t h e r e

397 30 2
                                        


Nakasandal sa kinauupuan at naka-crossarms sa ibabaw ng kanyang dibdib habang pikit na nakatingala sa kisame at wala ng alam sa mundo. Dahil sa pagod at puyat ay madalas itong magnakaw ng idlip sa tuwing may pagkakataon at ngayon nga'y walang kaalam-alam na pinagtatawanan at kinukuhanan siya ng litrato ng kapwa resident doctor nang madatnan siya nitong nakaidlip sa hospital break room.


"Bully ka talaga." Sipat ng intern sa kumukuha ng litrato. "Trip mo na naman ate ko, ha?"


Tumigil ang lalaki sa pangdidiskita sa natutulog na doktora at bumaling sa kapatid nito. "Hoy Grace, resident ako dito at post-grad intern ka pa lang. Show some respect nga." Birong sabi ng lalaki at bumalik sa paggawa ng iced latté.


"Lakas mo mang-power trip 'no?"


Natawa ulit ang lalaki saka muling humarap sa kapatid ng kaibigang doktor. Ipinakita niya rito ang kuhang litrato gamit ang mamahaling telepono.


"Sige, i-post mo 'yan," Natatawang saad ng dalaga. "Kung ayaw mo maging times two 'yang 206 bones mo at maging hundred pieces yang iPhone X mo." Sabay tingin sa ate nitong wala pa ring kamalay-malay sa mundo.


"'Lam mo, parehong-pareho kayo ng ate mo. Masyadong bayolente."


Nagsimulang magtungo ang lalaki sa kinaroroonan ng lamesa nang bigla na lang itong natisod at kamuntikang bumagsak.


"Holy shit!" Napamura sa gulat ang dalaga at napaatras palayo upang hindi matapunan ng inumin.


Alerto namang napakapit ang lalaki sa kinauupuan ng natutulog na doktora kaya't nabalanse nito ang sarili, nabitawan nga lang ang hawak na kape sanhi para magising ang huli dahil sa sigaw ng kapatid at bumuhos sa kanyang malamig na inumin.


"What the..."


"Sorry. Sorry. Hindi ko sinasadya doc." Tarantang saad ng lalaki at aligagang pinupunasan ng kamay ang nabasang kasuotan ng babae.


"Hands off, man! You're touching my boobs!" Pagtataboy dito ng doktorang si Arielle.


"Pasensya na. Pasensya na talaga."


Maagap namang kumilos ang saksi para kumuha ng paper towel. "Ang lampa mo talaga Dr. Frente." Ungot nito pagkabalik habang pumipilas ng makapal na rolyo para ipinamunas sa kapatid.


Pero walang nagawa iyon para patuyuin ang nabasang white coat at damit ng doktora.


"No." Pinigilan na lang niya ang nakababatang kapatid sa ginagawa nitong pagpunas. "Magpapalit na lang ako. May damit ka ba dito?" Tumayo siya para hanapin ang pakay.


"Hoy ikaw, lumabas ka. Magpapalit siya ng damit." Pinandilatan ng kapatid niya ang lalaki na agad namang sumunod sa utos.


"Doc Arielle, sorry talaga ha? Bugbugin mo na lang ako mamaya." Paunmanhin ulit ng kapwa doktor bago ito lumabas.


"Ang lampa talaga ng lalaking 'yon 'no?" Saad ng kapatid habang naghahanap ng damit na pwedeng ipahiram sa ate.


"He was born with a silver spoon." Omento ni Arielle habang inaalis ang white coat.


"Pansin ko nga. Nasanay siguro siyang inaabot lang sa kanya lahat ng bagay. Baka nga di 'yon pinaglalakad noon kaya di alam gamitin ang paa. Pansin ko ding mahina siya." Napailing ito matapos ibato sa kausap ang napiling damit. "Siya ba 'yong tipo na doktor lahat ng family members kaya kahit tanga e nag-doktor din tapos sinuwerte lang makapasa at dahil sa influence ng family rin kaya nakapasok dito? Iba talaga nagagawa ng pera."


Hindi na umimik pa si Arielle. Matapos niyang alisin ang white coat ay tuluyan na niya ring hinubad ang damit para magpalit.


"Kelan ka pa nagpa-tattoo?" Puna ng kanyang kapatid nang mapansin ang itim na markang litaw na litaw sa kutis-porselana niyang balat.


Bago pa niya maisuot ang pamalit ay natigilan siya nang salatin ng dalaga ang likuran ng kanyang braso kung saan nakalagay ang tattoo.


"It's so fascinating." Manghang wika ng kanyang kapatid habang pinagmamasdang mabuti ang marka sa kanyang likod. "Rosary na ginawang steth and the chestpiece is bullet? Beautiful."

Divine DramedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon