kaya naman gusto ko syang sampulan ng bonggang bongga .
"Yung aso yung tinawag ko , ooppsss " tiningnan ko sya sabay taas ng mga kilay ko " hindi ko alam na aso ka pala ?? Tssss " sabi ko
Kinuha ko yung dress na gusto kong i fit at iniabot ko sa kanya .
"Anu pong gagawin ko dito Mam ?? " Clerk
"Tingnan mo lang hanggang sa mag salita yan , kakaluka , tingin mo tatawagin ba kita kung hindi ko ififit yan " sabi ko
"Ay sorry Mam " Clerk
"Sorry ?? Bakit inaano ba kita ?? Tsss ayusin mo nga yang itsura mo , you just do your job. Nasasayang ang oras ko sayu kakaluka " pag tataray ko
Kaya nga ayukong pumunta ng mall at makakatikim lang sa kin tong mga slow at tanga na mga sales staff tsss
"Oh anu titingnan mo lang yan ?? " sabi ko
"Kukunin nyu po ba ?? " Clerk
"Pwede ko bang hiramin ? Kakaluka , anung tingin mo sa kin walang pera ?? Baka isampal ko sayu tong credit card ko " sabi ko
Tumahimik na lang yung clerk , kakaluka nakakaasar kaya kapag sinabihan ka ng ganyan tsss lumabas na ko ng dress shop baka hindi ko lang sya matantya at makatikim pa sya sa kin ng bongggang bongga, sabi ko naman sa inyu wag nyu kong tanungin ng ganyan at hindi kita tatantanan ..
BINABASA MO ANG
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...