Chapter Sixteen

912 14 0
                                    

Tama na muna ang kadramahan sa buhay , ayuko na munang mag drama ngayun nakikita ko lang ang sarili ko na ang panget panget, mas mabuti pang hindi ko muna isipin yun , hindi ko na lang muna papansinin. Sanay na rin naman ako na iniiwan at mag isa na lang ako sa buhay ..

Kung pwede nga lang na mawala na sila para hindi na ko nalulungkot kasi naman kung bakit sila pa ang kahinaan ko sa buhay , kaya nakakalimutan ko tuloy na maldita ako , nakakahiya pag nalaman ng mga supporters ko na mahina ako , na nag kukunwari lang akong maldita , hayss buhay nga naman ..

Pumasok na ko sa loob ng room , hindi ko alam kung anung meron ngayun , tsss makikita ko na naman ang bastus na yun , see nakatingin lang naman sya sa kin , yung tingin na nakakainis kaya naman ginandahan ko pa ang pag lalakad ko sabay upo ko , ayuko munang pansinin sya ngayun dahil kaaway ko sya sa lahat ng bagay , sya lang naman kasi ang nag iisang tao na ang lakas ng loob na talunin ako tsss

"Maganda ka na nyan ?? " pang aasar nya

Dahan dahan akong tumingin sa kanya tsss ang yabang talaga ..

"Parang ang lakas ng hangin ngayun, abot sa kin oh " pinanlakihan ko sya ng mata " Hindi ka ba na inform na hindi mo dapat ako kinakausap hanggat hindi kita kinakausap ?? " pag mamaganda ko

"Hindi eh " mayabang nyang sabi

"Pwede ba tigilan mo ko wala ako sa mode para mag taray ngayun " sabi ko

"Bakit ?? Na realize mo na ba kung gaano ka kasama?? " Dustin

Tiningnan ko sya ng masama ..

"Hindi naman ako magkakaganito kung walang mga taong tanga , and beside anu bang pakialam mo ?? Anu ba kita ?? " sabi ko

"Masyado ka namang defensive haha " Dustin

Tinawanan nya lang naman ako ng nakakaluka , tsss anung nakakatawa dun hampasin kita dyan ng sapatos eh . Mag sasalita sana ako ng biglang ..

"Good morning Class " pumasok yung teacher kung Epal .

"Good morning Ms. Epal " sabi nilang lahat maliban sa min .

Tsss sya lang naman ang nag iisang teacher na super duper Epal , Ewan ko ba kung bakit na ka pasok pa sya sa school na to eh mukha naman wala syang fashion sa sarili mukha lang naman syang manang kaya nakakainis syang tingnan..

Inayos ko yung pag upo ko at inirapan ko na lang tong hambog na katabi ko sarap nya talagang hampasin ng sapatos . Binalik ko yung tingin ko kay Ms. Epal yung tingin busing busy lang naman sya sa pag sasalita tsss akala nya nakakatuwa syang tingnan..

"Next week were having an examination , so class mag review na ang dapat mag review dahil mahirap ang exam " Ms. Epal

Nginiwian ko lang sya tsss ayan na naman sya sa remind remind na yan tapos itong gonggong na katabi ko akala nya makaka jackpot pa sya ngayun tingnan lang natin baka sa kangkongan lang sya pulutin .

Kailangan hindi ako mag pa easy easy ngayun , kailangan kong math review alam nyu naman tong katabi ko I'm sure mag rereview yan ng bonggang bongga tsss baka iniisip nyu na natatakot ako sa kanya , FYI wala sa vocabulary ko yan dapat nga sya yung matakot sa kin ..

Natapos din ang nakakabored na klase ni Ms. Epal , buti naman at nauubos at nasasayang lang ang ganda ko sa subject nya tsss inayus ko yung sarili ko at nagulat ako pag lingon ko sa tabi ko wala na pala ang gonggong na yun at nakita ko na lang sya na palabas ng pinto , agad akong tumayo para habulin sya tsss lagi na lang to nangyayare lagi na lang akong humahabol sa kanya , hindi naman ako aso tssss ..

"Hoy sandali , sandali .... " bingi ba sya sa ganda kong to pinapasigaw lang ako , "sandaliiiiiiii !!!! " sigaw ko

Huminto sya at dahan dahang lumingon sa kin , tsss slow motion pa sya akala mo nakakatuwa syang tingnan ..

"Bakit ka ba sumisigaw ??? And beside wag mo nga akong sundan masyado ka namang feeling close " pag susungit nya

"Hoy , hindi ako feeling close " inayus ko yung pag tayu ko , gusto ko lang naman syang sampulan " Tinatanung mo kung bakit ako sumisigaw ??? , may tao kasi na sobrang bingi at hindi man lang marinig ang tawag ko , pangalawa , anung sinasabi mo ?? Feeling close ? OLALALA ni sa panaginip hindi ko pinangarap na maging ka close ka , nasusuka nga ako sa pag mumukha mo " pag tataray ko

Inayus nya ang sarili nya at tumingin sa kin .

"Gusto ko lang malaman mo na hindi Hoy ang pangalan ko , kung tinawag mo lang sana a--- " pinutol ko yung sasabihin nya

"Ang dami mong alam sa buhay " sabi ko

"Anu ba kasing problema mo ha pwede ba wag mo na kong sundan , para kang aso na laging nakabuntot " Dustin

Kinuha ko yung damit sa bag ko at inihampas ko yun sa dibdib nya .

"Oh ayan , ayan na ang damit mo , may sasabihin ka pa ?? " sabi ko

Hawak hawak nya yung damit nya at ..

"Tssss" sabi nya sabay talikod sa kin at nag lakad na sya palayo sa kin , habang ako mukhang tanga lang naman na nakatingin sa likod nya , kakaluka ni hindi man lang marunong mag thank you ..

Ganito na ba ang mga tao ngayun kung hindi tanga walang utak tsss

Inayos ko yung sarili ko at nag umpisa na kong mag lakad , iniisip ko pa rin ang bastus na yun , sumusobra na talaga sya sa lahat ng ginagawa nya sa kin..

Tumuloy ako sa coffee shop ng school wala lang gusto ko lang ng tumambay , siguro nag tataka kayu kung bakit wala akong mga kaibigan, well ayuko lang kasi ng mga drama sa buhay and beside maldita ako , hay naku tama na nga yan , alam nyu naman na ayuko sa lahat ang mga drama na yan .

Umupo ako sa gitna ng coffee shop , as usual tinginan na naman ang mga mukhang ewan sa kin , hindi ko naman kasi kasalanan kong maganda ako tsss

"Ms. Lala kanina ka pa ba dyan ?? " Lumingon ako sa nag salita at nakita ko si nerd , inirapan ko agad sya.

"Nakita mo naman diba ?? Nakakahiya nga at nauna pa ko sayo " pag tataray ko

"Sorry Ms. Lala kung nalate ako " Otep

"Ayusin mo nga yang sarili mo naiinis ako sa mukha mo " iniwas ko yung tingin ko sa kanya " anu pang hinihintay mo pasko ?? Maupo ka na , nakakaluka " sabi ko

Umupo naman si nerd at parang ewan na nakatingin sa kin ..

"Wag mo kong tingnan ng ganyan " sabi ko

"Bakit parang namamaga ata yang mata mo ?? " Otep

Tumingin ako sa kanya ng deretsu ..

"Ang dami mong tanung , hindi ka naman reporter tsss wag mo na lang tong pansinin " sabi ko

" sabihin mo na , hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoo " Otep

"Hoy hindi bagay sayo kakaluka may nalalaman ka pang pa ganyan ganyan tadyakan kita dyan eh " Sabi ko

"Sabihin mo na , please promise hindi ko sasabihin kahit kanino .. " Otep

"Promise ?? " sabi ko

"Promise " Otep

Hindi ko alam kong bakit ang gaan gaan ng loob ko kay Otep aminin ko man o hindi pero napapangiti nya ako , bumuntong hininga ako .

"Hindi ko alam pero dahil makulit ka sasabihin ko na sayu , nag tatampo lang ako sa family ko kasi parang hindi na mahalaga sa kanila ni hindi man lang nila na aapreciate yung effort ko , alam mo yun " sabi ko

"Sinubukan mo na ba silang kausapin kong bakit ganun sila " Otep

"Hindi pa " sabi ko

"Oh yun naman pala eh , bakit hindi mo sila tanungin , I'm sure naman maiintindihan ka nila " Otep

"Tama na nga yang drama na yan , ang mabuti pa ihatid mo na lang ako sa sasakyan ko " sabi ko

Tumayo na kami at nag umpisang mag lakad, habang nag lalakad kami iniisip ko yung mga sinabi sa kin ng nerd na to , sana nga tama sya na ang lahat ay may dahilan kung bakit pakiramdam ko mag isa na lang ako ..

His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon